NEWS AND UPDATE

Tulong para Sumulong | March 15, 2025

Tulong para Sumulong | March 15, 2025

PANOORIN: “Tulong para Sumulong.”
Ito ang layunin ng Provincial Tourism Office sa pamumuno ni Nesler Louies Almagro sa ginanap na Launching ng MAGANDA ang POGI Tourism Circuit na idinaos sa Sitio Bigyan, Barangay Sibulan Polillo, Quezon, ngayong araw ng Sabado, Marso 15.
Upang mas mapayabong pa ang likas na yaman ng Quezon ay iniangkla ito sa bisyon ni Governor Doktora Helen Tan na maging nangunganang pang-agri turismo ang Lalawigan ng Quezon sa taong 2030.
Kasamang dumalo dito sina DOT Region IV-A RD Marites Castro, at ARD Mario Daga, Alliance of Laguna Travel and Tour Agencies (ALTTA), Quezon Province Association of Travel and Tour Agencies (QuePATTA), Local Vloggers, mga vloggers na galing sa iba pang lalawigan, Office of the Provincial Agriculturist, Provincial Information Office, at Provincial Disaster Risk Reduction Management Office.
Asahan ang suporta ng Pamahalaang Panlalawigan upang mas mapaigting pa ang mga programang pang turismo.

Panoorin rito: https://www.facebook.com/share/r/1N56tG22r3/

#LoveQuezon
#LovePolilloIslands
#LovePhilippines
#SerbisyongTunayAtNatural
#HEALINGQuezon


Quezon PIO

Legal Mission kung saan nagbigay ng libreng talakayan ukol sa usaping Legal para sa mga Justices o Lupon ng iba’t ibang Barangay sa Bayan ng Polillo Quezon | March 15, 2025

Legal Mission kung saan nagbigay ng libreng talakayan ukol sa usaping Legal para sa mga Justices o Lupon ng iba’t ibang Barangay sa Bayan ng Polillo Quezon | March 15, 2025

Sa pangunguna ng Provincial Legal Office katuwang si RTC Executive Judge Agripino Bravo, ginanap ang isang Legal Mission ngayong araw ng Marso 15 sa islang bayan ng Polillo sa layunin na makapagbigay kaalaman at kamalayan ukol sa ilang usaping legal.
Nagkaroon ng talakayan para sa mga justices o lupon ng iba’t ibang barangay sa nasabing bayan patungkol sa Republic Act 11362, gayundin ang Katarungang Pambarangay (KP) na isang sistema para mahalagang aspeto sa pagresolba ng anumang problema sa loob ng isang barangay.
Hatid din ng Provincial Assessors Office ang tax campaign na layong manghikayat sa mga mamamayan na magbayad ng buwis lalo na sa mga property owners.


Quezon PIO

Distribution of Agricultural Inputs sa Bayan ng Polillo | Mar 15, 2025

Distribution of Agricultural Inputs sa Bayan ng Polillo | Mar 15, 2025

Upang maipadama ang kahalagahan ng sektor ng mga mangingisda at magsasaka, naipamahagi sa mga mamamayan ng islang bayan ng Polillo ang iba’t ibang kagamitang magpapayabong pa ng kanilang kabuhayan ngayong araw ng Marso 15.
Binigyang-diin din ni Governor Doktora Helen Tan na sa tulong ng Office of the Provincial Agriculturist sa pangunguna ni Dr. Liza Mariano ay patuloy na magsusumikap ang Pamahalaang Panlalawigan sa paghahandog ng mga serbisyo at programang mag-aangat sa pamumuhay ng bawat mangingisda at magsasaka sa Quezon.
Samantala, ang nasabing mga natanggap na kagamitan ay fertilizers, bottom set gill nets, seedlings, grasscutter, plastic drum, knapsnack, at assorted vegetables.


Quezon PIO

Kaganapan sa ginanap na “Kalinga sa Mamamayan, Libreng Gamutan – Polillo Quezon | March 15, 2025

Kaganapan sa ginanap na “Kalinga sa Mamamayan, Libreng Gamutan – Polillo Quezon | March 15, 2025

Mga naging kaganapan sa ginanap na “Kalinga sa Mamamayan, Libreng Gamutan” o Medical Mission sa islang bayan ng POLILLO ngayong araw ng Sabado, Marso 15.
Abangan naman sa mga susunod na araw ang pagdadala ng nasabing mga libreng serbisyong medikal sa bayan ng Burdeos, Patnanungan, at Jomalig.

#KalingaSaMamamayanLibrengGamutan
#MedicalMission2025
#SerbisyongTunayAtNatural
#HEALINGQuezon


Quezon PIO

Taos-pusong Pasasalamat ng mga residente ng Polillo Quezon | March 15, 2025

Taos-pusong Pasasalamat ng mga residente ng Polillo Quezon | March 15, 2025

Sa misyon na mailapit ang serbisyo ng kapitolyo, partikular na ang mga programang pangkalusugan ay labis ang naging pasasalamat ng mga residente mula sa islang bayan ng Polillo matapos isagawa ngayong araw ng Marso 15 ang “Kalinga sa Mamamayan, Libreng Gamutan” o Medical Mission.
Samantala, kasabay ring isinagawa para sa nasabing bayan ang Legal Mission sa pangunguna ng Provincial Legal Office, at ang tax campaigning ng Provincial Treasurer’s Office (PTO) at Provincial Assessors Office.

Panoorin rito: https://www.facebook.com/share/r/1A5zeFcW2v/

#KalingaSaMamamayanLibrengGamutan
#MedicalMission2025
#SerbisyongTunayAtNatural
#HEALINGQuezon


Quezon PIO

Clean-up Drive sa ilalim ng Proyekto Ligaya at Proyekto Revive (Linis, Ganda at Yabong) | March 15, 2025

Clean-up Drive sa ilalim ng Proyekto Ligaya at Proyekto Revive (Linis, Ganda at Yabong) | March 15, 2025

Isang makakalikasang araw na isinagawa ang Clean-up Drive sa ilalim ng Proyekto Ligaya at Proyekto Revive (Linis, Ganda at Yabong) ngayong araw ng Sabado, Marso 15 sa Lucena South II Elementary School, Cotta Lucena City.
Naisakatuparan ang naturang aktibidad sa pakikipagbalikatan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Quezon at sa pangunguna ng Punong Guro na si Jefferson Alojado katuwang ang mga Guro, mag-aaral, mga magulang kasama ang masigasig na mga boluntaryo na kinabibilangan ng Kalilayan Chapter, Matanglawin Elite Chapter, Guardian Brotherhood, Sangguniang Kabataan ng Barangay Cotta, Barangay Tanod, LCNHS Boy-Scouts of the Philippines at City General Services Office.
Sa sama-samang pagsisikap, naisaayos at nalinis ang kapaligiran ng naturang paaralan—isang hakbang patungo sa mas ligtas, maaliwalas, at kaaya-ayang lugar ng pagkatuto para sa mga mag-aaral na Quezonian.


Quezon PIO

Matagumpay na naihatid sa islang bayan ng Panukulan ang “Kalinga Sa Mamamayan, Libreng Gamutan” | March 15, 2025

Matagumpay na naihatid sa islang bayan ng Panukulan ang “Kalinga Sa Mamamayan, Libreng Gamutan” | March 15, 2025

“Ang pagkalinga po namin, patuloy na padadaluyin sa bawat mamamayan saan man sulok yan”
Sa muling pag-arangkada at pagsasagawa ng Medical Mission ngayong taon, siniguro ng Pamahalaang Panlalawigan sa pamumuno ni Governor Doktora Helen Tan na kabilang ang Polillo Group of Islands sa maaabutan ng mga serbisyo at programa partikular na ang mga pangkalusugan.
Nitong araw ng Marso 14, matagumpay na naihatid sa islang bayan ng Panukulan ang “Kalinga Sa Mamamayan, Libreng Gamutan” o Medical Mission kung saan tinatayang nasa 3,021 na residente ang naging benepisyaryo ng mga libreng serbisyong medikal.
Katuwang ang mga doktor at espesyalista mula sa iba’t ibang bahagi ng Pilipinas ay naihatid ng medical check-up para sa bata at matanda, bunot ng ngipin, tuli, minor surgery sa may maliit na bukol, cervical cancer screening para sa mga kababaihan, libreng gamot, check-up sa mata at libreng pasalamin. Mayroon ding mga laboratory examinations gaya ng ECG, X-RAY, Ultrasound, CBC, FBS/RBS, Urinalysis, Uric Acid, at Cholesterol.
Bukod sa Medical Mission, hatid naman ng Office of the Veterinarian ang Veterinary Mission kung saan 111 na may alagang hayop ang nakapagpakonsulta at 67 namang alagang hayop ang naturukan ng anti-rabies.
Samantala, para sa mga pasyente na hindi available ang iniresetang gamot at inirekomendang laboratoryo ng doktor ay sinigurong may medical assistance pa ring maibibigay sa 314 pasyente sa pamamagitan ng Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO).

#KalingaSaMamamayanLibrengGamutan
#MedicalMission2025
#SerbisyongTunayAtNatural
#HEALINGQuezon


Quezon PIO

📌 P A U N A W A 📌 | March 15, 2025

📌 P A U N A W A 📌 | March 15, 2025

📌 P A U N A W A 📌
Lubos po naming pinahahalagahan ang inyong pasensya at sigasig sa pag-aaplay para sa Special Program for Employment of Students (SPES).
Ang tanggapan ng Quezon Provincial PESO ay humihingi ng inyong pang unawa sapagkat nagkaroon ng antala sa paglalabas ng SPES ONLINE APPLICATION EVALUATION RESULT. Sa kasalukuyan po ay patuloy pang isinasagawa ang initial screening sa mga isinumiteng dokumento ng mga aplikante.
Tinitiyak po namin na masusing sinusuri ng aming tanggapan ang bawat aplikasyon upang matiyak ang patas na pagpili at pagsunod sa mga alituntunin ng programa. Dahil dito, magkakaroon ng kaunting pagkaantala sa pagpapalabas ng opisyal na listahan ng mga napiling aplikante.
Hinihiling po namin ang inyong pang-unawa at pakikiisa sa prosesong ito. Mangyari lamang na antabayanan ang mga susunod na anunsyo ng tanggapan hinggil sa resulta ng inyong aplikasyon. Maraming salamat po.


Quezon PIO / PESO