Assistance to Individual in Crisis Situation – Atimonan, Quezon | June 09, 2024
Kasabay ng ibinabang libreng gamutan sa Bayan ng Atimonan nitong araw ng Linggo, Hunyo 9 namahagi rin ng tulong pinansiyal sa ilalim ng programang AICS o Assistance to Individual in Crisis Situation ang Pamahalaang Panlalawigan sa pangunguna ng tanggapan ng Provincial Social Welfare and Development.
Kasamang nakibahagi sa maikling programa sina Governor Doktora Helen Tan, 4th District Congressman Atorni Mike Tan, Bokal Sonny Ubana, Bokal Harold Butardo, Bokal Derick Magbuhos, PCL President Bokal Ola Eduarte at Mayor Rustico Joven Mendoza.
Bakas naman ang saya sa mukha ng 590 benepisyaryong nakatanggap ng educational, medical at burial assistance na magiging kapaki-pakinabang sa kanilang mga pangangailangan. May ilan ring mga estudyante mula sa isla ng Balesin ang nakatanggap ng tulong pinansiyal.
Batid ng Gobernadora ang mga pangangailangan ng bawat mamamayan sa lalawigan kung kaya’t patuloy ang pakikipagtulungan ng Pamahalaang Panlalawigan sa iba’t-ibang tanggapan upang maihatid ang mga tulong na tutugon sa pinagdaraanan ng mga Quezonian.
Source: Quezon PIO