
Oath-taking Ceremony and Basic Orientation Program of 4 re-appointed employees of Quezon Provincial Hospital Network (QPHN) | February 27, 2025
Sa pangunguna ni Governor Doktora Helen Tan, tagumpay na naisagawa ang Oath-taking Ceremony and Basic Orientation Program para sa 4 na re-appointed employees ng Quezon Provincial Hospital Network (QPHN) mula sa Sampaloc, Lopez, at Atimonan at empleyado mula sa Provincial Government Environment and Natural Resources Office (PGENRO), ngayong araw ng Huwebes, Pebrero 27.
Sa naturang programa, pormal na nanumpa ang mga empleyado at muling tinanggap ang responsibilidad na kaakibat ng kanilang pagseserbisyo. Kaugnay nito, nagkaroon din ng maikling oryentasyon patungkol sa inaasahang tungkulin na kanilang gagampanan bilang kawani ng gobyerno.
Samantala, masayang binati ni Governor Tan ang mga empleyado at umaasa na makakatuwang sila ng Pamahalaang Panlalawigan sa pagpapaabot ng dekalidad na serbisyo para sa mamamayang Quezonian.
Ang nasabing seremonya ay dinaluhan ng mga kawani mula sa Provincial Health Office (PHO) sa pangunguna ni Dra. Kristin Mae-Jean Villaseñor, mga kawani mula sa Provincial Human Resource Management Office sa pangunguna ni PHRMO Rowell Napeñas, at mga kawani mula sa Provincial Government Environment and Natural Resources (PGENRO).
Quezon PIO