Medical Mission – General Nakar | June 18, 2024
Kasabay ng Medical Mission sa bayan ng General Nakar, ginanap rin ang pamamahagi ng Educational Assistance sa Central Elementary School kung saan 90 mag-aaral ng kolehiyo ang nabigyan ng tulong pinansyal ngayong araw ng Lunes, Hunyo 18.
Patuloy ang suporta ni Governor Doktora Helen Tan sa mga kabataang nagsusumikap na makaahon sa kahirapan at ang isang susi nito ay ang pagpapahalaga sa kanilang pag aaral at pagpapaigting ng mga programang makakatulong sa kanilang edukasyon.
Source: Quezon PIO