Lingap sa Mamamayan Libreng Gamutan | June 18, 2024
Muling nagsagawa ng programang “Lingap sa mamamayan, Libreng Gamutan” sa bayan ng General Nakar ngayong araw ng Lunes, Hunyo 18.
3,481 na residente ng nasabing bayan ang nabigyan ng libreng medical check-up, dental extraction, minor surgery sa may maliit na bukol, eye check- up, ENT, UTZ, X-RAY, ECG,, FBD/RBS, Cholesterol, uric acid, urinalysis, CBC, tuli, cervical cancer and breast screening, at PCV-23 vaccination.
Nagbigay naman ang Provincial Social Welfare and Development (PSWDO) at Provincial Treasurer’s Office (PTO) ng medical assistance sa mga pasyenteng hindi available ang mga iniresetang gamot.
Samantala, umabot sa 1,101 ang nakapagpakonsultang may alagang hayop sa Office of the Provincial Veterinarian habang 32 ang nakapagbakunahan ng anti-rabies.
Kasabay nito ay naibahagi sa bawat barangay ng General Nakar ang mga gamot na magsisilbing pantawid tugon sa mga residenteng may iniindang sakit.
Source: Quezon PIO