NEWS AND UPDATE

TRAVEL ADVISORY Sampaloc-Lucban Road | May 9, 2025

TRAVEL ADVISORY Sampaloc-Lucban Road | May 9, 2025

TRAVEL ADVISORY
Sampaloc-Lucban Road
PASSABLE WITH CAUTION (all types of vehicles)
May 9, 2025, 5PM
Maaari na pong makalagpas sa lugar ng landslide (Sampaloc-Lucban Road, Sitio Madilim, Barangay Bayongon) pero iisa pa rin pong bahagi ang madadaanan ng motorista kaya ibayong pag-iingat po ang aming paala-ala sa mga dumaraan dito.
Hindi pa rin po natapos ang pag-aalis ng mga gumuhong bato at lupa kaya bukas (May 10, 2025) ay muling ipagpapatuloy ng mga taga DPWH ang clearing operation kaya magkakaroon ng antala sa inyong pagbibiyahe kung dadaan po kayo dito.
Maraming salamat po sa inyong pang-unawa at pasensya.

Source: MDRRMO Sampaloc


Quezon PIO

2025 Ease of Doing Business (EODB) Month | May 9, 2025

2025 Ease of Doing Business (EODB) Month | May 9, 2025

The Provincial Government of Quezon joins the nation in celebrating the 2025 Ease of Doing Business (EODB) Month!
With the theme “From Red Tape to Red Carpet: Better Business Movement in a Bagong Pilipinas,” we strengthen our commitment to making government services more efficient, business-friendly, and transparent.
Together, let’s build a Quezon Province that champions progress, innovation, and ease for every investor, entrepreneur, and citizen.

#EODBMonth2025
#FromRedTapeToRedCarpet
#BetterBusinessMovement
#R2CBBMBP


Quezon PIO

Travel Advisory – Sampaloc-Lucban Road | May 9, 2025

Travel Advisory – Sampaloc-Lucban Road | May 9, 2025

TRAVEL ADVISORY
May 8, 2025 @5:00pm
Hindi pa rin po passable ang Sampaloc-Lucban Road sa lahat ng uri ng sasakyan dahil pa rin po sa gumuhong lupa pero kasalukuyan na pong ginagawa ng DPWH ang road clearing operation upang muling makadaan ang lahat ng uri sasakyan sa lalong madaling panahon.
Maraming salamat po DPWH sa maagang aksyon.
Pinag-iingat po ang lahat ng mga taong naglalakad sa lugar dahil sa maaaring pang pag-guho ng bato at lupa na may kasamang punong-kahoy.
Maaari pong dumaan sa Mauban-Tayabas Road kung kinakailangan talagang magbiyahe.

Source: MDRRMO Sampaloc


Quezon PIO

Thunderstorm Advisory No. 18 | May 9, 2025

Thunderstorm Advisory No. 18 | May 9, 2025

𝐓𝐡𝐮𝐧𝐝𝐞𝐫𝐬𝐭𝐨𝐫𝐦 𝐀𝐝𝐯𝐢𝐬𝐨𝐫𝐲 𝐍𝐨. 𝟏𝟖 #𝐍𝐂𝐑_𝐏𝐑𝐒𝐃
𝐈𝐬𝐬𝐮𝐞𝐝 𝐚𝐭: 𝟕:𝟎𝟕 𝐀𝐌, 𝟎𝟗 𝐌𝐚𝐲 𝟐𝟎𝟐𝟓(𝐅𝐫𝐢𝐝𝐚𝐲)
Katamtaman hanggang sa malakas na pag-ulan na may kasamang pagkidlat at malakas na bugso ng hangin ang nararanasan sa 𝐐𝐮𝐞𝐳𝐨𝐧(𝐆𝐞𝐧𝐞𝐫𝐚𝐥 𝐍𝐚𝐤𝐚𝐫,)na maaaring magpatuloy sa susunod na dalawang oras at makaapekto sa mga karatig na lugar.
Pinapayuhan ang lahat na mag-ingat at maging alerto sa posibleng panganib ng pagbaha at pagguho ng lupa.
Patuloy na mag-monitor sa mga karagdagang updates.


Quezon PDRRMO

Travel Advisory | May 8, 2025

Travel Advisory | May 8, 2025

‎TRAVEL ADVISORY

Lucena- ‎Tayabas- Lucban Sampaloc- Mauban Road Not Passable sa kahit anong uri ng sasakyan dahil sa landslide ngayong araw ng Huwebes, May 8.

‎Ipinagbabawal din ang paglalakad sa lugar upang maiwasan ang aksidente dahil sa patuloy na pagguho ng lupa na may kasamang malalaking bato.

‎Samantala, patuloy na binabantayan ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) at Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) ng mga apektadong bayan ang nasabing kalsada para sa mamamayan.

‎#QuezonProvince
‎#TravelAdvisory


Quezon PIO

Estrus Synchronization Artificial Insemination on Large Ruminants and Other Anima Health Services | May 8, 2025

Estrus Synchronization Artificial Insemination on Large Ruminants and Other Anima Health Services | May 8, 2025

Patuloy ang paghahatid ng serbisyo ng Office of the Provincial Veterinarian sa mga kalalawigan natin sa Calauag nitong Abril 28-29, 2025, sa pamamagitan ng pagkakaloob ng mga veterinary services, gaya ng estrus synchronization, artificial insemination, deworming, at vitamin injection, sa kanilang mga alagang baka at kalabaw.
May kabuuang bilang na 145 mga baka at kalabaw na pag-aari ng 94 na kalalawigan natin ang naserbisyuhan sa naturang bayan.
Nais namang magpasalamat ng OPV Quezon sa mga katuwang na ahensya ng Pamahalaan upang mapalawig pa ang Ruminant Development Program sa lalawigan, gaya ng Department of Agriculture (PCC, BAI, PCA, NDA, DARFO4A), gayundin sa LGU Calauag.

For more details, visit this link: https://www.facebook.com/share/p/1BxpFfJ3Qj/

#provetquezon
#ProvincialGovernmentofQuezon
#QuezonProvince


Quezon ProVet

Thunderstorm Advisory No. 9 | May 8, 2025

Thunderstorm Advisory No. 9 | May 8, 2025

𝐓𝐡𝐮𝐧𝐝𝐞𝐫𝐬𝐭𝐨𝐫𝐦 𝐀𝐝𝐯𝐢𝐬𝐨𝐫𝐲 𝐍𝐨. 𝟗
𝐈𝐬𝐬𝐮𝐞𝐝 𝐚𝐭: 𝟔:𝟐𝟑 𝐀𝐌, 𝟎𝟖 𝐌𝐚𝐲 𝟐𝟎𝟐𝟓 (𝐓𝐡𝐮𝐫𝐬𝐝𝐚𝐲)
𝐊𝐚𝐭𝐚𝐦𝐭𝐚𝐦𝐚𝐧 𝐡𝐚𝐧𝐠𝐠𝐚𝐧𝐠 𝐬𝐚 𝐦𝐚𝐥𝐚𝐤𝐚𝐬 𝐧𝐚 𝐩𝐚𝐠-𝐮𝐥𝐚𝐧 𝐧𝐚 𝐦𝐚𝐲 𝐤𝐚𝐬𝐚𝐦𝐚𝐧𝐠 𝐩𝐚𝐠𝐤𝐢𝐝𝐥𝐚𝐭 𝐚𝐭 𝐦𝐚𝐥𝐚𝐥𝐚𝐤𝐚𝐬 𝐧𝐚 𝐡𝐚𝐧𝐠𝐢𝐧 𝐚𝐧𝐠 𝐢𝐧𝐚𝐚𝐬𝐚𝐡𝐚𝐧 𝐬𝐚 𝐐𝐮𝐞𝐳𝐨𝐧 𝐬𝐚 𝐥𝐨𝐨𝐛 𝐧𝐠 𝐬𝐮𝐬𝐮𝐧𝐨𝐝 𝐧𝐚 𝐝𝐚𝐥𝐚𝐰𝐚𝐧𝐠 𝐨𝐫𝐚𝐬.
𝐏𝐢𝐧𝐚𝐩𝐚𝐲𝐮𝐡𝐚𝐧 𝐚𝐧𝐠 𝐥𝐚𝐡𝐚𝐭 𝐧𝐚 𝐦𝐚𝐠-𝐢𝐧𝐠𝐚𝐭 𝐚𝐭 𝐦𝐚𝐠𝐢𝐧𝐠 𝐚𝐥𝐞𝐫𝐭𝐨 𝐬𝐚 𝐩𝐨𝐬𝐢𝐛𝐥𝐞𝐧𝐠 𝐩𝐚𝐧𝐠𝐚𝐧𝐢𝐛 𝐧𝐠 𝐩𝐚𝐠𝐛𝐚𝐡𝐚 𝐚𝐭 𝐩𝐚𝐠𝐠𝐮𝐡𝐨 𝐧𝐠 𝐥𝐮𝐩𝐚.
𝐏𝐚𝐭𝐮𝐥𝐨𝐲 𝐧𝐚 𝐦𝐚𝐠-𝐦𝐨𝐧𝐢𝐭𝐨𝐫 𝐬𝐚 𝐦𝐠𝐚 𝐤𝐚𝐫𝐚𝐠𝐝𝐚𝐠𝐚𝐧𝐠 𝐮𝐩𝐝𝐚𝐭𝐞𝐬.


Quezon PDRRMO

List of Zone Upgrade from Red to Pink as of May 5, 2025 | May 7, 2025

List of Zone Upgrade from Red to Pink as of May 5, 2025 | May 7, 2025


Quezon ProVet

Capacity Development Training for QPESO Staff | May 7, 2025

Capacity Development Training for QPESO Staff | May 7, 2025

“Capacity Development Training for QPPESO Staff: Para sa mas Masusing Pag-unlad ng Kasanayan ng mga Kawani Tungo sa mas Epektibong Pagsisiguro ng Trabaho sa Buong Lalawigan”
Bilang bahagi ng pagpapaunlad ng kapasidad ng mga empleyado ng Quezon Provincial PESO ay nagsagawa ng “Capacity Development Training for QPPESO staff” noong ika- 24 at ika-25 ng Abril, 2025 sa St. Jude Multi-Purpose Cooperative Hotel & Event Center, Brgy. Isabang, Tayabas City, Quezon Province. Ang nasabing pagsasanay ay kinapalooban ng mga makabuluhang aktibidad na luminang sa kasanayan at abilidad ng bawat kawani ng tanggapan.
Nagsimula ang unang araw ng programa sa pangunguna ni PGADH/PESO Manager, Ms. Genecille P. Aguirre na nagpaabot ng pambungad na pananalita, Gayundin ay nagbahagi ng isang inspirational message ang Provincial Administrator ng lalawigan na si Mr. Manuel M. Butardo na kung saan ay napagtuunan niya sa kanyang mensahe ang malaking tungkulin ng tanggapan (QPPESO) upang mapalago ang sektor ng paghahanapbuhay sa lalawigan. Sa unang bahagi ng programa ay naging tagapagsalita ang Senior Labor and Employment Officer at Employment Focal ng DOLE-Quezon na si Ms. Abigail P. Gilpo na tumalakay sa “Role of Provincial PESO in Employment Facilitation”. Binigyan diin din sa talakayan ang kahalagahan ng pagsunod sa work ethics upang maging isang produktibong manggagawa at mga competencies na hinahanap ng mga employers.
Sa sunod na bahagi naman ay pinangunahan ni Dr. Noreen P. Echague, Associate Professor IV sa Southern Luzon State University ang “Career Coaching & Job Matching Techniques” na kung saan ay natalakay ang wastong pamamaraan ng pag-iinterbyu at paggabay sa mga jobseekers sa pagtukoy sa trabahong angkop sa kanilang kasanayan. Para sa ikatlong bahagi ay tinalakay ni Ms. Cielo Marte-Presas, Human Resource Consultant, ang wastong paraan ng paggawa ng resume at ang mga dapat gawin habang sumasailalim sa job interview. Sa huling bahagi para sa unang araw ng programa ay nagsagawa ng “Team Building Activity” sa pangunguna ni Mr. Gino A. Cabrera, Associate Professor V mula sa Southern Luzon State University, Ang bahaging ito ay kinapalooban ng mga interaktibong aktibidad na inilaan para sa mas ikatitibay ng ugnayan ng mga kawani ng QPPESO.
Sa ikalawang araw ng programa ay nagsagawa ng “Cascading of QMS Process Flows” na pinangunahan ng Focal Person ng QMS na si Ms. Noemi M. Broqueza, na kung saan ay binibigyang pansin ang mas detalyadong proseso ng mga programa o serbisyong ibinibigay ng tanggapan. Tinalakay naman ang bagong ilulunsad na PESO Online Report System ng Department of Labor and Employment sa pamumuno ng Labor Market Information Focal Person, Ms. Jerica M. Aman. Sa huling bahagi ng programa ay binalangkas ni Ms. Genecille P. Aguirre ang mga estratehiya at pagpaplano na isasagawa upang mas mapabuti ang mga programa at serbisyong ihinahandog ng tanggapan sa mga mamamayan ng lalawigan.
Sa kabuuan ay naging makabuluhan ang isinagawang aktibidad na naging daan upang mas mapagyaman ang mga kasanayan ng bawat kabahagi ng tanggapan. Bukod sa layuning mapaunlad ang abilidad ng bawat empleyado, hangarin din ng aktibidad na ito na makapagtatag ng isang matibay na pundasyon at ugnayan sa pagitan ng bawat isa. Kasabay ng pagtupad sa hangaring ito ay ang pag-abot sa hangarin ng QPPESO na maging isang epektibong daan upang makapaghandog ng mga oportunidad sa buong lalawigan.

#QuezonProvince


Quezon PIO / PESO

World Health Worker Day | May 7, 2025

World Health Worker Day | May 7, 2025

Ngayong May 7, 2025 ay World Health Worker Day.
Bigyang pasasalamat ang ating mga Health Workers sa sakripisyo at patuloy na paghatid ng dekalidad na serbisyong pangkalusugan.
Sila ang patuloy na nagaalaga at nagmamalasakit upang mapanatiling malusog at ligtas ang bawat mamamayang Quezonian.

#WorldHealthWorkerDay
#QuezonProvince


Quezon PIO / IPHO