
50th Gawad Saka: Parangal sa mga Natatanging Magsasaka at Mangingisda | June 30, 2025
Pinarangalan ng ating Presidente Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. , ngayong araw, Hunyo 30, 2025, ang mga nagwagi sa 50th Gawad Saka: Parangal sa mga Natatanging Magsasaka at Mangingisda. Ito ay ginanap sa Science City of Muñoz, Nueva Ecija. Ang mga pinarangalan ay kinilala bilang pinakamahusay sa kani-kanilang mga larangan sa agrikultura.
Kinilala bilang NATIONAL WINNER sa kategoryang Outstanding Large Animal Raiser Adopting Integrated Farming System, mula sa Bayan ng Sariaya, LALAWIGAN ng QUEZON, Rehiyon ng CALABARZON, si Bb. GEMMA ENRICO CHAVEZ, isang matagumpay na livestock farmer na kaagapay ng Office of the Provincial Veterinarian (OPV) sa pagpapaunlad ng dairy industry sa lalawigan.
Sa pagtanggap ng parangal ay kasama ni Gemma ang kanyang kabiyak na si G. Pedro Titic, Jr., Regional Executive Director G. Fidel Libao, at ang kinatawan ng OPV na si Dr. Milcah Valente.
Ang Gawad Saka ay ang pinakamataas na taunang pagkilala ng Kagawaran ng Pagsasaka (DA) katuwang ang mga lokal na pamahalaan (LGU) para sa mga natatanging magsasaka sa buong bansa.
Bilang pagpupugay sa kanyang natatanging tagumpay, mahalagang ambag, at makabagong pamamaraan sa pagsasaka, ipinagmamalaki ng buong lalawigan ng Quezon si Bb. GEMMA CHAVEZ!!
Mabuhay ka!!
#ProvetQuezon
#ProvincialGovernmentofQuezon
#QuezonProvince
Quezon PIO / ProVet