Lingap sa Mamamayan Libreng Gamutan – Dolores, Quezon | June 23, 2024
Patuloy ang paghahatid ng serbisyong medikal sa ginanap na “Lingap sa Mamamayan, Libreng Gamutan” sa bayan ng Dolores kahapon, Hunyo 23 sa pangunguna ni Governor Doktora Helen Tan kung saan 3,248 na mamamayan ng Dolores ang naging benepisyaryo ng iba’t-ibang libreng serbisyong gamutan.
Ilan sa mga ibinabang serbisyo ay libreng konsultasyon sa bata at matanda, bunot ng ngipin, minor surgery, eye check-up, UTZ, X-ray, ECG, FBS/RBS, Cholesterol, Uric Acid, Urinalysis, CBC, Tuli, Cervical Cancer Screening, at PCV 23 Vaccination.
Nagbigay naman ng tulong pinansiyal ang tanggapan ng Provincial Social Welfare and Development (PSWD) katuwang ang Provincial Treasurer’s Office (PTO) sa mga pasyenteng hindi available ang gamot o kinakailangan ng pagpapalaboratoryo na rekomendasyon ng doktor.
Kasama rin sa nagbigay ng libreng konsultasyon ang tanggapan ng Panlalawigang Beterinaryo kung saan 2,404 ang nakapagpakonsulta ng kanilang mga alagang hayop at 50 na alagang hayop ang naturukan ng anti-rabies.
Sa parehong araw, ipinamahagi rin sa lahat ng barangay ng nasabing bayan ang libreng mga esensyal na gamot upang magsilbing pantawid na tugon para sa mga residenteng may iniindang karamdaman.
Samantala, nakadagdag saya naman sa mga kababayan sa Dolores ang samahan ng LGBTQIA+ Community sa inihatid nilang libreng gupit at pakulay ng buhok. Ito ay bilang pagpapakita ng kanilang pasasalamat at suporta sa Pamahalaang Panlalawigan sa patuloy na pagpapahalaga sa kanilang kakayanan at karapatan sa komunidad at lipunan.
Source: Quezon PIO