NEWS AND UPDATE

Roll-Out of Quezon Ruminant Genetic Improvement Program E-Reporting for LGU and Village-Based AI Technicians | Mar 28, 2025

Roll-Out of Quezon Ruminant Genetic Improvement Program E-Reporting for LGU and Village-Based AI Technicians | Mar 28, 2025

Bilang bahagi ng pagpapatibay sa Quezon Ruminant Genetic Improvement Program, isinagawa ng Office of the Provincial Veterinarian ang Roll-Out of Quezon Ruminant Genetic Improvement Program E-Reporting para sa LGU at Village-Based AI Technicians noong Marso 20, 2025 sa OPV Conference Room sa Brgy. Talipan, Pagbilao, Quezon. Dinaluhan ito ng dalawampu’t dalawang (22) AI Technicians, LGU at Village-Based AI Technicians (VBAIT)/Report Officers. Ang aktibidad ay pinasimulan ng isang pambungad na mensahe mula kay Provincial Veterinarian-Dr. Flomella A. Caguicla.
Layunin ng pagsasanay na palawakin at ipatupad ang makabagong sistema ng e-reporting upang gawing mas madali, mas episyente, at mas tama ang pagkolekta at pagsumite ng datos na may kaugnayan sa Ruminant’s Artificial Insemination. Ang sistemang ito ay magbibigay-daan sa mas sistematikong pagtatala ng impormasyon, na makakatulong sa pagpaplano at pagpapatupad ng mga programa sa genetic improvement. Tinalakay rin ang mga mahahalagang isyu at hamon sa programa. Bukod dito, nagbigay rin ang mga partner agencies ng AI paraphernalias at updates sa mga programang at serbisyo na maaaring mapakinabangan ng mga nagsidalo.
Naging matagumpay ang aktibidad sa pangunguna ni Dr. Milcah Valente at Provincial AI Coordinator Mr. Rommel Deapera at iba pang kawani at sa pakikipagtulungan ng iba’t ibang ahensya tulad ng DA-Philippine Carabao Center-UPLB, NDA-South Luzon, BAI-UNAIP, at DA Region IV-A-RAIC.

#provetquezon
#ProvincialGovernmentofQuezon
#VeterinaryServices


Quezon PIO / ProVet

Psychological First Aid (PFA) Training – March 28, 2025

Psychological First Aid (PFA) Training – March 28, 2025

Tagumpay na isinagawa ng Provincial Human Resource Management Officer (PHRMO) ang Psychological First Aid (PFA) Training nitong araw ng Huwebes, Marso 27 sa Provincial Capitol Building, Lucena City.
Pinangunahan ito ni PHRMO Head, Rowell A. Napeñas, kasama ang resource speaker mula sa Provincial Gender and Development (PGAD) na si Community Affairs Officer IV Cynthia M. Profeta, kung saan dinaluhan ito ng mga kawani mula sa iba’t ibang departamento ng Pamahalaang Panlalawigan ng Quezon at Quezon Provincial Hospital Networks.
Layunin ng programa na magbigay dagdag kaalaman at pag-unawa, linangin ang mga praktikal na kasanayan, i-enhance ang workplace support and productivity, magbigay ng hands-on training at application, at bigyang ng pagkakataon na pahusayin pa ang propesyonal at personal na kakahayan ng mga dumalo patungkol sa pagsasagawa ng PFA.
Dito ay pinakita ang kahalagahan ng “Look, Listen, and Link” ng PFA sa kanilang ginawang role playing kung saan layunin nito na pakalmahin ang mga emosyon o aksyon na nararanasan ng isang tao dahil sa pagkabalisa.
Asahan pa ang patuloy na suporta ng Pamahalaang Panlalawigan upang makatulong sa Quezonian na dumaranas ng kabalisahan.

#MentalHealth
#PsychologicalFirstAid


Quezon PIO / HRMO

Libreng Gamutan na ginawa sa Bayan ng Patnanungan ay Nakilala si Lola Corazon at ang kanyang apo na si Nheythan na may malubhang karamdaman | March 27, 2025

Libreng Gamutan na ginawa sa Bayan ng Patnanungan ay Nakilala si Lola Corazon at ang kanyang apo na si Nheythan na may malubhang karamdaman | March 27, 2025

Sa paghahatid ng serbisyong libreng gamutan sa islang bayan ng Patnanungan noong taong 2024 ay nakilala si Lola Corazon at ang kanyang apo na si Nheythan na may malubhang karamdaman.
Dahil dito agad na inaksyunan at sinimulan ang kaniyang gamutan. Makalipas ang isang taon sa muling pagbisita sa bayan ng Patnanungan ay kinumusta natin ang lagay ni Nheythan


Quezon PIO

1st Quarterly Meeting of Quezon Provincial Council on Disability Affairs (QPCDA) | March 27, 2025

1st Quarterly Meeting of Quezon Provincial Council on Disability Affairs (QPCDA) | March 27, 2025

Sa pangunguna ng Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO), isinagawa ngayong araw ng Huwebes, Marso 27, ang 1st Quarterly Meeting of Quezon Provincial Council on Disability Affairs (QPCDA) sa Culture and Arts Center, Lucena City.
Ito ay pinangunahan ni Provincial Disability Affairs Officer April Rose A. Veluz at dinaluhan ng mga kinatawan mula sa iba’t ibang national agency sa Quezon gaya ng Department of Trade and Industry (DTI), Philippine Statistics Authority (PSA), Department of Interior and Local Government (DILG), Department of Public Works and Highways (DPWH) at Department of Education (DepEd). Kasama ring dumalo ang ilang tanggapan mula sa Pamahalaaang Panlalawigan.
Sa nasabing pagpupulong, inilahad ng Provincial Disability Affairs Office (PDAO) Quezon ang kanilang accomplishment report sa taong 2024 kung saan naipakita ang mga programa at proyekto na nakatuon sa pagtulong at pagsuporta sa mga taong may kapansanan.
Nagkaroon din ng talakayan patungkol sa 47th National Disability Rights Week na gaganapin sa Hulyo, dito ay nagpahayag ang bawat ahensya ng maaari nilang ibigay na serbisyo sa mga person with disability gaya ng tulong sa edukasyon, pagnenegosyo, at kalusugan.
Samantala, asahan ang patuloy na pag agapay ng Pamahalaaang Panlalawigan sa panguguna ni Governor Doktora Helen Tan upang mapagaan at matulungan ang mga mamamayang Quezonian.


Quezon PIO

2ID Phil. Army Womens Month Celebration Culmination Activity 2025 | March 27, 2025

2ID Phil. Army Womens Month Celebration Culmination Activity 2025 | March 27, 2025

Kaugnay sa pagdiriwang ng Women’s Month ngayong taon, ginanap ang Culmination Activity kasama ang mga kababaihang sundalo ng Philippine Army 2nd Infantry “Jungle Fighter” Division ngayong araw ng Marso 27 sa Camp General Mateo Capinpin, Tanay, Rizal.
Dinaluhan ito ni Governor Doktora Helen Tan bilang panauhing tagapagsalita, kung saan kanyang binigyang-diin ang mahalagang papel ng mga kababaihan sa lipunan saan man silang sektor nabibilang.
Ginawaran naman ang mga nagwaging kalahok na sundalo sa isinagawang tagisan ng abilidad sa mga ginanap na aktibidad na bahagi ng kanilang pakikiisa sa selebrasyon para sa buwan ng mga kababaihan.
Samantala, dinaluhan din ang isinagawang programa nila PA 2ID Commander MGEN Cerilo Balaoro Jr., PA 2ID Assistant Division Commander BGEN Erwin Alea, at PA 2ID GAD Section Chief CPT Romalyn Isaga.


Quezon PIO

Job Opening – Home Credits | March 27, 2025

Job Opening – Home Credits | March 27, 2025

Para sa mga nais mag-apply, magtungo lamang sa tanggapan ng Quezon Provincial PESO na matatagpuan sa 2nd Floor | ikalawang palapag ng Quezon Convention Center, Capitol Compound Lucena City. Huwag kalimutang magdala ng RESUME, ID at ballpen.
Para sa iba pang katanungan, maaaring tumawag sa QUEZON PROVINCIAL PESO (042) 373-4805 | 0933-868-5524 o mag-iwan ng mensahe sa facebook page Quezon Provincial PESO.


Quezon PIO

Rabies Awareness Month | March 27, 2025

Rabies Awareness Month | March 27, 2025

Sa patuloy na pagpapalakas ng kampanya laban sa rabies ngayong Rabies Awareness Month, matagumpay na isinagawa ng Office of the Provincial Veterinarian (OPV) sa pangunguna ni Dr. Flomella A. Caguicla, ang isang Veterinary Medical Mission katuwang ang Quezon Veterinary Medical Association (QVMA) sa pamumuno ni Dr. Isagani Requizo at ang administrasyon ng Pacific Mall Lucena City nitong ika-22 ng Marso, 2024.
Sa aktibidad na ito, 661 na aso’t pusa ang nabigyan ng libreng serbisyo, mula sa 528 na fur parents na lumahok upang matiyak ang kalusugan at kaligtasan ng kanilang mga alaga.
Bilang bahagi rin ng layuning mapalawig ang kaalaman ng publiko tungkol sa sakit na rabies, nagbigay ng isang makabuluhang seminar si G. Marc Angelo Barcelona, Nurse II ng Integrated Provincial Health Office (IPHO). Tinalakay niya ang sanhi, sintomas, at tamang pag-iwas sa rabies, gayundin ang kahalagahan ng maagap na pagpapabakuna sa tao at hayop upang maiwasan ang panganib ng sakit na ito.
Lubos ding nagpapasalamat ang tanggapan sa lahat ng sponsors na naging bahagi ng matagumpay na aktibidad na ito, na walang sawang sumusuporta sa adbokasiya para sa isang ligtas sa rabies na Lalawigan ng Quezon.

#SerbisyongTunayAtNatural
#HEALINGQuezon
#provetquezon
#ProvincialGovernmentofQuezon
#VeterinaryServices


Quezon PIO / ProVet

No to Fake News !! | March 26, 2025

No to Fake News !! | March 26, 2025

I-REPORT ang mga Facebook Account at Facebook Page na naglalabas ng FAKE NEWS sa buong Lalawigan ng Quezon.

Ang mga inilalabas nilang balita na walang katotohanan ay maaaring lumabag sa Republic Act 10175 (Anti-Cybercrime Law) sa ilalim ng Article 355 Revised Penal Code o Cyber Libel, dahil walang sapat na basehan o ebidensyang magpapatunay dito.

Kaya’t mga kalalawigan maging mapanuri tayo sa mga nababasa at nakikita sa mga social media.

#NOTOFAKENEWS!!


Quezon PIO