NEWS AND UPDATE

Pabatid: QPHN-QMC Outpatient Department (OPD) Clinic | April 8, 2025

Pabatid: QPHN-QMC Outpatient Department (OPD) Clinic | April 8, 2025

๐Ÿ“ข PABATID ๐Ÿ“ข
Pansamantalang sarado ang Outpatient Department (OPD) sa Abril 9, 2025, Miyerkules.
Para sa mga emergency cases, mangyaring dumiretso sa Emergency Room (ER).
Maraming salamat po!


Quezon PIO / QPHN-QMC

Quezon Mobile PCF Caravan | April 8, 2025

Quezon Mobile PCF Caravan | April 8, 2025

Isinagawa ng mga kawani ng Tanggapang Panlalawigan ng Kalusugan, katuwang ang mga kawani ng lokal na pamahalaan ng Mulanay at ang RHU sa pangunguna ni Dr. Elena O. Peรฑa, ang Quezon Mobile PCF Caravan, kasabay ng kanilang pagdiriwang ng Buntis Congress, noong ika- 3 hanggang 4 ng Abril, 2025.
Ang nasabing aktibidad ay isa sa mga daan upang makapagbigay kaalaman sa kahalagahan ng pangangalaga sa buntis at sanggol na siyang pinangunahan ng Provincial Safe Motherhood Program Focal Person na si Maria Cristina A. Dayapan. Layunin ng Quezon Mobile PCF Caravan na mabigyan ng libreng serbisyong pangkalusugan ang ating mga kalalawigan, lalo na ang mga kababaihan, sa lahat ng bayan sa ating probinsiya.
Ang mga sumusunod ay ang bilang ng mga kalalawigan na nabigyan ng libreng serbisyong pangkalusugan:
Para sa mga buntis:
*Ultrasound โ€“ 57
*Laboratory โ€“ 42
*HIV Screening โ€“ 42
*Given OB Supplements โ€“ 55
Para sa ibang kababaihan:
*PSI Insertion โ€“ 31
*PSI Removal โ€“ 23
*Cervical Cancer Screening (VIAA) โ€“ 41
*Breast Examination โ€“ 42

#QuezonProvince


Quezon PIO

Memorandum of Agreement (MOA) signing between MAPUA University and Provincial Government of Quezon | April 8, 2025

Memorandum of Agreement (MOA) signing between MAPUA University and Provincial Government of Quezon | April 8, 2025

Matagumpay na ginanap ang Memorandum of Agreement (MOA) Signing sa pagitan ng MAPUA University at ng Pamahalaang Panlalawigan ng Quezon, nitong araw ng Lunes, Abril 7 sa 2nd Floor Old Capitol Building Lucena City.
โ€Ž
โ€ŽAng kasunduan ay isang pagtutulungan at kooperasyon para sa pagbibigay ng praktikal na pagsasanay sa medisina sa komunidad at pampublikong kalusugan para sa mga mag-aaral na ang kurso ay may kinalaman sa medisina.
โ€Ž
โ€ŽAng programa ay magbibigay ng pagkakataon sa praktikal na karanasan at exposure sa pagsasanay sa medisina sa komunidad, pag-unawa sa teorya at pratika ng medisina, pangangalagang ambulatorio at pangangalaga sa tahanan, at pakikilahok sa mga aktibidad ng pampublikong kalusugan.
โ€Ž
โ€ŽSamantala, patuloy ang pakikipagbalikatan ng Pamahalaang Panlalawigan sa ibaโ€™t ibang ahensya upang matugunan ang pangangailangan ng mga mag-aaral na makakatulong sa kalusugan ng mga mamamayang Quezonian pagdating ng panahon.
โ€Ž
โ€Ž#QuezonProvince


Quezon PIO

Provincial Veterinary Announcement | April 7, 2025

Provincial Veterinary Announcement | April 7, 2025

#ANNOUNCEMENT
There will be NO Processing of Veterinary SHIPPING DOCUMENTS on APRIL 9, 2025 in observance of the Day of Valor (Araw ng Kagitingan) (Regular Holiday) (Proclamation No. 727)
All Shippers MUST apply for their needed Shipping Documents on APRIL 8, 2025.
Regular Operation will resume on APRIL 10, 2025.


Quezon PIO

Barangay Health Worker Day | April 7, 2025

Barangay Health Worker Day | April 7, 2025

Ngayong ika-7 ng Abril ay Barangay Health Worker Day.
Ating bigyang pasasalamat ang mga Health Workers ng ating mga Barangay sa walang sawang pagbibigay ng aruga at malasakit sa mga mamamayan.
Patuloy natin silang suportahan upang makapagbigay ng kalidad na serbisyong pangkalusugan.

#QuezonProvince


Quezon PIO

Pasasalamat sa Libreng Operasyon sa QMC sa ilalim ng NBB Program | April 7, 2025

Pasasalamat sa Libreng Operasyon sa QMC sa ilalim ng NBB Program | April 7, 2025

PANOORIN: Ang lubos na pasasalamat ni Elinita Hernandez sa Pamahalaang Panlalawigan dahil sa libreng operasyon ng kaniyang asawa na si Michael Hernandez sa Quezon Provincial Hospital Network- Quezon Medical Center (QPHN-QMC).
โ€Ž
โ€ŽIsa si Michael sa naging benepisyaryo ng No Balance Billing o NBB na kung saan, libreng makakakuha ng serbisyong medikal ang higit nanganagilangan nito.

Link: https://www.facebook.com/share/r/12GkoUDuoxc/

#QuezonProvince


Quezon PIO

WORLD HEALTH DAY: โ€œHealthy beginnings, hopeful futuresโ€ | April 7, 2025

WORLD HEALTH DAY: โ€œHealthy beginnings, hopeful futuresโ€ | April 7, 2025

WORLD HEALTH DAY: โ€œHealthy beginnings, hopeful futuresโ€.
Ipinagdiriwang ngayong araw ng Lunes, Abril 07, ang WORLD HEALTH DAY na may temang โ€œHealthy Beginnings, Hopeful Futuresโ€. Ito ay nakatuon sa higit na pangangalaga sa bawat ina at sa kaniyang sanggol. Layunin nito na itaas ang pangkalusugang kamalayan na may kinalaman sa pagbubuntis hanggang panganganak ng isang ina at magtaguyod ng kolektibong aksyon na tutugon at susuporta sa kanilang mga pangangailangan.
Ayon sa tala ng World Health Organization nitong taong 2023, tinatayang nasa 700 kada araw o katumbas ng halos 260, 000 kada taon ang kababaihan na namamatay dahil sa pagbubuntis at panganganak.
Ang nakakaalarmang datos na ito ay isang paalala na bigyang-pansin ang kalusugan at maglaan ng panahon upang alamin ang mga pamamaraan na mag-aangat ng kalusugan ng bawat mamamayan.
Mga kalalawigan, tayo ay makiisa sa pagtataguyod ng mga epektibong pamamaraan upang pangalagaan ang kalusugan ng mga kababaihan at mga sanggol.

#WorldHealthDay
#QuezonProvince


Quezon PIO

Skills Training on Cacao Processing sa Quezon Food & Herbal Processing Center | April 7, 2025

Skills Training on Cacao Processing sa Quezon Food & Herbal Processing Center | April 7, 2025

Isinagawa nitong Abril 2-3, 2025, ang Skills Training on Cacao Processing sa Quezon Food & Herbal Processing Center, na pinangunahan ng Food Processing Unit ng Tanggapan ng Panlalawigang Agrikultor.
Dinaluhan ito ng Alabat Cacao and Coconut Farmers Agriculture Cooperative, isang kooperatibang kasalukuyang gumagawa ng tablea upang higit pang palawakin ang kanilang kaalaman sa tamang pagpoproseso ng cacao at makapaglaan ng karagdagang bagong produkto sa kanilang linya ng negosyo.
Sa pagsasanay, itinuro ng Food Processing Unit ang tamang proseso ng paggawa ng tablea, sweetened cacao niblets, at cacao brittle. Tinalakay rin ang Good Manufacturing Practices (GMP), food safety, packaging at labelling upang matiyak ang kalidad at kaligtasan ng mga produkto. Ang Sweetened Cacao Niblets ay isang masarap na snack na maaari ring gawing topping sa mga dessert o panghimagas. Ang Cacao Brittle, naman, ay isang matamis at malutong na candy na pwedeng gawing meryenda o bilang token ng pasasalamat sa mga espesyal na okasyon.
Patuloy na magsusulong ang Office of the Provincial Agriculturist sa pangunguna ng Food Processing Unit ng Agricultural Support Services Division ng mga ganitong uri ng pagsasanay upang mapalawak ang oportunidad sa agrikultura at food processing sa lalawigan ng Quezon. Sa pamamagitan ng mga programang ito, inaasahang mapapalago ang industriya ng cacao at mapapalakas ang kakayahan ng mga lokal na magsasaka sa paggawa ng mga produkto mula sa cacao.

#cacaoprocessing
#agribasedproductdevelopment
#OPAQuezon
#QuezonProvince


Quezon PIO / Agriculture

โ€œ๐†๐š๐ฐ๐ข๐ง๐  ๐’๐š๐Ÿ๐ž ๐š๐ง๐  ๐…๐ฎ๐ซ๐›๐š๐›๐ข๐ž๐ฌ ๐ฌ๐š ๐‘๐š๐›๐ข๐ž๐ฌโ€ ๐…๐š๐œ๐ž๐›๐จ๐จ๐ค ๐‘๐ž๐ž๐ฅ ๐Œ๐š๐ค๐ข๐ง๐  ๐‚๐จ๐ง๐ญ๐ž๐ฌ๐ญ | April 7, 2025

โ€œ๐†๐š๐ฐ๐ข๐ง๐  ๐’๐š๐Ÿ๐ž ๐š๐ง๐  ๐…๐ฎ๐ซ๐›๐š๐›๐ข๐ž๐ฌ ๐ฌ๐š ๐‘๐š๐›๐ข๐ž๐ฌโ€ ๐…๐š๐œ๐ž๐›๐จ๐จ๐ค ๐‘๐ž๐ž๐ฅ ๐Œ๐š๐ค๐ข๐ง๐  ๐‚๐จ๐ง๐ญ๐ž๐ฌ๐ญ | April 7, 2025

Nitong buwan ng Marso 2025, bilang bahagi ng pagdiriwang ng Rabies Awareness Month, isinagawa ng Office of the Provincial Veterinarian (OPV) ang โ€œ๐†๐š๐ฐ๐ข๐ง๐  ๐’๐š๐Ÿ๐ž ๐š๐ง๐  ๐…๐ฎ๐ซ๐›๐š๐›๐ข๐ž๐ฌ ๐ฌ๐š ๐‘๐š๐›๐ข๐ž๐ฌโ€ ๐…๐š๐œ๐ž๐›๐จ๐จ๐ค ๐‘๐ž๐ž๐ฅ ๐Œ๐š๐ค๐ข๐ง๐  ๐‚๐จ๐ง๐ญ๐ž๐ฌ๐ญ. Layunin ng patimpalak na ito na palaganapin ang kaalaman ukol sa rabies prevention at hikayatin ang publiko sa responsableng pag-aalaga ng mga alagang hayop.
Narito ang mga nagwagi:
๐Ÿ๐ฌ๐ญ ๐๐ฅ๐š๐œ๐ž
๐˜Œ๐˜ฏ๐˜ต๐˜ณ๐˜บ #14: ๐…๐ฎ๐ซ๐›๐š๐›๐ข๐ž๐ฌ ๐ˆ๐›๐š๐ซ๐ซ๐š, ๐๐š๐ฆ๐›๐š๐ฆ, ๐š๐ง๐ ๐๐ž๐ซ๐ญ๐จ
๐˜๐˜ถ๐˜ณ ๐˜—๐˜ข๐˜ณ๐˜ฆ๐˜ฏ๐˜ต: ๐‰๐จ๐ฌ๐š๐ง ๐€๐›๐ซ๐ข๐ ๐จ
๐Ÿ๐ง๐ ๐๐ฅ๐š๐œ๐ž
๐˜Œ๐˜ฏ๐˜ต๐˜ณ๐˜บ #11: ๐…๐ฎ๐ซ๐›๐š๐›๐ฒ ๐๐จ๐ง๐ง๐ข
๐˜๐˜ถ๐˜ณ ๐˜—๐˜ข๐˜ณ๐˜ฆ๐˜ฏ๐˜ต: ๐€๐ง๐ ๐ž๐ฅ๐š ๐๐ข๐ค๐ค๐จ๐ฅ๐ž ๐€. ๐†๐ซ๐ž๐ณ๐ฎ๐ฅ๐š
๐Ÿ‘๐ซ๐ ๐๐ฅ๐š๐œ๐ž
๐˜Œ๐˜ฏ๐˜ต๐˜ณ๐˜บ #12: ๐…๐ฎ๐ซ๐›๐š๐›๐ข๐ž๐ฌ ๐‹๐ฎ๐ข, ๐๐š๐ฆ๐ข, ๐š๐ง๐ ๐“๐จ๐จ๐ญ๐ก๐ฅ๐ž๐ฌ๐ฌ
๐˜๐˜ถ๐˜ณ ๐˜—๐˜ข๐˜ณ๐˜ฆ๐˜ฏ๐˜ต: ๐Š๐ซ๐ฒ๐ณ๐ญ๐ข๐ง๐ž ๐€๐ง๐ง๐ž ๐Œ๐จ๐ง๐Ÿ๐ž๐ซ
Bukod sa mga pangunahing nagwagi, nagkamit rin ng ๐˜ผ๐™ฅ๐™ค๐™จ๐™ฉ๐™ค๐™ก ๐™‹๐™š๐™ฉ๐™จ๐™๐™ค๐™ฅ ๐™–๐™ฃ๐™™ ๐˜ผ๐™ฃ๐™ž๐™ข๐™–๐™ก ๐˜พ๐™–๐™ง๐™š ๐˜ฝ๐™š๐™จ๐™ฉ ๐™๐˜ฝ ๐™๐™š๐™š๐™ก ๐˜พ๐™๐™ค๐™ž๐™˜๐™š ๐˜ผ๐™ฌ๐™–๐™ง๐™™ si:
๐—˜๐—ป๐˜๐—ฟ๐˜† #๐Ÿฑ โ€“ ๐—™๐˜‚๐—ฟ๐—ฏ๐—ฎ๐—ฏ๐—ถ๐—ฒ๐˜€ ๐—–๐—ต๐—ผ๐—ฐ๐—ผ ๐—ฎ๐—ป๐—ฑ ๐—Ÿ๐˜‚๐—น๐˜‚
๐—™๐˜‚๐—ฟ ๐—ฃ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฒ๐—ป๐˜: ๐—ญ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ๐—ต ๐— ๐—ฎ๐—ฒ ๐—–๐˜‚๐—ฎ๐˜€๐—ฎ๐˜†
Lubos ang pasasalamat ng OPV sa lahat ng mga kalahok at mga sponsors na aktibong nakiisa at sumuporta sa adbokasiyang ito para sa kaligtasan ng ating mga alagang hayop at ng komunidad.
Makikipag-ugnayan ang OPV sa mga nagwagi at lahat ng mga lumahok para sa iba pang mga detalye.
Muli, maraming salamat sa inyong partisipasyon! Sama-sama nating isulong ang responsableng pag-aalaga ng hayop at ang layunin para sa isang Ligtas sa Rabis na Lalawigan.

#QuezonProvince


Quezon PIO / ProVet

Kadiwa ng Pangulo โ€“ April 7, 2025

Kadiwa ng Pangulo โ€“ April 7, 2025

MARK YOU CALENDARS!
Your one-stop shop is near the corner. This April 15, 2025 at Capitol Compound, Lucena City, Quezon.
โœ… Budget-friendly items
โœ… Good Quality harvest
โœ… Safe, healthy and delicious snacks and drinks
Only at Kadiwa ng Pangulo sa Kapitolyo.
See you all mga KADIWA!

#KadiwangPangulo2025 #QuezonProvince


Quezon PIO / Agriculture