Pagpulong ni Governor Doktora sa Pamunuan ng QPHN-Candelaria | July 31, 2024
TINGNAN: Nakipagpulong ngayong araw ng Miyerkules, Hulyo 31 si Governor Doktora sa pamunuan ng QPHN-Candelaria kasama sina PHO Head Dr. Kristin Mae-Jean Villaseรฑor at PSWDO Head Ma’am Sonia Leyson.
Layunin ng ginanap na pagpupulong na magkaroon ng talakayan ukol sa maayos na pamamalakad ng nasabing ospital lalo’t malapit na matapos ang rehabilitasyon nito.
Nagbigay paalala at suhestiyon din ang gobernadora kung ano pa ang maaaring gawin ng mga kawani ng ospital upang maibigay ang maasahang serbisyong pangkalusugan para sa mga nangangailangang Quezonian.
Quezon PIO