Gabi ng Paggunita sa Sentenaryong Pagdiriwang | August 01, 2024
Kaugnay sa pagdiriwang ng ika-100 taong anibersaryo ng pagkakatatag ng Quezon Provincial Hospital Network – Quezon Medical Center (QPHN-QMC), nagkaroon ng programa sa Quezon Convention Center na dinaluhan ng mga kawani ng nasabing ospital upang sama-samang gunitahin ang makasaysayan na senitaryong pagdiriwang.
Taos-pusong pinasalamatan ni Governor Doktora Helen Tan ang mga empleyado na bumubuo sa bawat departmento ng QPHN-QMC, dahil malaki ang kanilang papel upang masiguro na may masasandalan at masusulingan ang mga Quezonian na kinakailangan ng atensyon sa kalusugan.
Sa panibagong yugto ng nasabing ospital, hangad din ng gobernadora na mas lalo pang mapagbuti ng mga kawani ang pagbibigay ng serbisyong mapagmalasakit, mapagkalinga, at mapagmahal sa kanilang pinaglilingkuran.
Samantala, nagpainit naman sa selebrasyon ang ginanap na dance competition ng pitong departmento ng QPHN-QMC kung saan tampok at nasaksihan ang iba’t-ibang tema ng henerasyon.
Quezon PIO