NEWS AND UPDATE

Lingap sa Mamamayan, Lireng Gamutan | May 04, 2023

Lingap sa Mamamayan, Lireng Gamutan | May 04, 2023

Narito ang mga handog na serbisyong medikal ng pamahalaang panlalawigan para sa mga mamamayan ng Mauban, Quezon ngayong araw, May 4.

Nakahanda ang mga staff katuwang ang Provincial Stan Satellite office sa bayan ng Mauban upang ihatid ang tulong para sa ating mga nangangailangang kalalawigan.

Source: Quezon PIO

42nd Regular Session of the Sangguniang Panlalawigan ng Quezon | May 03, 2023

42nd Regular Session of the Sangguniang Panlalawigan ng Quezon | May 03, 2023

Ika-42 na Pangkaraniwang Pulong ng Sangguniang Panlalawigang Quezon | Mayo 3, 2023

Ngayong araw ay muling nagtipon-tipon ang mga miyembro ng Sangguniang Panlalawigan ng Quezon upang suriin at aprubahan ang mga liham at mga batas na nais ipasatupad sa lalawigan.

Nagsimula ang sesyon sa pribilehiyong talumpati ni Bokal Julius Jay F. Luces kung saan ay kanyang isinaad at ipinaliwanag ang problema sa suplay ng tubig para sa mga Quezonians na sinundan ng pagpapakilala sa bagong Provincial Information Officer na si Mr. Jun Lubid kasama ang mga kawani ng tanggapan.

Isa sa mga ordinansang naaprubahan ngayon araw ay ang annual budget ng Infanta, Quezon at ang General Fund ng Munisipyo ng Candelaria, Quezon. Naipasatupad din ang ordinansang nagtatatag ng priority courses scholarship para sa mga karapat dapat na mga mag aaral gayundin ang Kautusang Batas no. 9 na nagsasaad na kinakailangang magtanim ng hindi bababa sa isang punong kahoy ang mga mag aaral upang makapagtapos sa pag aaral sa munisipyo ng Gumaca, Quezon.

Source: Quezon PIO

JUST IN: El Niño Alert | May 03, 2023

JUST IN: El Niño Alert | May 03, 2023

“PAGASA has been continuously monitoring the developing El Niño conditions in the tropical Pacific.

Recent conditions and model forecasts indicate that El Niño may emerge in the coming season (June-July-August) at 80% probability and may persist until the first quarter of 2024. “

read more here: (https://bagong.pagasa.dost.gov.ph/press-release/137)

Souce: Quezon PIO

Seminar on Employees Compensation Program | May 02, 2023

Seminar on Employees Compensation Program | May 02, 2023

Seminar on Employee’s Compensation Program

Ngayong ika-2 ng Mayo naganap ang pagpupulong tungkol sa Employee’s Compensation Program sa Audio Visual Room ng Quezon Convention Center na dinaluhan ng mga kawani ng pamahalaang panlalawigan ng Quezon.

Dito ay itinalakay ni Information Officer II Ms. Jonah Romasanta mula sa Employees Compensation Commission (ECC) ang Employee’s Compensation Program at kung paano ito naiiba sa benepisyong hatid ng GSIS. Ipinaliwanag din sa mga dumalo kung ano ang mga nasasakupan nitong mga insidente sa mga pribado at pampublikong sektor.

Source: Quezon PIO

Heat Index na Maaaring Maramdaman sa Lalawigan ng Quezon | May 02, 2023

Heat Index na Maaaring Maramdaman sa Lalawigan ng Quezon | May 02, 2023

Mga dapat na gawin:

-Palaging Uminom ng Tubig
-Magdala ng panangga sa araw kung lalabas
-Iwasan ang matatamis na inumin
-Manatili sa malalamig o malilim na lugar
-Magsuot ng komportableng damit
-Iwasang magsuot ng mga damit na may matitingkadna kulay

Nakaraang Limang Araw na Aktwal na Heat Index at Mga Pagtataya para sa Susunod na Dalawang Araw

Tandaan: Ang mga nakaraang 5-araw na pagtataya ay pinaikli dahil sa mataas na kawalan ng katiyakan na natukoy mula sa mas mahabang panahon ng pagtataya.

Source: Quezon PDRRMO

TLI One-time Ceremonial MOA Signing of 2023 CSR Program | May 02, 2023

TLI One-time Ceremonial MOA Signing of 2023 CSR Program | May 02, 2023

Nakiisa ang Pamahalaang Panlalawigan sa pamamagitan ni Provincial Administrator Manuel Butardo na kinatawan ni Gov. Doktora Helen Tan sa isinagawang TLI One-Time Ceremonial MOA Signing of 2023 Corporate Social Responsibility Programs nitong ikalawang araw ng Mayo.

Layunin ng MOA na makapagbigay ng tulong at assistance ang Aboitiz Power Thermal Group-Luzon sa ilang mga programa ng pamahalaan panlalawigan kabilang ang Provincial Healthcare System at ilang pangangailangang medikal sa Quezon Medical Center (QMC) na naaayon sa HEALING Agenda ng ina ng lalawigan.

Kabilang din sa mga dumalo sina Pagbilao Mayor Gigi Portes, AFPHSC Commander Maj. Gen. Edgar Cardinoza, DepEd Quezon Schools Division Superintendent, Dr. Rommel Bautista para pumirma sa kasunduan ng programang pangkabuhayan, edukasyon, kalusugan, at iba pa mula sa Aboitiz Power Thermal Group-Luzon.

Source: Quezon PIO

121st Labor Day Celebration – Trabaho, Negosyo, Kabuhayan | May 01, 2023

121st Labor Day Celebration – Trabaho, Negosyo, Kabuhayan | May 01, 2023

“Isang maligayang araw ng Paggawa” ito ang bati ni Department of Labor and Employment – Quezon (DOLE-Quezon) Director Edwin T. Hernandez sa mgamanggagawang Quezonian na nakiisa sa ika-121 pagdiriwang ng Labor Day o Araw ng mga Manggagawa ngayong Lunes, May 1.

Bilang bahagi ng pagdiriwang ay isinagawa ang TUPAD Payout para sa 2,302 beneficiaries mula sa bayan ng Tayabas at Pagbilao kasabay din ang pamimigay ng trabaho, negosyo at kabuhayan sa 65 piling mamamayan ng lalawigan ng Quezon. 25 sa mga ito ay tumanggap ng Sari-sari Store package, 12 para sa Frozen Food Package at 28 Rice Retailing package bilang bahagi ng DOLE Integrated Livelihood Program. Ang selebrasyon na ito ay dinaluhan nina Vice Governor Third Alcala, Congressman Mark Enverga ng 1st District at Mayor Lovely Reynoso-Pontioso ng Tayabas City.

Sa huli ay ginawaran ng sertipiko ng pasasalamat ang mga institusyon at kolehiyong nagsipaglahok sa ispesyal na araw na ito para sa mga manggagawa ng lalawigan ng Quezon.

Mula sa Pamahalaang Panlalawigan ng Quezon, sa pangunguna ni Gov. Doktora Helen Tan, isang maligayang araw ng mga manggagawa po sa ating lahat.

Source: Quezon PIO

Gov. Angelina ‘Doktora Helen’ D.L. Tan Century Challenge 2023 | April 30, 2023

Gov. Angelina ‘Doktora Helen’ D.L. Tan Century Challenge 2023 | April 30, 2023

Mahalaga ang magkaroon ng malusog na pangangatawan, tamang ehersisyo araw-araw at isports sa ating katawan, kung kaya’t naki-padyak ang 674 bikers mula sa Quezon at mga karatig-lalawigan sa isinagawang Gov. Doktora Helen Tan Quezon Century Challenge 2023 ngayong araw, Abril 30.

Tinahak ng mga kalahok ang 100 kilometers sa rutang Lucena-Tayabas-Mauban-Sampaloc-Lucban-Tayabas-Lucena o mas kilalang Mauban Loop, kung saan naging top 3 finisher sina Gabriel Zaporteza, Kielvin Cuerdo, Samuel Manzar.

Naging matagumpay naman ang nasabing patimpalak sa pangunguna nina Provincial Sports Head Aris Mercene, MOP Events, SparTAN at mga sponsors.

Abangan ang kapana-panabik na mga susunod na kompetisyon gaya ng Aquathlon, Duathlon, at Triathlon.

MPBL 2023 Regular Season – Eliminations – Final Score

MPBL 2023 Regular Season – Eliminations – Final Score

7-0 na tayo Quezonians!

MR OPV SIA Provincial Launching – Chikiting Ligtas sa Dagdag Bakuna Kontra Polio, Rubella at Tigdas | April 28, 2023

MR OPV SIA Provincial Launching – Chikiting Ligtas sa Dagdag Bakuna Kontra Polio, Rubella at Tigdas | April 28, 2023

Sa nakaaambang banta ng outbreak ng mga Vaccine Preventable Dieases tulad ng polio, rubella, at tigdas, isinagawa ngayong araw ng Biyernes, Abril 28 sa bayan ng Lopez ang Measles Rubella-Oral Polio Vaccine Supplemental Immunization Activity (MR-OPV SIA) upang mabakunahan at may mabisang panlaban ang mga bata mula sa mga nasabing sakit.

Personal naman na nagtungo si Gov. Doktora Helen Tan sa aktibidad na ito upang maiabot ang kanyang pagsuporta na malabanan at maiwasan ang nakaantalang mga sakit na ito. Kasama ring nakiisa sa programa sila Mayor Rachel Ubana, DOH CHC CALABARZON Regional Director Dr. Ariel Valencia, 4th District Cong. Atorni Mike Tan, Philippine Pediatric Society-Southern Tagalog Chapter President Lizette Gutierrez-Pontanilla, at DOH Provincial Health Team Leader Juvy Paz-Purino.

Abangan sa mga susunod na araw ang pagsasagawa ng mga libre, epektibo, at ligtas na pagbabakuna para sa mga bata sa iba’t-ibang bahagi ng lalawigan ng Quezon.

Chikiting Ligtas sa dagdag bakuna kontra polio, rubella, at tigdas!

Source: Quezon PIO