NEWS AND UPDATE

MPBL Presscon – Official Launching of Quezon Huskers Basketball Team | March 08, 2023

MPBL Presscon – Official Launching of Quezon Huskers Basketball Team | March 08, 2023

Ipinakilala na sa unang pagkakataon ang lahat ng manlalaro ng Quezon Huskers na sasabak sa Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL) sa isinagawang press conference ngayong araw, Marso 8.

Sanib pwersa sina Team Manager Atty. Donn Rico Kapunan, Assistant Team Manager Magnum Membrere, Team Consultant Pato Gregorio at Laison and Socmed Executive Jaggie Gregorio at Joelo Tupaz, upang masiguro na malakas ang koponan na pambato ng ating lalawigan.

Asahan ang kapana-panabik na mga laban ng Quezon Huskers na pamumunuan nina Head Coach Eric Gonzales, 1st Assistant Richie Ticzon, Skills Coach Ed Dela Torre Luis Nolasco, Strength and Conditioning Coach Jonathan De Guzman at PT Wrens Gerard Lee.

Samantala, buong suporta ang ibibigay ng Pamahalaang Panlalawigan ng Quezon sa pangunguna ni Governor Doktora Helen Tan para sa magandang oportunidad upang ipakilala ang sports at turismo sa lalawigan.

Sama-sama nating suportahan ang unang laban ng Quezon Huskers sa darating na Sabado, Marso 11 sa ganap na alas otso ng gabi sa Quezon Convention Center, Lucena City.

AICS Payout for Beneficiaries from Lucena City, Lucban, Mauban & Sampaloc, Quezon | March 08, 2023

AICS Payout for Beneficiaries from Lucena City, Lucban, Mauban & Sampaloc, Quezon | March 08, 2023

Ika-8 ng Marso, natanggap ng 341 na benepisyaryo mula sa bayan ng Lucena (235) at Lucban (106) ang tulong pinansyal mula sa programang AICS o Aid to Individuals in Crisis Situation.

Ipinaabot ang pasasalamat sa Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO) at Provincial Treasurer’s Office (PTO) sa walang sawang paghahatid ng serbisyo para sa bawat nangangailangang Quezonians.

Asahan ang patuloy na pagsusumikap ng pamahalaang panlalawigan upang matugunan ang kinahaharap na suliranin ng bawat sektor sa ating probinsya.

GeRL & GMEF Orientation for the Local Government Unit of Lucban | March 07, 2023

GeRL & GMEF Orientation for the Local Government Unit of Lucban | March 07, 2023

Nagsagawa ng Oryentasyon sa Gender Responsive LGU Assessment Tool (GeRL Tool) at Gender Mainstreaming Evaluation Framework (GMEF) para sa mga department heads at empleyedo ng Munisipalidad ng Lucban, Quezon.

Naging tagapagsalita si Ms. Aira Mae Davila, Community Affairs Officer II ng tanggapan ng Provincial Gender and Development (PGAD).

Gender Fair Language at Anti-Sexual Harassment | March 07, 2023

Gender Fair Language at Anti-Sexual Harassment | March 07, 2023

Kaugnay ng pagdiriwang ng Women’s Month, nagsagawa ang TESDA katuwang ang Provincial Gender and Development Office (PGAD) ng Gender Fair Language at Anti-Sexual Harassment seminar para sa mga Accredited Schools and Training Center sa Lalawigan ng Quezon nitong ika-7 ng Marso 2023.

Inimbitahan sina G. Sedfrey R. Potestades at Bb. Shannen Tierra ng Provincial Gender and Development (PGAD) Office upang magbigay ng oryentasyon sa nabanggit ng mga paksa.

Layunin ng aktibidad na maibahagi ang mga Gender Sensitive Instruction at maipatupad ang probisyon ng batas ukol sa sexual harassment sa mga schools at training centers.

District Conference of MOVE / Machete Presidents with DepEd Quezon | March 06, 2023

District Conference of MOVE / Machete Presidents with DepEd Quezon | March 06, 2023

Idinaos ang District Conference of MOVE/Machete Presidents ng lalawigan ng Quezon sa pangunguna ng DepEd Quezon katuwang ang Provincial Gender and Development Office nitong March 6 bilang bahagi ng pagdiriwang ng Women’s Month.

Nagsilbing tagapagsalita sina G Sedfrey R. Potestades at Macky Reyes upang magbigay ng oryentasyon sa organisasyon ng Men Opposed to Violence Against Women Everywhere (MOVE).

Layon ng aktibidad na magbigay ng direksyon sa mga School Districts ukol sa mga aktibidad at tungkulin ng MOVE upang wakasan ang karahasan sa kababaihan at mga bata.

34th Regular Session of the Sangguniang Panlalawigan ng Quezon | March 06, 2023

34th Regular Session of the Sangguniang Panlalawigan ng Quezon | March 06, 2023

Kasabay ng malawakang transport strike o tigil pasada ng jeepney operators at drivers sa bansa, nagbigay ng pribilehiyong talumpati si Board Member Julius Luces patungkol sa jeepney modernization program ngayong araw ng Lunes, Marso 6.

Binigyang diin niya ang mga positibo at negatibong epekto nito sa komunidad at sektor ng transportasyon.

Giit ni BM Luces na isa ang mga jeepney driver sa lubhang naapektuhan dulot na din ng pandemya kung kaya’t nais niya na muling araling mabuti ang jeepney modernization program sa lalawigan at magkaroon ng tamang oras at panahon sa pagpapatupad nito.

Samantala, nagpahayag din ng pribilehiyong pananalita si BM Isaias Ubana upang talakayin ang mga umiiral na illegal gambling activity sa lalawigan.

Dininig din ang usapin sa Kaliwa Dam at humingi ng suporta si Mr. Conrado Vargas na miyembro ng Alyansa Laban sa Mapaniil na Dam o ALMA Dam sa sangguniang panlalawigan upang magkaroon ng tamang hakbang at aksyon sa konstruksyon ng Kaliwa Dam. Tiniyak ni BM Jerry Talaga na itoy pag-uusapan at ididinig sa punong lalawigan.

Pormal ding ipinakilala ni BM JJ Aquivido ang mga kandidata na magrerepensenta sa lalawigan ng Quezon sa national pageant na sina Lesly Sim para sa Miss Universe Philippines 2023 at Charis Mae Sayson Almarez sa Bb. Pilipinas 2023.

Veterinary Medical Mission – Dolores, Quezon | March 03, 2023

Veterinary Medical Mission – Dolores, Quezon | March 03, 2023

Bilang bahagi ng Rabies Awareness Month ngayong Marso, nagsagawa ng Veterinary Medical Mission ang Office of the Provincial Veterinarian katuwang ang Office of the Municipal Agriculturist ng Dolores, Quezon nitong ika-3 ng Marso.

Pinangunahan ni Dr. Milcah Valente kasama sina Dr. Philip Maristela, Dr. Camille Calaycay, at mga technical staff ng Animal Health and Welfare Division ang medical mission kung saan ay nagsagawa ng anti-rabies vaccination, deworming, at consultation gayundin ang libreng kapon sa mga alagang hayop.

Layunin ng aktibidad na itawag-pansin at ipaalala sa ating mga kalalawigan ang kalahagahan ng pagpapabakuna ng kanilang mga alagang aso at pusa bilang pagpapakita ng pagiging isang responsableng amo.

Calibrated Tourism Circuit Validation & Assessment – Padre Burgos, Agdangan, Macalelon, General Luna, Catanauan, & Mulanay, Quezon | March 01-03, 2023

Calibrated Tourism Circuit Validation & Assessment – Padre Burgos, Agdangan, Macalelon, General Luna, Catanauan, & Mulanay, Quezon | March 01-03, 2023

Malaki ang ginagampanang papel ng turismo sa pag-usbong ng ekonomiya at pag-unlad ng isang lalawigan.

Kung kaya’t kaugnay sa programa ng Department of Tourism na “Green Corridor Initiative”, isinagawa ang Calibrated Tourism Circuit Validation and Assessment sa mga bayan ng Padre Burgos, Agdangan, Macalelon, General Luna, Catanauan, at Mulanay mula March 1 hanggang March 3, 2023.

Layon ng nasabing aktibidad na makita ang kasalukuyang estado ng mga tourism destinations sa lalawigan upang malaman kung paano pa mas mapangangalagaan ang kapaligiran, makapagbalangakas ng mga plano para sa pagpapatatag ng ekonomiya, maprotektahan ang mga pamana at kultura, at makasuporta sa pagbagon ng turismo sa ilalim ng “new normal”

Samantala, nakiisa sa programa ang Quezon Provincial Tourism Office, Department of Health IV-A, Philippine Information Agency IV-A, mga kinatawan ng Quezon Province Association of Travel and Tour Agencies, Municipal Tourism Officers, at Digital Content Creators.

Tulay sa Progreso – Bridging ng LGU Partnership Towards A Healthy and Prosperous Province of Quezon | March 03, 2023

Tulay sa Progreso – Bridging ng LGU Partnership Towards A Healthy and Prosperous Province of Quezon | March 03, 2023

Sa pagtatapos ng tatlong araw na pagsasagawa ng “Tulay sa Progreso: Bridging NG-LGU Partnership Towards a Healthy and Prosperous Province of Quezon” inilatag ng mga punongbayan mula sa Bondoc Peninsula ang kani-kanilang priority projects at programa para sa kanilang bayan.

Nagpasalamat naman si Gov. Doktora Helen Tan sa bawat panauhin na nakiisa at dumalo sa programa, kabilang na ang mga national agency na inaasahang makikipagbalikatan sa lahat ng LGUs sa probinsya upang matugunan at maihatid ang nararapat na serbisyo at programa para sa kaunlaran ng bawat bayan sa lalawigan.

MPBL Security Meeting with CSU and MPBL Quezon Staff | March 03, 2023

MPBL Security Meeting with CSU and MPBL Quezon Staff | March 03, 2023

Puspusan na ang paghahanda para sa nalalapit na Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL) Grand Opening sa Marso 11 na gaganapin sa Quezon Convention Center.

Pinangunahan ng Civil Security Unit ang paglalatag ng seguridad para sa pagpapanatili ng kaayusan sa magiging daloy ng buong programa.

Pinapayuhan ang lahat na sumunod sa tuntunin at regulasyon para sa katiwasayan ng liga.