NEWS AND UPDATE

MR OPV SIA Provincial Launching – Chikiting Ligtas sa Dagdag Bakuna Kontra Polio, Rubella at Tigdas | April 28, 2023

MR OPV SIA Provincial Launching – Chikiting Ligtas sa Dagdag Bakuna Kontra Polio, Rubella at Tigdas | April 28, 2023

Sa nakaaambang banta ng outbreak ng mga Vaccine Preventable Dieases tulad ng polio, rubella, at tigdas, isinagawa ngayong araw ng Biyernes, Abril 28 sa bayan ng Lopez ang Measles Rubella-Oral Polio Vaccine Supplemental Immunization Activity (MR-OPV SIA) upang mabakunahan at may mabisang panlaban ang mga bata mula sa mga nasabing sakit.

Personal naman na nagtungo si Gov. Doktora Helen Tan sa aktibidad na ito upang maiabot ang kanyang pagsuporta na malabanan at maiwasan ang nakaantalang mga sakit na ito. Kasama ring nakiisa sa programa sila Mayor Rachel Ubana, DOH CHC CALABARZON Regional Director Dr. Ariel Valencia, 4th District Cong. Atorni Mike Tan, Philippine Pediatric Society-Southern Tagalog Chapter President Lizette Gutierrez-Pontanilla, at DOH Provincial Health Team Leader Juvy Paz-Purino.

Abangan sa mga susunod na araw ang pagsasagawa ng mga libre, epektibo, at ligtas na pagbabakuna para sa mga bata sa iba’t-ibang bahagi ng lalawigan ng Quezon.

Chikiting Ligtas sa dagdag bakuna kontra polio, rubella, at tigdas!

Source: Quezon PIO

Earth Day Celebration – River Clean Up | April 28, 2023

Earth Day Celebration – River Clean Up | April 28, 2023

Bilang pakikiisa sa Earth Month Celebration, nagsagawa ngayong April 28 ng River-Clean Up sa bayan ng Tayabas ang Provincial Goverment – Environment and Natural Resources Office (PG-ENRO) sa pangunguna ni Mr. Manuel Eugenio A. Beloso.

Nakiisa sa aktibidad ang mga kawani ng DENR-PENRO Quezon sa pangunguna ni For. Gernan G. Merilo, DENR-CENRO Tayabas sa pangunguna ni Engr. Cyril A. Califlores at City ENRO Tayabas sa pamumuno ni Mr. Melvin Rada.

Layunin ng programa na mas bigyang halaga at pangalagaan ang kalikasan sa lalawigan ng Quezon.

Source: Quezon PIO

Special Recruitment Activity with Earthsmart Human Resource Philippines, Inc. | April 28, 2023

Special Recruitment Activity with Earthsmart Human Resource Philippines, Inc. | April 28, 2023

Nagsagawa ng Special Recruitment Activity ang Provincial Public Employment service Office katuwang ang EarthSmart Human Resource Philippines Inc. ngayong Biyernes, Abril 28, sa Audio-Visual Room ng Quezon Convention Center Lucena City.

Sa 159 na aplikanteng nag-register sa nasabing recruitment activity, walo (😎 ang napiling Hired On The Spot (HOTS) para sa mga trabaho sa Qatar at Czech Republic samantalang magkakaroon ng final interview sa susunod na linggo.

Layunin ng programa na makapagbigay ng magandang oportunidad para sa bawat Quezonian. Sa ating pagtutulungan, makakamit ang pagbabago at disenteng trabaho para sa mga mamamayan.

Source: Quezon PIO

Surgical Support Caravan Closing Ceremony | April 27, 2023

Surgical Support Caravan Closing Ceremony | April 27, 2023

Sa pagtatapos ng 3rd Surgical Support Caravan na pinangunahan ni Gov. Doktora Helen Tan, idinaos kahapon, Abril 27 ang closing ceremony sa Quezon Medical Center (QMC), kung saan ginawaran ng Certificate of Appreciation ang mga katuwang sa nasabing caravan gaya ng East Avenue Medical Center.

Umabot sa 79 surgical cases ang naoperahan mula sa iba’t ibang bayan sa lalawigan at karatig probinsya.

Lubos naman ang pasasalamat ni QMC Chief of Hospital, Dr. Juan Eugenio Fidel B. Villanueva sa mga katuwang sa paghahatid ng serbisyong medikal sa ating mga kalalawigan.

Asahan ang patuloy na pagsasagawa ng mga programang pangkalusugan para sa malusog na mamamayang Quezonian.

Source: Quezon PIO

Groundbreaking of 2-Storey 6-Classroom School Bldg. – Sariaya National High School | April 27, 2023

Groundbreaking of 2-Storey 6-Classroom School Bldg. – Sariaya National High School | April 27, 2023

Ang pagsasaayos ng sektor ng edukasyon ay bahagi sa layunin ng HEALING Agenda ni Gov. Doktora Helen Tan sapagkat ang mataas na kalidad na edukasyon ay nararapat lang para sa mga mag-aaral na Quezonian.

Kasabay ng pagbisita ng gobernadora sa ilang paaralan sa ikalawang distrito ngayong araw, kanya ring pinuntahan ang Sariaya National High School para naman sa groundbreaking ng school building na may dalawang palapag at anim na silid-aralan, kung saan gawa sa kongkreto ang bubong nito.

Ikinagalak ng bawat guro, magulang, at mag-aaral ang proyektong ito dahil makakatulong ito sa mas komportableng pag-aaral tungo sa kanilang tagumpay.

Source: Quezon PIO

Blessing of Brgy. Road – Concepcion Palasan, Sariaya, Quezon (Intermittent Section) | April 27, 2023

Blessing of Brgy. Road – Concepcion Palasan, Sariaya, Quezon (Intermittent Section) | April 27, 2023

Ang maayos at ligtas na mga kalsada ay nagsisilbing daan para sa mas epektibong paghahatid ng serbisyo sa mga mamamayan.

Ngayong araw ay nagkaroon ng blessing para sa 1.3 km barangay road na matatagpuan sa Brgy. Concepcion Palasan, Sariaya Quezon sa pangunguna nina Gov. Doktora Helen Tan katuwang sina Sariaya Mayor Marcelo Gayeta, at Vice Mayor Alex Tolentino at mga konsehal ng bayan.

Ang proyektong ito ay naisakatuparan sa pagtutulungan ng pamahalaang panlalawigan at ng Local Government Support Fund – Disaster Rehabilitation and Reconstruction Assistance Program (LGSF-DRRAP).

Source: Quezon PIO

Groundbreaking of 2-Storey 4-Classroom School Bldg. – Pahinga Norte Elementary School | April 27, 2023

Groundbreaking of 2-Storey 4-Classroom School Bldg. – Pahinga Norte Elementary School | April 27, 2023

Masasayang ngiti ng mga mag-aaral ang sumalubong kay Gov. Doktora Helen Tan sa kanyang pagbisita sa Pahinga Norte Elementary School para sa groundbreaking ceremony ng itatayong 2-storey 4-classroom school building.

Kasama sina Mayor Ogie Suayan, Board Member Vinette Naca-Alcala at ang pamunuan ng Pahinga Norte ES ay matagumpay na naipagkaloob ang proyektong pang-imprastraktura na lubos na makatutulong sa edukasyon ng mga kabataang Quezonian.

Ang proyektong ito ay bahagi pa rin ng mga programa ng pamahalaang panlalawigan sa ilalim ng HEALING Agenda ni Governor Tan na naglalayong saklawin ang mga aspeto ng mabuti at epektibong pamamahala.

Source: Quezon PIO

Groundbreaking of 2-Storey 6-Classroom School Bldg. – Bukal Sur Elementary School | April 27, 2023

Groundbreaking of 2-Storey 6-Classroom School Bldg. – Bukal Sur Elementary School | April 27, 2023

Sunod na nagtungo si Gov. Doktora Helen Tan sa bayan ng Candelaria kung saan kanyang nakasama sina Mayor Ogie Suayan, Board Member Vinette Naca-Alcala at ang pamunuan ng Bukal Sur Elementary School para sa groundbreaking ceremony ng bagong 2-storey 6-classroom School Building para sa paaralan.

Lubos naman ang pasasalamat ng Bukal Sur ES para sa inisyatibo ng ina ng lalawigan at sa pagkakaloob ng proyekto para sa mga estudyanteng Candelariahin.

Asahan ang mga de-kalidad at maasahang proyekto para sa mga Quezonian mula sa ating pamahalaang panlalawigan.

Source: Quezon PIO

Groundbreaking of 2-Storey 4 Classroom School Bldg. – Lucasan Elementary School | April 27, 2023

Groundbreaking of 2-Storey 4 Classroom School Bldg. – Lucasan Elementary School | April 27, 2023

Bilang ina ng lalawigan, nais ni Governor Doktora Helen Tan na mayroong sapat at kalidad na gusali at silid aralan ang bawat mag-aaral sa lalawigan ng Quezon.

Ngayong Huwebes, Abril 27 ay pinasinayaan ni Gov. Tan ang groundbreaking ng itatayong 2-storey 4-classroom School Building sa Lusacan Elementary School sa bayan ng Tiaong, Quezon katuwang ang pamunuan ng nasabing paaralan.

Sa tulong ng mga proyektong tulad nito, masisiguro natin na magiging maayos ang edukasyon at kinabukasan ng bawat kabataang Quezonian.

Source: Quezon PIO

Pagbisita sa mga Pasyente ng Surgical Support Caravan | April 26, 2023

Pagbisita sa mga Pasyente ng Surgical Support Caravan | April 26, 2023

Kahapon, ika-26 ng Abril, nagsimula na ang ikatlong Surgical Support Caravan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Quezon sa pangunguna ni Governor Doktora Helen Tan kasama ang mga doktor mula sa East Avenue Medical Center, Philippine College of Surgeon Southern Tagalog, Quezon Medical Society at Quezon Medical Center.

Personal na binisita ni Gov. Doktora Helen Tan ang mga pasyente na sasailalim sa operasyon ng nasabing programa sa Quezon Medical Center.

Magtatagal ang 3rd Surgical Support Caravan mula ika-26 hanggang ika-28 ng Abril na naglalayong makapagbigay ng pag-asa at agarang lunas sa mga iniindang karamdaman ng ating mga kalalawigang walang sapat na kakayanan na makapagpa-opera.

Source: Quezon PIO