
Ika-16 Di-Pangkaraniwang Pulong ng Sangguniang Panlalawigan ng Quezon | June 14, 2025
Isinagawa nitong araw ng Biyernes, Hunyo 13, ang ika-16 Di-Pangkaraniwang Pulong ng Sangguniang Panlalawigan ng Quezon, sa Sangguniang Panlalawigan Building, Governor’s Mansion Compound, Lucena City.
Tinalakay ng Sangguniang Panlalawigan ng Quezon ang panukalang ordinansang mula sa Tanggapan ni Gob. Doktora Helen Tan na naglalayong mapalawig ang pagtulong ng Pamahalaang Panlalawigan ng Quezon sa mga nangangailangang Quezonian, ang STAN Kalinga ng Kapitolyo Ordinance.
Ang nasabing panukala ay direktang aamyenda sa AICS Program ng Pamahalaang Panlalawigan. Mas pinapalawig ng STAN Kalinga ng Kapitolyon Program upang agarang matugunan ang iba’t-ibang pangangailangan o krisis na dinaranas ng ating mga kababayan. Gayun din ang pagtatayo ng mga STAN Kalinga Centers sa lahat ng ospital na bahagi ng Quezon Provincial Hospital Network maging sa mga Provincial Government Satellite Office sa bawat bayan ng ating lalawigan.
Ang ika 16 na Di-Pangkaraniwang Pulong ng Sangguniang Panlalawigan ay pinangunahan ni Vice Governor Third Alcala kasama ang mga Board Member na kinatawan ng bawat distrito sa lalawigan. Samantalang tumayong Resource Person, sina PSWDO Head, Sonia Leyson, Atty. Mervin Manalo at PGENRO Head at Executive Assistant John Francis Luzano, bilang mga kinatawan ng Tanggapan ng Punong Lalawigan.
#SerbisyongTunayAtNatural
#HEALINGQuezon
#QuezonProvince
Quezon PIO