NEWS AND UPDATE

Benchmarking, Learning Session on Quezon’s Gender and Development Best Practices | June 09, 2023

Benchmarking, Learning Session on Quezon’s Gender and Development Best Practices | June 09, 2023

Ginanap ngayong Biyernes, Hunyo 9 ang 2nd Quarter Meeting of P/C/MCAT-CP-VAWC at Benchmarking Activity/Learning Session kasama ang mga kinatawan mula sa Brgy. Paltok, District I, Quezon City para sa Best Practices ng lalawigan ng Quezon sa larangan ng Gender and Development.

Pinangunahan ni Officer in Charge of the Provincial Gender and Development Office Ms. Sonia S. Leyson ang aktibidad na magpapatibay para sa kapakanan ng bawat Quezonian.

Tinalakay sa aktibidad ang mga presentasyon at pag-uulat na makakatulong sa pagpapanatili ng maayos na palatuntunin para sa Gender and Development, kasama na rin dito ang health programs na inihanda ng PGAD office para sa mamamayan ng Quezon.

Samantala ibinahagi rin ni Ms. Glenda Alpuerto ng Provincial Assistance for Community Services and Empowerment Development Unit (PACSEDU) ang mga programa para sa mga kababaihan ng lalawigan ng Quezon.

Source: Quezon PIO

Electronic Waste Collection – Environment Month Celebration | June 09, 2023

Electronic Waste Collection – Environment Month Celebration | June 09, 2023

Nagkaroon ng Electronic Waste Collection ang Provincial Government – Environmental Natural Resources Office (PG-ENRO) bilang parte ng selebrasyon ng Environment Month, ngayong araw ng Biyernes, Hunyo 09.

Sa pangunguna ng mga kawani ng PG-ENRO at sa koordinasyon ng bawat opisina ng Pamahalaang Panlalawigan ng Quezon ay naging matagumpay ang aktibidad na ito at inaasahang magtutuloy-tuloy para sa isang organisadong pamamaraan ng pagtatapon.

Magkakaroon din sa susunod na linggo ng libreng Emission testing ng mga Diesel-fueled Government vehicles at magsasagawa ng iba pang aktibidad na layong mapangalagaan ang kagandahan ng inang kalikasan.

Source: Quezon PIO

Assistance to Individuals in Crisis Situation o AICS Educational Assistance | June 08, 2023

Assistance to Individuals in Crisis Situation o AICS Educational Assistance | June 08, 2023

Sa inisyatibo ni Senator Imee R Marcos katuwang si Governor Doktora Helen Tan, sunod na nabigyan ng pinansyal na tulong ang mga mag-aaral na nangangailangan na nagmula sa mga bayan ng ikalawang distrito.

Mula sa ilalim ng programa ng DSWD, ang Assistance to Individuals in Crisis Situation o AICS educational assistance na ito ay naglalayong makatulong upang mabawasan ang pasaning kinahaharap ng mga estudyante sa pagkamit ng tagumpay at pangarap na makatapos sa pag-aaral.

Samantala, upang patuloy na matgunan ang probleama ng malnutrisyon sa probinsya ay namigay rin ng nutribun para sa mamamayan ng nasabing bayan.

Source: Quezon PIO

Distribution of Rice Competitiveness Enhancement Fund – Rice Farmers Financial Assistance (RCEF-RFFA) | June 08, 2023

Distribution of Rice Competitiveness Enhancement Fund – Rice Farmers Financial Assistance (RCEF-RFFA) | June 08, 2023

Pinangunahan ni Senator Imee R Marcos kasama si Quezon Governor Doktora Helen Tan ang “Distribution of Rice Competitiveness Enhancement Fund – Rice Farmers Financial Assistance (RCEF-RFFA)” para sa mga magsasaka sa ikalawang distrito ng lalawigan ng Quezon, ngayong araw, Hunyo 8.

Natanggap ng mahigit isang libong magsasaka ang pinansyal na tulong mula sa Department of Agriculture (DA) na lubos namang ikinagalak ng ina ng lalawigan sapagkat mapakikinabangan ito ng ating mga masisipag na magsasakang Quezonian.

Source: Quezon PIO

Adbokasiya Laban sa Ilegal na Droga Training of Trainers (ALABTOT) | June 06-07, 2023

Adbokasiya Laban sa Ilegal na Droga Training of Trainers (ALABTOT) | June 06-07, 2023

“Iyon ang ating target na maging blissful at maging active ang bawat isa na nasa barangay.”

Ito ang pahayag ni Regional Public Information Officer ng PDEA na si Mary Ann Lorenzo sa ginanap na dalawang araw na Adbokasiya Laban sa Ilegal na Droga Training of Trainers ( ALABTOT).

Sa tulong ng Anti- Drug Abuse Council ay inaasahang magkaroon ng pagkakaisa at kooperasyon na mabigyan ng kapangyarihan at mas maintindihan ng bawat kinatawan ng barangay ang trabahong kanilang gagawin para sa peace and order.

Inaasahan naman na maibaba sa mga nasasakupan ang mga natutunan sa ginanap na aktibidad at maipatupad para mas mapadali ang pag proseso ng Drug Clearing Program.

Source: Quezon PIO

Pamahalaang Panlalawigan ng Quezon, Nakatanggap ng ‘Unmodified Opinion’ Mula sa Commission on Audit | June 07, 2023

Pamahalaang Panlalawigan ng Quezon, Nakatanggap ng ‘Unmodified Opinion’ Mula sa Commission on Audit | June 07, 2023

Sa kauna-unahang pagkakataon, nakatanggap ng “Unmodified Opinion” ang Pamahalaang Panlalawigan ng Quezon mula sa Commission on Audit para sa financial statement noong taong 2022, isang patunay ng tapat at responsableng pamamahala sa pondo ng lalawigan.

Ang audit opinion na ito ay nakukuha mula sa nasabing ahensya na nakabase sa malinis na financial statement ng isang ahensya ng pamahalaan.

Asahan naman ang patuloy na pagpapatupad ng mga polisiya tungo sa Good Governance sa probinsya na isa sa layuning nakapaloob sa HEALING Agenda ni Gov. Doktora Helen Tan.

Source: Quezon PIO

Pamamahagi ng Aid to Individual in Crisis Situation | June 06, 2023

Pamamahagi ng Aid to Individual in Crisis Situation | June 06, 2023

Tuloy-tuloy ang pagsasagawa ng pamamahagi ng Aid to Individual in Crisis Situation ng Pamahalaang Panlalawigan sa pangunguna ni Gov. Doktora Helan Tan sa mga kalalawigan nating lubos na nangangailangan.

Sa tulong pa rin ng Provincial Treasurer’s Office (PTO) at Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO) ay maayos na naihahatid ang serbisyo para sa bawat Quezonian.

Source: Quezon PIO

QMC Monitoring and Inspection of Facilities | June 06, 2023

QMC Monitoring and Inspection of Facilities | June 06, 2023

Nagtungo ngayong araw ng Martes, Hunyo 6 sa Quezon Medical Center (QMC) si Gov. Doktora Helen Tan upang alamin ang kalagayan at sitwasyon ng ospital.

Kabilang na rito ang monitoring ng on-going constructions ng mga pasilidad na makatutulong sa mas maayos na pagbibigay serbisyong medikal sa ating mga kalalawigan.

Source: Quezon PIO

2023 Annual Provincial Convention of Child Development Workers / Daycare Workers | June 05, 2023

2023 Annual Provincial Convention of Child Development Workers / Daycare Workers | June 05, 2023

Bilang pakikiisa ng Pamahalaang Panlalawigan ng Quezon sa selebrasyon ng Child Development Worker’s Week, ginanap ngayong araw ng Lunes, Hunyo 5 ang Annual Provincial Convention of Child Development Workers/Day Care Workers sa Quezon Convention Center.

Sa pangunguna ng Provinicial Social Welfare and Development Office (PWSDO) na pinamumunuan ni Maam Sonia L Leyson nagtipon-tipon ang mga MSWDO mula sa iba’t-ibang bayan ng apat na distrito ng lalawigan upang makisaya sa mga inihandang aktibidad para sa kanila.

Inilahad naman ni Gov. Doktora Helen Tan na bawat daycare workers ay may mahalagang gampanin upang mabigyang importansya ang pagpapalakas ng kakayahan at kaalaman ng isang bata tungo sa maayos nilang kinabukasan.

Samantala, nakisaya at nagbigay suporta rin sa nasabing programa si Vice Gov. Anacleto “Third” Alcala kasama ang buong Sangguniang Panlalawigan ng Quezon.

Source: Quezon PIO

Ika- 47 na Pangkaraniwang Pulong ng Sangguniang Panlalawigan ng Quezon | June 05, 2023

Ika- 47 na Pangkaraniwang Pulong ng Sangguniang Panlalawigan ng Quezon | June 05, 2023

“A well paid, highly trained and well equipped SP Secretariat is the foundation of responsive and relevant local legislation.” Ito ang ipinahayag ni Board Member Sonny Ubana sa talumpating pribilehiyo na masinsinang pinagpulungan ng mga mambabatas.
Nais simulan ng sanggunian ang pagrereorganisa ng kanilang hanay upang matiyak na nasa tama at naaayon ang mga posisyon ng bawat empleyado.
Isa rin sa magandang ulat para sa ating mga kalalawigan ay ang pag-upgrade at karagdagang mga bed capacity sa mga district hospital ng Quezon na ipinanukala ni 3rd district Board Member JJ Aquivido sa sesyon.
Samantala, aprubado naman sa pulong ang mga liham, ordinansa, resolusyon at mga executive orders para sa ikauunlad ng lalawigan ng Quezon.

Source: Quezon PIO