NEWS AND UPDATE

Sweet Puppy Love Event ng SM City Lucena, Kabahagi ang Office of the Provincial Veterinarian | February 11, 2023

Sweet Puppy Love Event ng SM City Lucena, Kabahagi ang Office of the Provincial Veterinarian | February 11, 2023

Sweet Puppy Love Event ng SM City Lucena, kabahagi ang Office of the Provincial Veterinarian Bilang bahagi ng pagdiriwang ng Love Month, inimbitahang muli ng SM City Lucena sa kanilang idinaos na “Sweet Puppy Love Event” ang Office of the Provincial Veterinarian noong Pebrero 11, 2023. Sa pangunguna ni Dr. Philip Maristela, kasama sina G. Bryan Reynoso, G. Wallen Molera at Bb. Jerilee Recinto, ay nagbigay ng libreng veterinary services ang tanggapan. Ilan sa mga serbisyong ito ay ang deworming o pagpurga, antirabies vaccination, pamimigay ng vitamins at libreng konsultasyon sa mga alagang aso at pusa ng ating mga kalalawigang dumalo.

Ppa-anyaya ng mga Samahan ng mga Magniniyog sa Dolores, Quezon | February 10, 2023

Ppa-anyaya ng mga Samahan ng mga Magniniyog sa Dolores, Quezon | February 10, 2023

Pinaunlakan ni Sir Antonio L. Manrique-Head ng Provincial Civil Society Organization Desk Office/Provincial Assistance for Community and Sectoral Empowerment Development Unit (CSO/PACSEDU) ang pa-anyaya ng mga samahan ng mga magniniyog sa Dolores, Quezon na dumalo sa kanilang buwanang pagpupulong sa pamamagitan ng pagdalo ng mga sumusunod na PACSEDU Staffs: Sanny P. Cortez, Program Officer; Marvin Mercado, Agri Focal Person; Alberto Catacutan, Fishery/Coconut Focal Person, Danilo Bernal, Dina Doria, Municipal Coordinator. Kasama din sa dumalo sina Sir Eldrin Rubico, Municipal Agriculturist at Ms. Cecille Malabanan, Agriculture Technician ng nabanggit na bayan. Ang pagpupulong ay binuksan ng isang panalangin kasunod ang pagtanggap na pananalita ni Kgg. Romulo Reyes, Punong Barangay ng Bgy. Manggahan. Sinabi nito na lubos ang kanyang pasasalamat dahil may makakatulong na sila sa pagtugon sa mga usaping na may kaugnayan sa pagniniyog at ang matagal ng usapinhinggil sa cocolevy fund. Binanggit ni Sir Danny Bernal sa pamamagitan ng mga tanong: Ano ang gusto natin marating, ano ang gusto mangyari? Kasunod nito ang pagpapaliwanag ni Sir Sanny Cortez kung ano ang CSO/PACSEDU, papel, gampanin at mga gawain nito sa ilalim ng Tanggapan ng Punong Panlalawigan, Kgg. Angelina “Doktora Helen” D.L. Tan, MD, MBAH na matulungan maorganisa at mapalakas ang lahat ng batayang sektor sa probinsiya ng Quezon. Sinabi ni Sir Sanny Cortez ang kahalagahan ng pagpapa-rehistro at pagpapa-accredit ng mga CSO sa Sangguniang Bayan at Sangguniang Panlalawigan upang sila ay magkakaroon ng aktibong partisipasyon sa mga itinatadhana ng batas na gawain sa pagpapaunlad lalung lalo na sa mga komitiba at local councils at special bodies ng lokal na pamahalaan. Binanggit ni Sir Alberto Catacutan ang kahalagahan ng pagbubuo ng Local Coconut Industry Development Council (LCIDC) o na mandato ng DILG-MC-2012-67 na siyang magiging katuwang ng Local Development Council sa usaping ng mga magniniyog sa bawat munisipyo at mapabilang sa National Coconut Farmers Registry system (NCFRS) Sinabi din ni Sir Marvin Mercado ang kahalagahan ng pagbubuo at pagpapalakas ng samahan bilang isang mahalagang katangian ng kahandaan para sa pag-implementa ng mga program at proyekto. Idinagdag din niya ang kahalagahan ng pagigin kooperatiba ng samahan para sa maayos na pamamahala ng kabuhayan ng mga ito. Binanggit ni Sir Eldrin Rubico ang pagsuporta sa mga gawain ng Tanggapan ng Punong Panlalawigan, at para matutugan ng maayos ang mga magniniyog ay nagmungkahi ito na mag-uusap ang Municipal Agriculturist Office, Philippine Coconut Authority at PACSEDU para maorganisa ang mga magniniyog bilang isang municipal confederation. Napagkaisahan na din ng kapulungan na magsasagawa ng pag-alam sa tunay na kalagayan ng mga magniniyog sa pamamagitan ng participatory situational analysis at pagbuo ng community driven action at polisiya sa usaping ng mga magniniyog ng Dolores, Quezon. Ang pagpupulong ay dinaluhan ng mahigit kumulang 80 na opisyales at miyembro mula sa mga sumusunod na mga barangay: Manggahan, Maligaya, Bulaken Uno, San Mateo at Kabatang. Ang pagpupulong ay pinagtulungan pinadaloy nina Sir Danny Bernal at Ms. Rizalyn Tenorio, Bgy Secretary/4K President.

Multi Sectoral Assembly sa bayan ng Perez, Quezon | February 10, 2023

Multi Sectoral Assembly sa bayan ng Perez, Quezon | February 10, 2023

Nagdaos ng Multi Sectoral Assembly sa bayan ng Perez, Quezon upang patuloy na palakasin ang mga batayang sektor sa nasabing bayan. Ito ay personal na dinaluhan ng hepe ng PGO-Pacsedu G. Antonio L. Manrique. Kung saan nagpaabot ng mensahe sa mga dumalo mula sa mga batayang sektor ng kababaihan, mangingisda, tricycle driver at mga magsasaka. Isinaad ni G. Anton ang mga serbisyo at aktibidad ng PGO-Pacsedu/CSO Desk office upang palakasin ang mga batayang sektor kung saan inilahad ang importansya ng isang matatag na samahan kung saan upang maisulong ang matibay na ugnayan ng mga CSO at ng gobyerno sa pagiimplementa ng programa ng pamahalaan. Nagbigay din ng mga mahahalagang mensahe sila Kapitan Ryan Aguilar, G. PJ Buñag galing sa Agri Partylist. Aquaculture Consultant ng Alquerez Atty. Asis Perez, Konsehal Andrea Olase, Konsehal Amelia Ramilo, PPLB Leandro Reyes, Representative from Atty. Mike Tan G. Dadan Andres at Mam Glenly Reyes Municipal sectoral coordinator ng Perez. Dinaluhan din ito ng mga pacsedu staff Mr. Ellie Manza, Andres Cortes at Mr. Karl Niño Sisperez.

Libreng Veterinary Services | February 09-10, 2023

Libreng Veterinary Services | February 09-10, 2023

Libreng Veterinary Services, handog ng OPV sa mga Furparents ng Mulanay, Quezon
Pebrero 9-10, 2023 Nagsagawa ng Veterinary Medical Mission sa Mulanay, Quezon
ang Office of the Provincial Veterinarian sa pangunguna ni Dr. Flomella A. Caguicla,
Provincial Veterinarian, kasama ang iba pang mga Beterenaryo ng tanggapan na sina
Dr. Milcah I. Valente, Dr. Philip Maristela, at Dr. Camille Calaycay pati na rin ang mga
technical staff ng Animal Health and Welfare Division. Sa kabuuan ay may bilang na
siyamnaput-lima (95) na mga alagang aso at pusa ang nakinabang sa ibinigay na
Veterinary Services katulad ng libreng spay and neuter, anti-rabies vaccination,
deworming, consultation, at pamamahagi ng vitamins. Kaya naman labis ang
pasasalamat ng ating mga kalalawigan sa Mulanay dahil sa libreng serbisiyong kanilang
natanggap dahil sa patuloy na pakikipag-ugnayan ng kanilang Office of the Municipal
Agriculturist sa ating tanggapan. Bahagi pa rin ito ng layunin ng pamahalaan na matiyak
ang kaligtasan ng ating mga alagang hayop mula sa pagkalat ng rabies virus sa
lalawigan. Hinihikayat ang lahat na makipag-ugnayan sa inyong lokal na pamahalaan o
tingnan ang official facebook page ng tanggapan na “Office of the Provincial
Veterinarian- Quezon” para sa schedule ng mga aktibidad.

Bagong kaalaman at pagsasanay para sa mga Planning at Information Officers ng OPV | February 10, 2023

Bagong kaalaman at pagsasanay para sa mga Planning at Information Officers ng OPV | February 10, 2023

Bagong kaalaman at pagsasanay para sa mga Planning at Information Officers ng OPV Pebrero 10, 2023
Nitong ika-10 ng Pebrero, ang Planning Unit at Iinformation Education and Communication (IEC) Team
ng Office of the Provincial Veterinarian ay nagsagawa ng Seminar on Social Media Management at
Orientation para sa mga Report and Information Officers ng bawat division ng tanggapan. Naging
espesyal na panauhin sa aktibidad na ito sina Dr. Flomella A. Caguicla, Provincial Veterinarian, Dr.
Adelberto Ambrocio, at G. Melanie Obnamia. Nakibahagi naman sa pagsasanay ang focal person ng
Animal Health and Welfare Division (AHWD); Veterinary Public Health Division (VPHD); Veterinary
Regulatory Division (VRD); Livestock and Poultry Development Division (LPDD); Marketing Support
Extension Division (MSED); at Administrative Support Division (ASD). Layunin ng aktibidad na tulungan
ang mga report officers na mabigyang pansin ang mga issues and concerns may kaugnayan sa
pagkolekta ng mga datos na kailangan nila sa paggawa ng monthly at quarterly statistical reports.
Samantala, sa Social Media Management Seminar naman ay sinanay ang mga IEC Focals kung paano
kukuha ng magagandang larawan upang mabisang maipromote ang mga aktibidad ng tanggapan.

Limang (5) katao ang nabigyan ng bagong kasanayan sa pagbabakuna laban sa Rabies sa Bayan ng Mulanay, Quezon | February 09-10, 2023

Limang (5) katao ang nabigyan ng bagong kasanayan sa pagbabakuna laban sa Rabies sa Bayan ng Mulanay, Quezon | February 09-10, 2023

Limang (5) katao ang nabigyan ng bagong kasanayan sa pagbabakuna laban sa Rabies sa Bayan ng Mulanay, Quezon Nitong Pebrero 9-10, 2023, ay naging tagapagsanay si Dr. Philip Maristela, ng Office of the Provincial Veterinarian, sa 5 bagong animal rabies vaccinators mula sa naturang bayan. Ang mga bagong vaccinators ay makakatulong na ng Office of the Municipal Agriculturist ng Mulanay sa pagbabakuna ng mga aso at pusa na posibleng manghawa ng rabies sa kanilang kapwa hayop at maging sa mga tao.

Siyam (9) na Commercial Poultry Farms sa Quezon, Inasistehan ng OPV for Farm Accreditation | February 01-10, 2023

Siyam (9) na Commercial Poultry Farms sa Quezon, Inasistehan ng OPV for Farm Accreditation | February 01-10, 2023

Siyam (9) na Commercial Poultry Farms sa Quezon, inasistehan ng OPV for Farm Accreditation. Nitong Pebrero 1-10 ay nagsagawa ng Farm Inspection at Blood Sample Collection sa siyam (9) na Commercial Farms sa lalawigan ng Quezon ang Office of the Provincial Veterinarian, sa pamamagitan ng mga trained Technical Staff ng Veterinary Regulatory Division. Bilang bahagi ng partial requirement ng BAI, dalawang (2) farms sa Lucena City, dalawa (2) sa Candelaria, isa (1) sa San Antonio, at apat (4) sa Lucban ang inasistehan ng tanggapan para sa kanilang farm accreditation upang masiguro kung patuloy silang nakakasunod sa biosecurity standards and safety ng mga poultry products at by-products na dinadala sa merkado.

Free 3-hr Webinar Entitled Smart Technopreneurship 101

Free 3-hr Webinar Entitled Smart Technopreneurship 101

Calling all SHS & College students, aspiring entrepreneurs & startup founders, tech enthusiastsm and all interested participants!

You may scan the QR code or visit this link to register: bit.ly/DICTR4-SmartTechno101

In the pursuit of active implementation of Gender and Development (GAD), the DICT Region IV, through ICT Literacy and Competency Development Bureau: ILCDB – DICT and ICT Industry Development Bureau, brings to you this free 3-hr webinar entitled Smart Technopreneurship 101, in partnership with PLDT & Smart on February 15, 2023 | 1:30pm – 4:30pm.

This aims to boost the entrepreneurial knowledge and practical skills of the participants, that will help in forming a technology-based business or enterprise.

This is exclusive to Zoom participants only, with limited slots available. Grab your e-seat now!

Digital certificates will be issued upon completion of the evaluation forms after the webinar.

Congratulations, Provincial Government of Quezon!

Congratulations, Provincial Government of Quezon!

Congratulations, Lalawigan ng Quezon!

Kaugnay sa ika-72 Anibersaryo ng Department of Social Welfare and Development Office, kinilala ng ahensya ang Pamahalaang Panlalawigan ng Quezon sa hindi matatawaran nitong paghahatid ng serbisyo sa mga mamamayan sa ginanap na “2022 PANATA KO SA BAYAN Awards” sa Tagaytay International Convention Center, Pebrero 8.

Tinanggap nina Provincial Administrator Manuel S. Butardo at PSWDO Head Sonia S. Leyson ang tatlong special awards ng lalawigan para sa mahusay na implementasyon ng Social Welfare and Development Laws kabilang ang Most Comprehensive Report, Good Practice, at Most Responsive PSWDO Award.

Tumanggap din ng parangal ang bayan ng Sampaloc bilang Model LGU para sa implementasyon ng Social Pension para sa Indigent Senior Citizens gayundin bayan ng Gumaca para naman sa kanilang Supplemental Feeding Program.

Ipinagkaloob din ng DSWD Central Office ang plake ng pagkilala sa Quezon PSWDO ang Good Practice Award dahil sa maayos nitong pagbabalangkas ng LGU Compliance Monitoring Report sa nagdaang Implementation of Social Welfare and Development (SWD) Laws Online Monitoring System for the 2nd Semester C.Y. 2021.

Asahang mas pagbubutihan at patuloy na maghahatid ang pamahalaan ng dekalidad na serbisyo at programa sa ating mga kalalawigan.

Site Assessment sa Sibalon Light House at Kitay Mangrove Forest ng Tagkawayan Quezon | February 08, 2023

Site Assessment sa Sibalon Light House at Kitay Mangrove Forest ng Tagkawayan Quezon | February 08, 2023

Ang Pamahalaang Panlalawigan ng Quezon sa pamamagitan ng Panlalawigang Tanggapang Panturismo ay nagsagawa ng site assessment sa Sibalon Light House at Kitay Mangrove Forest ng Tagkawayan Quezon upang malaman ang potensyal nito para sa mas ikauunlad ng turismo ng bayan.

Maraming salamat sa pagpapaunlak ng LGU Tagkawayan, Mayor Carlo at Mayora Rachell Eleazar, Ma’am Anna Villanueva (Municipal Tourism Officer), Konsehal Choi Eleazar (SB Committee on Tourism), Sir Ernie Herras (Tourism Council President), at sa dalawang Cultural Mappers Sir Shojie at Sir Lorenze, Konsehal Fely, mga bangkero at sa lahat ng naging bahagi ng assessment na ito.