NEWS AND UPDATE

Launching of Children’s Playground at BJMP Quezon District Jail | March 17, 2023

Launching of Children’s Playground at BJMP Quezon District Jail | March 17, 2023

Idinaos ngayong araw ng Biyernes, Marso 17 ang paglulunsad ng Children’s Playground sa BJMP Quezon District Jail, bilang bahagi sa polisiya ng National and Regional Office na magkaroon ng child-friendly facility sa loob ng kanilang headquarters upang makapagbigay saya sa mga bumibisitang anak ng Persons Deprived of Liberty (PDL).

Binuo mismo ng mga PDL ang palaruan na gawa mula sa iniresiklong materyales, tulad ng gulong ng sasakyan, at nagkaroon din ng maiksing programa kung saan aktibong nakilahok ang mga bata sa mga aktibidad at palaro na inihanda para sa kanila.

Fire Prevention Safety Seminar & Fire Drill – BFP Quezon in Partnership with Quezon PDRRMO | March 17, 2023

Fire Prevention Safety Seminar & Fire Drill – BFP Quezon in Partnership with Quezon PDRRMO | March 17, 2023

Bilang pakikiisa ng pamahalaang panlalawigan ng Quezon sa kampanya upang maiwasan ang sunog, lalo na ngayong Fire Prevention Month ay pinangunahan ng Bureu of Fire Protection (BFP) Quezon katuwang ang Provincial Disaster Risk and Reduction Management Office (PDRRMO) ang isinagawang “Fire Prevention Safety Seminar and Fire Drill” na ginanap sa Quezon Science High School.

Layunin ng naturang seminar ang maitaas ang kamalayan ng mga mag-aaral kung ano nga ba ang dapat nilang gawin sa panahon ng posibleng kapahamakan na dulot ng sunog.

Isang paalala, patuloy na mag-ingat at maging alerto upang makaiwas sa banta ng sunog.

Medical Mission in Polillo Group of Islands – Day 1: Panukulan, Quezon | March 15, 2023

Medical Mission in Polillo Group of Islands – Day 1: Panukulan, Quezon | March 15, 2023

Umarangkada na ngayong araw ng Miyerkules, Marso 15 ang 5-days Medical Mission ng Pamahalaang Panlalawigan ng Quezon sa pangunguna ni Governor Doktora Helen Tan kasama sina Vice Governor Third Alcala at mga Board Members sa unang Distrito ng Lalawigan.

Ang unang araw ng nasabing aktibidad ay ginanap sa bayan ng Panukulan, Quezon kung saan ay nagkaroon ng mga libreng serbisyo para sa mga mamamayan. Tulad ng Free Medical Check-up, Free Dental Extraction, Free Minor Surgery, Free Eye Check-up, Free UTZ, X-Ray, ECG, FBS, Urinalysis at CBC, Libreng Tuli at Free PCV 13 Vaccination.

Lubos ang pasasalamat ng Pamahalaang Panlalawigan sa mga naging katuwang na doktor mula sa East Ave. Medical Center, Rizal Medical Center, Integrated Provincial Health Office at ilang mga pribadong doktor.

Magpapatuloy ang Medical Mission sa mga susunod na araw para sa ating mga kalalawigang nasa Polillo Group of Islands.

Congratulations, Gov. Doktora Helen Tan! – Region IV-A Regional Peace and Order (RPOC) Chairperson

Congratulations, Gov. Doktora Helen Tan! – Region IV-A Regional Peace and Order (RPOC) Chairperson

Congratulations Governor Angelina D.L. “Doktora Helen” Tan

Ikinararangal ng lalawigan ang iyong pagkakatalaga bilang Region IV-A CALABARZON Regional Peace and Order Council (RPOC) Chairperson.

Gender Awareness & Development Seminar – Quezon District Jail in Partnership with PGAD Office | March 14, 2023

Gender Awareness & Development Seminar – Quezon District Jail in Partnership with PGAD Office | March 14, 2023

Bilang bahagi ng selebrasyon ng Women’s Month, nagsagawa ng Gender Awareness and Development orientation seminar ang mga kawani ng Quezon District Jail, kung saan naging panauhing tagapagsalita si Community Affairs Officer IV Cynthia M. Profeta nitong Marso 14.

Sa pamamagitan nito, napapalawig natin ang kamalayaan ng bawat isa upang maging sensitibo at maunawaan ang pagkakapantay pantay ano man ang kasarian.

Fisherfolks Consultative Meeting – Infanta & General Nakar, Quezon | March 14, 2023

Fisherfolks Consultative Meeting – Infanta & General Nakar, Quezon | March 14, 2023

Hangarin ng Pamahalaang Panlalawigan ng Quezon sa pamumuno ni Gov. Doktora Helen Tan ay mabigyang pansin at halaga ang lahat ng sektor sa probinsya, kaya’t lubos na pinagsusumikapan ang paghahandog ng mga programa at proyektong makatutulong sa pag-unlad ng bawat mamamayang Quezonians.

Kaugnay nito, isa sa nais masolusyonan ng pamahalaan ay ang kinahaharap na suliranin ng mga mangingisda sa Quezon tuwing may amihan o masama ang panahon.

Upang mas maging maayos ang pagresolba sa talakaying ito, personal na nakipagpulong si Gov. Doktora Helen Tan sa mga mangingisda mula sa Infanta at General Nakar ngayong araw, Marso 14.

Inilahad ng gobernadora na handa siyang makinig at matuto sa kanila upang mas mapag-aralan kung ano at paano nga ba sila matutulungan.

Samantala, naipamahagi rin ang relief supplies para sa mga mangingisda sa nasabing bayan na nagmula sa Department of Social Welfare and Development Office (DSWD).

Educational Assistance & AICS Payout | March 14, 2023

Educational Assistance & AICS Payout | March 14, 2023

Sa kabila ng limitasyon ng pondo ng Pamahalaang Panlalawigan ng Quezon, hindi ito naging balakid upang patuloy na matugunan ang bawat pangangailangan ng ating mga kalalawigan.

Ngayong araw ng Martes, Marso 14, pinangunahan ni Gov. Doktora Helen Tan ang pamamahagi ng educational assistance mula sa programang AICS o Aid to Individuals in Crisis Situation para sa 573 na mag-aaral na nagmula sa mga bayan ng Real, Infanta, at General Nakar.

Gayundin ang tulong pinansyal para sa 165 na benepisyaryong nasa ilalim ng nasabing programa na nagmula pa rin sa REINA area ng lalawigan ng Quezon.

Sinisigurado naman ng gobernadora na kanyang ilalapit at maiaabot sa bawat Quezonians ang maayos na paglilingkod at serbisyong nararapat para sa kanila.

Pasilidad na Pinasinayaan sa Quezon Medical Center (QMC) sa Pangunguna ni Governor Doktora Helen Tan | March 13, 2023

Pasilidad na Pinasinayaan sa Quezon Medical Center (QMC) sa Pangunguna ni Governor Doktora Helen Tan | March 13, 2023

Kabilang sa mga ito ang Emergency Room, OPD Modular Building, at Padre Pio Ward na mga bagong pasilidad at sumailam sa rehabilitasyon.

Patuloy ang pagsusumikap ng pamahalaang panlalawigan na makapagbigay ng dekalikad na serbisyong pangkalusugan katuwang sina IPHO Head Dr. Kristin Mae-Jean Villaseñor at Chief of Hospitals Dr. Juan Eugenio Fibel Villanueva.

Nagpapasalamat din ang ina ng lalawigan kay Team Energy Head of External Affairs Foilan Gregory Romualdez sa pagkakaloob ng dalawang unit ng ventilators at pagiging partner nito sa matagal ng panahon.

Sasailalim rin ang iba pang pasilidad sa QMC at District Hospitals ng lalawigan sa pagsasaayos upang mas marami pang pasyente ang mapaglingkuran.

35th Regular Session of the Sangguniang Panlalawigan Quezon | March 13, 2023

35th Regular Session of the Sangguniang Panlalawigan Quezon | March 13, 2023

Ika-35 na Pangkaraniwang Pulong ng Sagguniang Panlalawigan ng Quezon | Marso 13, 2023

Kaugnay sa isinusulong na programang pang-edukasyon ni Gov. Doktora Helen Tan na nakapaloob sa kanyang HEALING Agenda, napagtibay ngayong araw ng Lunes, Marso 13 ang proposed ordinance na “One Family, One Graduate Scholarship Program” para sa mga mag-aaral na Quezonian na walang kakayahang makapag-aral.

Binigyang linaw naman ng ilang board members ang patungkol sa saklaw ng naturang scholarship upang maging mas maayos ang pagpapatupad nito, kung kaya’t sinigurado ni Bokal Jerry Talaga na magiging maingat ang lupon at pamahalaan para sa positibong epekto nito sa bawat nangangailangang mag-aaral.

Samantala, tinalakay naman ni Bokal Bong Talabong ang ordinansang ipinasa ng Sangguniang Panglungsod ng Lucena, kung saan kinakailangan ng permit o clearance para sa mga pampublikong proyekto sa nasabing lungsod.

Ayon kay Bokal Bong Talabong, malaki ang magiging epekto nito para sa mga mamamayan at pamahalaan ng Quezon na sinang-ayunan ni Bokal Jerry Talaga, kaya’t kanilang inimungkahi na magkaroon ng consultative meeting kasama ang Provincial Legal Officer at Municipal Legal Officer upang maging maayos ang pakikipag-ugnayan sa saklaw ng ordinansa.

Kasabay ring naaprobahan ngayong araw ang resolusyon para sa Supplemental Annual Investment Plan (AIP) at Annual Work Plan (AWP) para sa Department of Energy (DOE) Energy Regulations (ER) funds ngayong taon na planong gugulin sa mga Livelihood Program at mga gamot at iba pang kagamitang pangkalusugan.

Opening of Candelaria District Hospital Dialysis Center | March 13, 2023

Opening of Candelaria District Hospital Dialysis Center | March 13, 2023

BAGONG PAG-ASA ANG DALA SA PAGBUBUKAS NG PINAKABAGONG DIALYSIS CENTER.

Pinangunahan ni Governor Doktora Helen Tan ang opisyal na pagbubukas ng pinakabagong Candelaria District Hospital Dialysis Center sa pamumuno ni Medical Director Dr. Rogelio C. Aquino ngayong araw, Marso 13.

Mayroong 10 unit dialysis machines na kayang mag-accomodate ng 30 pasyente kada araw ang nasabing dialysis center.

Maituturing itong malaking tulong sa mga pasyenteng nagda-dialysis upang hindi na pumunta sa malalayong lugar gaya ng NCR upang magpagamot.

Samantala, bumisita din ang ina ng lalawigan sa Candelaria District Hospital kasama si Chief of Hospital Dr. John V. Loria upang inspeksyunin ang mga pasilidad na sasailalim sa rehabilitasyon.