Flag Raising Ceremony Hosted by the Nutrition Sector Under the Provincial Health Office & Provincial Multi-sectoral Nutrition Council | April 17, 2023
Ngayong araw ng Lunes, Abril 17 pinangunahan ng Nutrition Cluster ng Lalawigan ng Quezon sa ilalim ng Provincial Health Office, at Provincial Nutrition Multi-Sectoral Council ang regular na pagtataas ng watawat ng Pilipinas.
Ibinahagi ni Provincial Nutrition Action Officer, Ms. Joan Maricel Decena ang kalagayang pang-nutrisyon ng lalawigan ng Quezon. Sa bagong Philippine Fund of Action for 2023 ay inihayag ng mga ito na saklaw ng nutritional program ng lalawigan ang pangangalaga sa kalusugan ng mga Quezonian mula sa tiyan pa lamang hanggang sa mag senior citizen.
Masayang ibinahagi ng tanggapan na bumaba na ang bilang ng mga malnourished na mga bata, underweight and severely underweight, at pagkabansot ng mga bata at ipinagmamalaki din ng ating pamahalaan na nakamit na ang national target para sa buong lalawigan. Hangad nila na mas mapaganda pa ang mga nutritional program para sa mas magandang imahe ng nutritional status ng buong probinsya tulad ng programang Tamang Aksyon sa Nutrition, Nutribun ang Solusyon.
Ipinaabot naman ni Provincial Administrator Manuel M. Butardo ang mensahe ng ina ng lalawigan, Gov. Doktora Helen Tan para sa mga board members, mga puno ng tanggapan, mga kawani at lahat ng bumubuo ng Nutrition Sector ng lalawigan. Kanya ring inilahad ang isinagawang Pre-Retirement seminar noong April 14 na isinagawa sa pagtutulungan ng Provincial HRMO at GSIS.
Sa huli ay isinagawa ang paggagawad ng parangal sa mga piling tanggapan para sa kanilang pagsunod sa Solid Waste Management Program ng pamahalaang panlalawigan, kasabay ang pagpaparangal sa mga nagwagi sa Responsible Pet Ownership Contests ng Office of the Provincial Veterinarian. Bilang pangwakas, namahagi ng mga sariwang gulay mula sa mga magsasaka ng Tiaong at Candelaria na siya namang nagpasaya sa mga kawani.
Source: Quezon PIO