NEWS AND UPDATE

Quezon Weather Forecast | May 26, 2023 โ€“ 5:00am

Quezon Weather Forecast | May 26, 2023 โ€“ 5:00am

๐•๐š๐ฅ๐ข๐ ๐๐ž๐ ๐ข๐ง๐ง๐ข๐ง๐  ๐ŸŽ๐Ÿ“:๐ŸŽ๐ŸŽ๐€๐Œ ๐ญ๐จ ๐ŸŽ๐Ÿ“:๐ŸŽ๐ŸŽ๐๐Œ ๐ญ๐จ๐๐š๐ฒ

5:00 AM โ€“ 11:00 AM

WEATHER: Bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin na may Pag-ulan, Pagkulog at Pagkidlat sa maliit na bahagi ng lalawigan

WIND: Mahina hanggang sa katamtaman mula sa Hilagang-silangan

COASTAL: Bahagya /mahina hanggang sa katamtamang alon na karagatan

TEMPERATURE: 24-32ยฐC

11:00 AM โ€“ 5:00 PM

WEATHER: Bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin na may Pag-ulan sa maliit na bahagi ng lalawigan

WIND: Mahina hanggang sa katamtaman mula sa hilagang-silangan

COASTAL: Bahagya /mahina hanggang sa katamtamang alon na karagatan

TEMPERATURE: 29-33ยฐC

Source: Quezon PIO

Pagdiriwang ng Alimango Festival sa Bayan ng Calauag, Quezon | May 25, 2023

Pagdiriwang ng Alimango Festival sa Bayan ng Calauag, Quezon | May 25, 2023

Adyo Calauag!

Naging makabuluhan ang pagdiriwang ng Alimango Festival sa bayan ng Calauag, Quezon ngayong araw ng Huwebes, ika-25 ng Mayo, 2023.

Bidang-bida sa kapistahan ang mga naglalakihang alimango na sariling huli mismo ng mga residente kung saan naman ay nagkaroon ng ibaโ€™t-ibang kompetisyon na may kaugnayan sa alimango

Nagkaroon rin ng street dancing competition at parada upang mas madama at maging masaya ang selebrasyon ng pagdiriwang.

Source: Quezon PIO

1st Gov. Doktora Helen Tan GOVERNORโ€™S CUP Invitational Basketball Tournament 2023 | May 25, 2023

1st Gov. Doktora Helen Tan GOVERNORโ€™S CUP Invitational Basketball Tournament 2023 | May 25, 2023

Opisyal nang binuksan ngayong araw, Mayo 25 ang 1st Gov. Doktora Helen Tan GOVERNORโ€™S CUP Invitational Basketball Tournament 2023 na ginanap sa Quezon Convention Center.

Sa pangunguna ni Provincial Sports Office Head Coach Aris Mercene, maglalaban-laban sa galing sa larangan ng basketball ang labing-isang kupunan na mula sa ibaโ€™t-ibang bayan ng lalawigan ng Quezon.

Personal namang dumalo sila Vice Gov. Anacleto โ€œThirdโ€ Alcala at EA John Carlo Villasin, upang ipakita ang suporta sa mga ganitong sports program sapagkat ang pagpapalakas ng ating pisikal na pangangatawan ay parte ng mas maaayos na kalusugan.

Source: Quezon PIO

Educational Assistance Payout & Distribution of AID to Barangay | May 25, 2023

Educational Assistance Payout & Distribution of AID to Barangay | May 25, 2023

Ngayong araw ng Huwebes, Mayo 25 naipamahagi sa mahigit 1,400 na estudyanteng magsisipagtapos sa kolehiyo mula sa ika-apat na distrito ang Educational Assistance sa ilalim ng programang AICS o Aid to Individual in Crisis Situation.

Kasabay ring nakipagtipon si Gov. Doktora Helen Tan kasama sila 4th district Cong. Atorni Mike Tan at Board Member Harold Butardo sa mga punong barangay, kung saan ay muli namang naibigay ang Aid to Barangay matapos ang mahigit labing dalawang taon.

Source: Quezon PIO

Tropical Cyclone Advisory No. 1 โ€“ Typhoon โ€œMAWARโ€ | 11:00pm โ€“ May 24, 2023

Tropical Cyclone Advisory No. 1 โ€“ Typhoon โ€œMAWARโ€ | 11:00pm โ€“ May 24, 2023

Valid for broadcast until the next advisory at 11:00 AM tomorrow

TYPHOON โ€œMAWARโ€ MOVES PAST THE NORTHERN MARIANA ISLANDS WHILE MAINTAINING ITS STRENGTH

Location of Center (10:00 PM)

The center of the eye of Typhoon was estimated based on all available data at 2,205 km East of Southeastern Luzon (13.9ยฐN, 144.6ยฐE)

Intensity

Maximum sustained winds of 175 km/h near the center, gustiness of up to 215 km/h, and central pressure of 940 hPa

Present Movement

West northwestward at 10 km/h

Extent of Tropical Cyclone Winds

Strong to typhoon-force winds extend outwards up to 390 km from the center

GENERAL OUTLOOK FOR THE FORECAST PERIOD

โ€ข Typhoon MAWAR is forecast to track generally west northwestward tonight through tomorrow and westward on Friday while gradually accelerating. A turn to the west northwest or northwest while decelerating is possible by Saturday as typhoon approaches the waters east of Extreme Northern Luzon. Forecast confidence cone and the slightly southward shift in the model solutions suggest that the potential for a much closer approach to the country than the ones shown by the center track is not ruled out.

โ€ข MAWAR is forecast to re-intensify within the next 3 days and may regain its super typhoon status by tomorrow at the earliest. This tropical cyclone may reach a peak intensity of 215 km/h on Saturday.

โ€ข Current track scenario shows that the rain bands over the typhoon may affect Cagayan Valley between Sunday and Tuesday next week. In addition, strong to gale-force conditions may be experienced which may necessitate the hoisting of Tropical Cyclone Wind Signal in the coming days.

โ€ข MAWAR is forecast to enhance the Southwest Monsoon and may trigger monsoon rains over the western portions of MIMAROPA, Visayas, and Mindanao on Friday and Saturday and over the western portions of Luzon and Visayas on Sunday onwards.

However, the monsoon rains scenario may still change due to dependence of Southwest Monsoon enhancement on the track and intensity of MAWAR.

Considering these developments, the public and disaster risk reduction and management offices concerned are advised to continue monitoring for updates related to this tropical cyclone.

Unless an intermediate advisory or initial tropical cyclone bulletin is released, the next tropical cyclone advisory will be issued at 11:00 AM tomorrow.

DOST-PAGASA

-doms

Source: Quezon PDRRMO

Blessing of Bridge & Barangay Road โ€“ Sariaya, Quezon | May 24, 2023

Blessing of Bridge & Barangay Road โ€“ Sariaya, Quezon | May 24, 2023

Naging makabuluhan ang idinaos na blessing ng kalsada at tulay sa bayan ng Sariaya sapagkat malaking tulong ito upang maging ligtas ang paglalakbay ng bawat biyahero sa nasabing bayan.

Ang tulay na sakop ng provincial road sa Barangay Mamala 2 at kalsada sa Brgy. Tumbaga 1 to Brgy. Canda ay nooโ€™y mahuna at binabaha kung kayaโ€™t ang pagsasaayos ng mga ito ay magsisilbing alternatibong daan patungo sa mga karatig barangay at lubos na mapakikinabangan ng ating mga kababayan.

Source: Quezon PIO

Distribution of AID to Barangay, Medicine & Apparatus โ€“ Sariaya, Quezon | May 24, 2023

Distribution of AID to Barangay, Medicine & Apparatus โ€“ Sariaya, Quezon | May 24, 2023

Kaalinsabay ng isinagawang medical mission sa bayan ng Sariaya, naipamahagi rin ngayong araw ang tulong para sa 43 barangay captains ng Sariaya na paka-iingatan ng mga barangay treasurers nito.

Naipamahagi rin ang mga BP apparatus, at mga gamot pang bata at matanda sa mga Barangay Health Workers. Layon nitong makatulong sa bawat barangay upang mabawasan ang kanilang mga pasanin na kinahaharap.

Source: Quezon PIO

Lingap sa Mamamayan, Libreng Gamutan para sa mga Sariayahin | May 24, 2023

Lingap sa Mamamayan, Libreng Gamutan para sa mga Sariayahin | May 24, 2023

Sa pag-aabot ng libreng serbisyong gamutan para sa ating mga kalalawigan na nangangailangan, walang pinipili ang Pamahalaang Panlalawigan ng Quezon sapagkat ang tunay na hangarin nito ay mabigyan ng pagkakataon ang lahat ng naninirahan sa probinsya na malaman ang estado ng kanilang kalusugan.

Ngayong araw ng Miyerkules, Mayo 24, sunod na dinala sa bayan ng Sariaya ang Medical Mission na walang humpay na isinasagawa sa buong probinsya. Sa inisyatibo pa rin ni Gov. Doktora Helen Tan, kasama ang mga doktor, nurse, at espesyalista na nagmula pa sa Maynila ay marami ang nakapagpasuri ng libre at naging benepisyaryo ng ibaโ€™t-ibang medikal na serbisyo.

Nagpakita naman ng suporta at pakikiisa sa napakahalagang programang ito sina Vice Gov. Anacleto โ€œThirdโ€ Alcala, BM Vinette Alcala, BM Yna Liwanag, Mayor Marcelo Gayeta, at Vice Mayor Alex Tolentino.

Source: Quezon PIO

Basic Gender Sensitivity Training & Orientation on RA 1131 | May 23, 2023

Basic Gender Sensitivity Training & Orientation on RA 1131 | May 23, 2023

Bilang pagtugon sa magkakambal na layunin na pangkasariang pagkakapantay-pantay at pagpapalakas ng sektor ng kababaihan na isinusulong ng Provincial Gender and Development Office, patuloy ang isinasagawang pagbabahagi ng kaalaman ng tanggapan sa ibaโ€™t ibang sangay at opisina ng pamahalaan.

Nitong ika-23 ng Mayo, nagsagawa ng Basic Gender and Sensitivity Training (BGST) at Orientation on RA 1131 (Safe Spaces Act) na pinangunahan nina Mr. Sedfrey R. Potestades, PGADH at Ms. Shannen A. Tierra, CAO I ng PGAD Office para sa mga kapulisan mula sa Quezon Police Provincial Office.

Layunin ng BGST na maibahagi ang mas malawak na kaalaman sa pangunahing paksa tulad ng konsepto ng sex at gender at gender biases upang magkaroon ng pantay pantay na pagtuturing ang bawat mamamayan. Saklaw naman ng Safe Spaces Act ang mga probisyon at karampatang parusa laban sa gender-based sexual harassment sa mga publikong lugar, paaralan at pati na rin sa online platforms.

Source: Quezon PIO