
Orientation workshop on Strategic Performance Management System (SPMS) | May 19, 2023
“Gawing lingkod bayani ang bawat kawani”
Upang masiguro ang mabisang implementasyon ng pagpapanatili, promosyon at pamamahagi ng insentibo para sa mga kawaning gumagampan sa kanilang tungkulin, isinagawa ngayong araw, May 19 ang pagsasanay para sa Strategic Performance Management System (SPMS) sa pangunguna ng Provincial Human Resource Management Office (PHRMO) katuwang ang Civil Service Commission (CSC) sa St. Jude Coop Hotel & Event Center, Tayabas City.
Naging pangunahing tagapagsalita CSC Field Office Quezon Director Jacinto Mateo III na nagbahagi ng mga panuntunan para sa wastong gawi bilang mga lingkod bayan. Aniya, nararapat lamang na wasto at mabisa ang paggampan ng mga kawani sa tungkulin upang masigurong natatanggap ng mga mamamayan ang serbisyong dapat nilang matanggap mula sa pamahalaan.
Dumalo rin sa aktibidad si Gov. Doktora Helen Tan at nagpaabot ng pasasalamat sa mga pinuno at kawani ng iba’t ibang tanggapan para sa kanilang buong-pusong pakikiisa sa layunin ng ina ng lalawigan na maipaabot ang serbisyo ng pamahalaang panlalawigan.
Source: Quezon PIO