NEWS AND UPDATE

Blessing of Magsaysay District Hospital Dialysis Center | June 12, 2023

Blessing of Magsaysay District Hospital Dialysis Center | June 12, 2023

Isinagawa ngayong araw ng Lunes ika-12 ng Hunyo ang pagbabasbas ng bagong Dialysis Center ng Magsaysay Memorial District Hospital sa Bayan ng Lopez, Quezon.

Ang nasabing aktibidad ay pinangunahan ni Governor Doktora Helen Tan kasama sina 4th District Congressman Atorni Mike Tan, 4th Dist. Board Member Harold Butardo, Mayor Racher Ubana, Sangguninag Bayan Members ng Lopez at mga Kawani ng Magsaysay Memorial District Hospital.

Sa pamamagitan ng bagong pasilidad na ito, marami sa ating mga kalalawigan mula sa ika-apat na distrito ang hindi na lalayo para magpa-hemodialysis at makatutulong din upang mapahaba ang buhay ng mga Quezonian na nangangailangan ng agarang serbisyong medikal.

Tinaangap din ng nasabing ospital isang Mobile Clinic mula sa Rotary Club of Lopez at Water Purifier Station mula naman sa Rotary Club of Lopez at Alabang-Daang Hari.

Source: Quezon PIO

Provincewide Declaration of State of Internal Peace Situation (SIPS) in Quezon Province | June 12, 2023

Provincewide Declaration of State of Internal Peace Situation (SIPS) in Quezon Province | June 12, 2023

Kaalinsabay sa pagdiriwang ng ika-125 Anibersaryo ng Araw ng Kalayaan ng Pilipinas, naging malaya rin ang lalawigan ng Quezon mula sa karumal-dumal na karahasan ng CPP-NPA-NDF na tanging gulo at paghihirap ang idinulot sa bawat mamamayan sa probinsya.

Sa pangunguna ni Gov. Doktora Helen Tan, makasaysayang idineklara sa buong lalawigan ng Quezon ang SIPS o Stable Internal Peace and Security, ito’y nangangahulugan na wala ng bayolenteng mga aktibidad na ginagawa ang nasabing komunistang grupo.

Taos puso ang pasasalamat ng gobernadora sa mga bumubuo ng Provincial Peace and Order Council kabilang ang AFP, PNP, DILG, BFP, SOLCOM, at bawat lingkod bayan na parating kabalikatan at kaisa upang masugpo ang insurhensiya sa ating lalawigan.

Samantala, sinigurado naman na nakahanda ang Pamahalaang Panlalawigan ng Quezon upang umagapay na magkaroon ng bagong bukas ang mga noo’y namulat sa maling pamumuhay.

Source: Quezon PIO

125th Independence Day Celebration | June 12, 2023

125th Independence Day Celebration | June 12, 2023

Bilang pakikiisa ng Pamahalaang Panlalawigan ng Quezon sa pagdiriwang ng ika-125 Anibersaryo ng Araw ng Kalayaan ng Pilipinas, isinagawa sa Quezon Capitol Grounds ang pagtataas ng watawat at ang pag-aalay ng bulaklak sa monumento ni Rizal, ngayong araw, Hunyo 12.

Nawa’y ating alalahanin ang bawat sakripisyo at tapang ng bawat bayaning nanindigan upang ipaglaban ang kalayaan na mayroon tayo ngayon.

Mabuhay ang mga dakilang Pilipino!

Source: Quezon PIO

Philippines Independence Day | June 12, 2023

Philippines Independence Day | June 12, 2023

Maligayang Araw ng Kalayaan! 🇵🇭

Sa pagdiriwang ng Ika-125 Anibersaryo ng Araw ng Kalayaan ng Pilipinas ngayong Hunyo 12, kaisa ang Pamahalaang Panlalawigan ng Quezon sa paggunita ng kadakilaan ng ating mga Bayani na ipinaglaban ang ating kalayaan.

Ating bigyang pugay rin ang lahat ng Pilipinong nagpakita ng hindi matutumbasang katapangan, talino, at lakas para sa maunlad at mapayapang bansa.

Source: Quezon PIO

Quezon Junior Huskers Tryouts | June 10, 2023

Quezon Junior Huskers Tryouts | June 10, 2023

Ginanap ngayong araw ng Sabado, Hunyo 10 sa Punzalan Gym, Lucena City ang tryout para sa mga kabataang nais maging miyembro ng Quezon Junior Huskers.

Pinangunahan ni Coach Melki Villanueva – Program Head ng QJH ang paghahanap ng mga batang manlalaro ng lalawigan na naghahangad na maging bahagi ng binubuong koponan.

Lumahok ang mahigit tatlong daang batang manlalaro na may edad sampu hanggang labing anim para sa Under 16 of age category. Sa Lunes naman ay sunod na magpapakitang gilas sa basketball ang mga batang manlalaro na may edad na labing walo.

Abangan ang announcement ng line-up ng mapapalad na batang Quezonian na makakapasok sa Quezon Junior Huskers.

Source: Quezon PIO

MPBL 2023 Regular Session | June 09, 2023

MPBL 2023 Regular Session | June 09, 2023

Panalo tayo mga Quezonians 🎉

Provincial Development Council Meeting | June 09, 2023

Provincial Development Council Meeting | June 09, 2023

Pinangunahan ni Gov. Doktora Helen Tan ang pagpupulong kasama ang Provincial Development Council (PDC) ngayong araw ng Biyernes, Hunyo 9 na ginanap sa pamamagitan ng Zoom Video Conference.

Iniharap ni EnP Daisy J. Dacasin ang Supplemental Annual Investment Plan No. 4 para sa taong 2023, kung saan naman ay ibinahagi ni Assistant PPDC Jo Marice R. Salonga ang Annual Investment Plan CY 2024, at ang Local Development Investment Program para sa taong 2021 hanggang 2026 na sinuportahan ng konseho upang maaprubahan. Nagpresenta rin ng mga ulat ng Sectoral Committees ang bawat Committee Chairpersons and Secretariat.

Samantala, tinalakay ni Ms. Margarita G. Cada mula sa PSA Quezon ang 2024 Community-Based Monitoring System. Sa pagtatapos, binigyang linaw ni Ms. Emerose A. Dalwampu ang patungkol sa Inflation Reports ng Quezon Province.

Source: Quezon PIO

MPBL 2023 Regular Session | June 09, 2023

MPBL 2023 Regular Session | June 09, 2023

9th win for the Quezon Huskers!

Patuloy natin suportahan ang ating kuponan.

Source: Quezon PIO

Benchmarking, Learning Session on Quezon’s Gender and Development Best Practices | June 09, 2023

Benchmarking, Learning Session on Quezon’s Gender and Development Best Practices | June 09, 2023

Ginanap ngayong Biyernes, Hunyo 9 ang 2nd Quarter Meeting of P/C/MCAT-CP-VAWC at Benchmarking Activity/Learning Session kasama ang mga kinatawan mula sa Brgy. Paltok, District I, Quezon City para sa Best Practices ng lalawigan ng Quezon sa larangan ng Gender and Development.

Pinangunahan ni Officer in Charge of the Provincial Gender and Development Office Ms. Sonia S. Leyson ang aktibidad na magpapatibay para sa kapakanan ng bawat Quezonian.

Tinalakay sa aktibidad ang mga presentasyon at pag-uulat na makakatulong sa pagpapanatili ng maayos na palatuntunin para sa Gender and Development, kasama na rin dito ang health programs na inihanda ng PGAD office para sa mamamayan ng Quezon.

Samantala ibinahagi rin ni Ms. Glenda Alpuerto ng Provincial Assistance for Community Services and Empowerment Development Unit (PACSEDU) ang mga programa para sa mga kababaihan ng lalawigan ng Quezon.

Source: Quezon PIO

Electronic Waste Collection – Environment Month Celebration | June 09, 2023

Electronic Waste Collection – Environment Month Celebration | June 09, 2023

Nagkaroon ng Electronic Waste Collection ang Provincial Government – Environmental Natural Resources Office (PG-ENRO) bilang parte ng selebrasyon ng Environment Month, ngayong araw ng Biyernes, Hunyo 09.

Sa pangunguna ng mga kawani ng PG-ENRO at sa koordinasyon ng bawat opisina ng Pamahalaang Panlalawigan ng Quezon ay naging matagumpay ang aktibidad na ito at inaasahang magtutuloy-tuloy para sa isang organisadong pamamaraan ng pagtatapon.

Magkakaroon din sa susunod na linggo ng libreng Emission testing ng mga Diesel-fueled Government vehicles at magsasagawa ng iba pang aktibidad na layong mapangalagaan ang kagandahan ng inang kalikasan.

Source: Quezon PIO