NEWS AND UPDATE

182nd Death Anniversary of Hermano Puli | November 04, 2023

182nd Death Anniversary of Hermano Puli | November 04, 2023

Ginanap ang paggunita ng ika-182 taong kamatayan ni Apolinario Dela Cruz o mas kilala bilang Hermano Puli ngayong araw ng Sabado, November 4 sa Isabang, Tayabas City.

Ang nasabing programa ay dinaluhan ni Governor Doktora Helen Tan kasama sina Tayabas City Mayor Lovely Reynoso-Pontioso, Historical Site Development Officer Eufemio Agbayani, Juris Doctor, kumatawan kay Vice Governor Third Alcala na si Ms. Aleixa Alcala, Tuklas Tayabas Historical Society Inc. Founder John Valdeavilla, mga Punong Tanggapan at mga kawani ng Pamahalaang Panlalawigan ng Quezon at mga kabalikatan mula sa National Government Agencies.

Saad ng gobernadora, “Si Hermano Puli ay nagbuwis ng buhay para sa ating pananampalataya kaya’t malaya tayong nakakapagtipon ngayon, nakakasali sa relihiyon na gusto nating salihan” kung kaya naman naniniwala ang gobernadora na gaya ni Hermano Pule, ang bawat isa ay mayroong magagawa para sa ating lalawigan.

Ang kabayanihan ni Hermano Puli ay tumatak hindi lamang sa ating lalawigan kundi na rin sa buong bansa, kung kaya’t hiling ng anak at kumatawan sa Bise Gobernador na si Alexia Alcala na panatilihin nating buhay ang kwento ng ating dakilang bayani.

Source: Quezon PIO

ISO 9001:2015 Quality Management System (QMS) Awareness Seminar | November 03, 2023

ISO 9001:2015 Quality Management System (QMS) Awareness Seminar | November 03, 2023

Sa patuloy na pagsusumikap ng Pamahalaang Panlalawigan na maihatid ang dekalidad na serbisyo para sa bawat mamamayan sa Quezon, ginanap ngayong araw ng Biyernes, Nobyembre 3 ang ISO Awareness Seminar sa 3F Capitol Building upang mapag-usapan ang patungkol sa Quality Management System ng ISO 9001:2015 Certification.

Dinaluhan ang nasabing seminar ng mga namumuno sa bawat departamento ng Pamahalaang Panlalawigan, kasama rin ang mga Chief of Hospitals ng bawat Quezon Provincial Hospital Network sa paglalayong mabigyang linaw ang ISO Standard na nakapaloob sa naturang sertipikasyon.

Ibinahagi naman ni Ms. Gilda Cerila Ramos, RN. mula sa Certification Global Philippines, Inc. ang talakayan patungkol sa Evolution of ISO 9001 Standard, Introduction to the “Annex SL” High Level Structure (HLS), Introduction to the seven new Quality Management Principles “QMPs” at Core set of ISO 9001:2015 requirements and clauses upang mas maunawaan ng bawat kawani ang proseso sa pagkamit ng hinahangad na ISO Certification.

Nais ni Governor Doktora Helen Tan na mas mapabuti pa ang overall performance ng bawat tanggapan para sa mas matibay at mas organisadong pamahalaan, kung kaya’t malaking tulong ang pagsasagawa ng mga ganitong aktibidad na magsisilbing gabay tungo sa mas maunlad na lalawigan ng Quezon.

Source: Quezon PIO

Barangay Health Workers Convention | November 03, 2023

Barangay Health Workers Convention | November 03, 2023

Mabuhay ang mga Barangay Health Workers ng Lalawigan!

Sa patuloy na pagbibigay pugay sa bawat Barangay Health Workers ng lalawigan, ginanap ngayong araw ng Biyernes, Nobyember 3 ang masayang programang handog sa mga tagapag-alaga ng kalusugan sa bawat barangay sa Quezon.

Dinaluhan nina Governor Doktora Helen Tan, Vice Governor Third Alcala, Congressman Reynan Arrogancia, Board Member John Joseph Aquivido, DOH for Health Development CaLaBaRZon Regional Director Dr. Ariel Valencia, Quezon Provincial Health Officer Dr. Kristin Mae-Jean Villaseño, at ilang mga punong bayan ang nasabing programa upang ipaabot ang kanilang suporta at pasasalamat sa 2,810 BHWs na mula sa una, ikalawa at ikatlong distrito ng lalawigan.

Binigyan ng karangalan at pagkilala ng Pamahalaang Panlalawigan ang mga BHW na apat na dekadang nagserbisyo sa kanilang nasasakupan. Nagkaroon din ng raffle draw na ikinatuwa ng bawat isa.

Samantala, nakiindak at nagpakitang gilas rin ang mga Barangay Health Workers sa ginanap na Talentadong BHW 2023, kung saan ginawaran ang Lungsod ng Tayabas bilang pangatlo sa pinaka mahusay, pumangalawa ang bayan ng Lucban, at itinanghal namang kampeon sa nasabing kompetisyon ang Lungsod ng Lucena.

Source: Quezon PIO

Ngayong Barangay & Sangguniang Kabataang Election 2023 | October 30, 2023

Ngayong Barangay & Sangguniang Kabataang Election 2023 | October 30, 2023

Ngayong Barangay & Sangguniang Kabataang Election 2023, hangad ng Pamahalaang Panlalawigan ng Quezon ang maayos, malinis, at tapat na halalan.

Para sa ating mga kalalawigan, huwag nating sayangin ang pagkakataong makaboto at maghalal ng mga pinunong mag-aangat ng ating pamayanan.

Makilahok, Makiisa, Makialam.

Source: Quezon PIO

Nurses’ Week Celebration | October 29, 2023

Nurses’ Week Celebration | October 29, 2023

Bilang pagbibigay pugay sa mga bayaning nurses ng lalawigan, ginanap ang Quezon Medical Center- Nurses Week 2023 Dance and Singing Competition noong nakaraang Biyernes, Oktubre 27.
Pinangunahan ni Chief of Nurse Mrs. Salome Paycao ang ika- limang araw na selebrasyon kung saan ginanap ang poster making contest, dance at singing competition.


Binigyang karangalan naman bilang Bayani Awardees 2023 ang labing pitong mga dakilang nurse na sina Ruel Paulo Rojo, Gladies Terrible, Abegail Arnigo, Pamela Sangalang, Sergio Evaristo Ray Palisoc, Rosalie Nicolas, Dyna Raizel Palisoc, Nestor Reyes, Roxanne Alindogan, Danica Flores, John Armelo Saavendra, Leovegilda Orallo, Geraldine Cornejo, Maricel Adofina, Hazel Tan, Glaiza Maleon, at Johnndell Semitara.
Pinangasiwaan ang aktibidad na ito nina Jenylin V. Roces at Rowena Ferrer ng Nursing Division at sa huli ay pinarangalan ang mga nagwagi sa kompetisyon.


Poster Making Contest:
1st Place- Xylla Lyreen Punzalan
2nd Place- Mary Guinevere Suarez
3rd Place- Kurt Cyrus Laqueo


Dance Competition:
1st Place- Czarney Fie Paloma at Jade Riel Cena
2nd Place- Allyssa Untiveros at Ruel Paulo Rojo


Singing Competition:
1st Place- Melany De Leon ngHemodialysis
2nd Place- Maria Ysolde Villafranca ng Operating Room
3rd Place- Elson Andrei Tan ng Medical Intensive Care Unit
Mabuhay ang mga bayaning nurse ng lalawigan

Source: Quezon PIO

BASAHIN: MEMORANDUM CIRCULAR NO. 38 | October 27, 2023

BASAHIN: MEMORANDUM CIRCULAR NO. 38 | October 27, 2023

BASAHIN: MEMORANDUM CIRCULAR NO. 38

Work From Home (WFH) arrangement para sa mga government offices at Asynchronous classes sa mga pampublikong paaralan, ipatutupad sa Oktubre 31.

Source: Quezon PIO

Pagbisita sa Sitio Angelo, Brgy. Umiray, Gen. Nakar | October 27, 2023

Pagbisita sa Sitio Angelo, Brgy. Umiray, Gen. Nakar | October 27, 2023

Maagang binisita ni Gobernor Doktora Helen Tan ang Sitio Angelo, Brgy. Umiray General Nakar ngayong araw ng Biyernes, Oktubre 27 upang kumustahin ang mga kababayang naapektuhan ng nangyaring landslide noong nakaraang Miyerkules bunsod nang walang tigil na pag-ulan.

Inikot ng Gobernadora ang mga lugar sa nasabing barangay upang makita ang kasalukuyang kalagayan ng mga mamamayan dito, at naghatid ng libreng konsultasyon at mga gamot mula sa programang “Lingap sa Mamamayan Libreng Gamot at Nutrisyon sa Barangay.”

Kasamang nag-inspeksyon ang AFP 2ID Troops sa pangunguna ni AFP 2ID Commander MGEN Roberto Capulong, Mayor Eliseo Ruzol, Vice Mayor L.A. Ruanto at iba pang mga kawani ng lokal na pamahalaan ng nasabing bayan.

Patuloy naman ang pag-abot ng Pamahalaang Panlalawigan ng tulong para sa mga naapektuhang residente.

Source: Quezon PIO

Coastal Clean-up & Environmental IEC Activity | October 26, 2023

Coastal Clean-up & Environmental IEC Activity | October 26, 2023

Isang makakalikasan na araw ang sinimulan ng Provincial Government Environmental and Natural Resources Office (PGENRO) sa ginanap na coastal clean-up at environmental activity sa dalawang barangay ng bayan ng Sariaya ngayong araw, Oktubre 26.

Nakiisa ang mahigit tatlong daang partisipante mula sa PGENRO sa pangunguna ni PGENRO- Officer-in-charge John Luzano, mga residente at barangay health workers ng Castanas at Talaan, local government unit ng Sariaya katuwang ang San Miguel Corporation, Universal Rubina Corporation at Azora Holdings Incorporated sa paglilinis ng karagatan at sila’y nakakolekta ng mahigit tatlong daang kilo ng basura.

Ito ay bahagi ng Information Education Campaign (IEC) tungkol sa baybay dagat at sa solid waste management, at sa kaparehong araw ay nagkaroon din ng aktibidad kung saan itinuro sa mga residente ang tamang pamamahala ng mga basura sa paligid ng kanilang kinatitirahan.

Source: Quezon PIO

Halloween Trick or Treat Activity | October 26, 2023

Halloween Trick or Treat Activity | October 26, 2023

Trick or Treat! 🎃

Ikinatuwa ng mga anak ng empleyado ng Pamahalaang Panlalawigan at mag-aaral mula sa Provincial Child Development Center ang isinagawang Halloween Trick or Treat Activity ngayong araw ng Huwebes, Oktubre 26.

Bawat opisina ng Pamahalaang Panlalawigan ay may kanya-kanyang pakulo na Halloween decorations, at mayroong ding inihandang iba’t-ibang klase ng mga chocolate at candy na nagbigay ngiti sa mga batang suot ang mga nakakaaliw na costumes.

Source: Quezon PIO

Inter Local Health Zone 8 Meeting | October 26, 2023

Inter Local Health Zone 8 Meeting | October 26, 2023

Nagkaroon ng talakayan ngayong araw ng Huwebes, Oktubre 26 ang Inter Local Health Zone 8 na binubuo ng Guinayangan, Lopez, Buenavista, Calauag at Tagkawayan (GLOBUCAT) mula sa ika-apat na distrito ng lalawigan ng Quezon.

Masayang pinaunlakan nina Governor Doktora Helen Tan, kinatawan ng ika-apat na distrito ng Quezon Congressman Atty. Mike Tan, ILHZ GLOBUCAT Chairman Mayor Rachel Ubana, kasama ang mga kawani ng Local Government Unit at Rural Health Unit ng mga nasabing bayan. Kabilang din sa nakipagtalakayan ang pamunuan ng Quezon Provincial Hospital Network – Magsaysay Memorial District Hospital, Philhealth Region IV-A, LHIO, Provincial Health Office at DOH Region IV-A Representative Engr. Rico De Leon.

Layon ng Inter Local Health Meeting na ito na makapagbalangkas ng komprehensibong plano patungkol sa mga suliraning kinakaharap ng mga nasabing tanggapan. Ilan sa mga napag-usapan ay ang kakulangan ng supply ng dugo sa mga ospital pati na rin ang tumataas na bilang ng teenage pregnancy. Nagbahagi din ng ulat at mga rekomendasyon ang tanggapan ng DOH, PHO at PhilHealth sa kung ano ang dapat bigyang-pansin upang mas mapalakas ang sistemang pagkalusugan sa mga nasabing bayan.

Source: Quezon PIO