NEWS AND UPDATE

EARTHQUAKE ALERT!

EARTHQUAKE ALERT!

Ilang bahagi ng lalawigan ng Quezon, niyanig ng lindol kaninang 8:24 a.m ngayong araw ng Biyernes, Oktubre 13.

Itinaas ang Intensity III sa bayan ng Dolores, habang Intensity II sa bayan ng Mauban, Polillo, at Gumaca. Itinaas rin ang Intensity I sa bayan ng Lucban, Alabat, at lungsod ng Lucena.

Pinag-iingat ang lahat sa posibleng aftershocks dulot ng lindol.

Source: https://earthquake.phivolcs.dost.gov.ph/2023_Earthquake_Information/October/2023_1013_0024_B1.html?fbclid=IwAR2xFAGIEYPYyECkW6kutGKv9Ok5DekqDJf_FzcRERXL6tm6WxJc2Uhe_vA

Earthquake Information No.1 | Date and Time: 13 October 2023 – 07:37 AM

Earthquake Information No.1 | Date and Time: 13 October 2023 – 07:37 AM

Magnitude = 2.7

Depth = 003 km

Location = 13.81°N, 121.57°E – 018 km S 18° E of Sariaya (Quezon)

Source: Quezon PDRRMO

October Peace 2023 – Peace Concert

October Peace 2023 – Peace Concert

Mga kalalawigan, ngayong Oktubre 13, halina’t makisaya sa isang Peace Concert na inyong maeenjoy!

Tunghayan ang pagtatanghal nila Ronnie Liang, Lolita Carbon and Asin Band, at ng Momoy Palaboy sa PUP Lopez, Quezon.

Kita-kits!

Source: Quezon PIO

Pagbisita ni Governor Doktora Helen Tan sa mga Kasalukuyang Ipinapagawang Imprastraktura ng Pamahalaang Panlalawigan sa Gumaca, Quezon | October 12, 2023

Pagbisita ni Governor Doktora Helen Tan sa mga Kasalukuyang Ipinapagawang Imprastraktura ng Pamahalaang Panlalawigan sa Gumaca, Quezon | October 12, 2023

Binisita ni Governor Doktora Helen Tan ang mga kasalukuyang ipinapagawang imprastraktura ng Pamahalaang Panlalawigan sa Gumaca, Quezon ngayong araw, Oktubre 12.

Maagang nagtungo ang ina ng lalawigan sa Quezon Provincial Hospital Network – Gumaca para personal na mag-inspeksyon sa mga pasilidad na kasalukuyang inaayos sa nasabing ospital.

Sunod nitong binisita ang Southern Quezon Convention Center na nangangailangan din ng rehabilitasyon dahil marami ng pasilidad ang nasira at napabayaan.

Sa kaparehong araw, mga pagawaing pang imprastraktura sa Southern Luzon State University – Gumaca ang huling binisita ng Gobernadora gaya ng dormitoryo na inaasahang matatapos sa lalong madaling panahon para magamit na at makatulong makabawas sa gastusin ng mga mag-aaral dito na nagmumula pa sa malalayong lugar.

Tuloy-tuloy ang pagsusumikap ng pamahalaang panlalawigan na maiayos ang mga serbisyo upang lubos na mapakinabangan ng bawat mamamayan sa lalawigan ng Quezon.

Source: Quezon PIO

Certificate of Accreditation to Provincial Health Office as Continuing Professional Development (CPD) Provider | October 12, 2023

Certificate of Accreditation to Provincial Health Office as Continuing Professional Development (CPD) Provider | October 12, 2023

Pormal na tinanggap ni Provincial Health Officer II, Dr. Kristin Mae-Jean M. Villaseñor mula sa Professional Regulation Commission (PRC) Lucena ang Certificate of Accreditation na nagtatakda sa Provincial Health Office bilang Continuing Professional Development (CPD) Provider noong ika-12 ng Oktubre, 2023.

Pangungunahan ng Human Resources for Health Management and Development Unit at Quality Performance Monitoring Unit ang pagsasaayos ng mga trainings and seminars na may CPD units na kinakailangan ng mga Health Professionals sa pagre-renew ng kanilang lisensya.

Source: Quezon PHO

65th SM Stores Anniversary Super Cashback Promo

65th SM Stores Anniversary Super Cashback Promo

Bilang bahagi ng ika-65 taong anibersaryo ng SM Stores ngayong Oktubre, may magandang balita sa bawat empleyado ng Pamahalaang Panlalawigan mula sa SM Store Lucena. Mag-shopping mula October 13 hanggang 15 at maaring manalo ng hanggang P10,000 sa SM Store Super Cashback Promo!

Available din ang mga sumusunod na offers:

– Makakuha ng 65 bonus kapag nag-shopping gamit ang iyong SMAC mula October 1 hanggang 31.

– Manalo ng P1,000 o P100,000 SM Gift Pass para sa minimum na P6,500 single-receipt purchase gamit ang Mastercard mula October 01-31.

Mga kalalawigan, happy shopping!

Source: Quezon PIO

Turn-over ang Pinaeapple Processing Facility sa Samahan ng mga Magsasaka ng Nieva Incorporated sa Bayan ng General Luna | October 11, 2023

Turn-over ang Pinaeapple Processing Facility sa Samahan ng mga Magsasaka ng Nieva Incorporated sa Bayan ng General Luna | October 11, 2023

Pormal nang na turn-over ang Pinaeapple Processing Facility sa Samahan ng mga Magsasaka ng Nieva Incorporated sa bayan ng General Luna ngayong araw ng Miyerkules, Oktubre 11.

Pinangunahan ni Governor Doktora Helen Tan ang pagpapasinaya ng nasabing proyekto mula sa Pamahalaang Panlalawigan at Philippine Rural Development Program (PRDP). Ito ay may sukat na 216 square meter floor area at nagkakalahaga ng mahigit labintatlong (13) milyong piso.

Ang General Luna ang may pinakamalaking taniman ng pinya sa lalawigan ng Quezon, kasalukuyang mayroong 400 hectares na taniman ng pinya dito at target na mapalawak pa sa mga susunod na taon. Tinuturing din itong malaking oportunidad para sa mga magsasaka ng pinya at patuloy na pag-unlad ng nasabing bayan.

Samantala, sa kaparehong araw isinagawa rin ang Groundbreaking Ceremony ng Recto-Malaya Farm to Market Road na limang dekada ng pinapangarap ng mga residente dito. Ang kalsadang ito ay nagkakahalaga ng 75 million pesos at may haba na limang kilometro (5km) na magduruktong sa bayan ng Lopez at Catanauan na lubos na mapakikinabangan ng pitong barangay (San Vicente, San Nicolas, Sumilang, Nieva, Recto, Magsaysay, Malaya) at magpapagaan sa pang araw-araw nilang paglalakbay patungo sa mga eskwelahan, paghahanap-buhay, at kalakalan.

Kasama ring dumalo sina Cong. Reynante Arrogancia, Board Member JJ Aquivido, Mayor Matt Erwin Florido, Sangguniang Bayan ng General Luna, at mga kapitan ng nasabing mga barangay.

Source: Quezon PIO

PNP Drug Enforcement Group – Courtesy Call | October 10, 2023

PNP Drug Enforcement Group – Courtesy Call | October 10, 2023

Mainit na tinanggap ni Governor Doktora Helen Tan sina CIDG-Quezon Chief PLTCOL Jeffrey Faller, OIC-PDEG Special Operating Unit 4A PLTCOL Michael Rae Tuscano, at iba pang kawani ng PNP Drug Enforcement Group Quezon matapos magkortesiya ngayong araw, Oktubre 10.

Siniguro naman ng Gobernadora ang patuloy na pagsuporta ng pamahalaang panlalawigan sa mga layunin ng hanay ng kapulisan upang mapanatili ang kaayusan at katahimikan sa buong lalawigan ng Quezon.

Source: Quezon PIO

Local School Board Meeting | October 10, 2023

Local School Board Meeting | October 10, 2023

Nakipagpulong si Governor Doktora Helen Tan sa DepEd Quezon, Schools Division Office-Lucena at Tayabas City ngayong araw ng Martes, Oktubre 10 patungkol sa suliranin na kinakaharap ng Quezon National High School.

Dinaluhan ni Assistant Schools Division Superintendent Gregorio Mueco ang pagpupulong na ito kasama sina SDS Susan Oribiana, SDS Celedonio Balderas Jr., at iba pang kawani ng DepEd Quezon, at mga SDO mula sa lungsod ng Lucena at Tayabas.

Batid ng Gobernadora na marami pang kinakailangang ayusin sa mga paaralan sa Quezon katulad na lamang ng kakulangan sa mga silid-aralan. Kaya naman patuloy ang pagsusumikap ng Ina ng Lalawigan na makapagbigay ng mga tamang programa at proyekto upang patuloy na maiangat ang kalidad ng Edukasyon sa Quezon.

Source: Quezon PIO

Administrative Officers Meeting | October 10, 2023

Administrative Officers Meeting | October 10, 2023

Nagtipon-tipon ngayong araw ng Martes, Oktubre 10 ang mga Administrative Officers ng bawat tanggapan sa pamahalaang panlalawigan upang magkaroon ng talakayan patungkol sa kahalagahan ng mga benepisyo at serbisyo na mula sa ahensya ng PAGIBIG, SSS at PHILHEALTH.

Pinangunahan ito ng Human Resource Management Office (HRMO) sa pamumuno ni Mr. Rowell Napeñas, kung saan dumalo rin si Provincial Administrator Manuel Butardo upang iparating ang mensahe ng pakikiiisa ni Governor Doktora Helen Tan sa nasabing pagpupulong.

Source: Quezon PIO