48th Regular Session of the Sangguniang Panlalawigan ng Quezon | June 13, 2023
Ika- 48 na Pangkaraniwang Pulong ng Sangguniang Panlalawigan ng Quezon | Hunyo 13, 2023
Inaprubahan sa session ang mga ordinansa, resolusyon at executive orders na ipinadala ng mga bayan at munisipalidad ng Lalawigan ng Quezon sa usaping pangkalusugan, turismo, agrikultural, edukasyon, pangkalikasan at pinansyal. Isa dito ay ang apruba ng muling pag- uuri ng mga lupang pansakahan sa nasasakupan ng bayan ng Lopez.
Sa usaping transportasyon at komunikasyon, isinusulong ang pagkakaroon ng resolusyon na makagawa ng isang konseho, ang Metro REINA Transport Development Council na makakatulong sa kaayusan at mas organisadong mga patakaran ng transportasyon sa mga bayan ng Infanta, Real at General Nakar.
Bukod sa pag aapruba ng mga batas para sa ikauunlad ng lalawigan, binigyang pagkilala sa pulong si Mr. Reynard Bernisca na siyang kinatawan ng lalawigan para sa nalalapit na Mister International Philippines 2023.
Binigyang papuri din ni Vice Governor Third Alcala ang kagalingan ng probinsya pagdating sa usaping medical. Aniya “Quezon Province is the frontrunner in the Philippines for the Universal Health Care”
Source: Quezon PIO