NEWS AND UPDATE

MPBL Ticket Distribution | June 02, 2023

MPBL Ticket Distribution | June 02, 2023

Muling dinagsa ng mga Lucenahin ang pila ngayong araw, Hunyo 2 para sa libreng upper bleacher tickets sa laban ng Quezon Huskers vs. San Juan Knights sa darating na Sabado sa Quezon Convention Center.

Tunay nga ang buong supporta ng ating mga kalalawigan para sa ating mga manlalaro.

Source: Quezon PIO

Earthquake Information No. 1 | 8:25am โ€“ May 31, 2023

Earthquake Information No. 1 | 8:25am โ€“ May 31, 2023

๐Œ๐š๐ ๐ง๐ข๐ญ๐ฎ๐๐ž = ๐Ÿ.๐Ÿ’

๐ƒ๐ž๐ฉ๐ญ๐ก = ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ• ๐ค๐ฆ

๐‹๐จ๐œ๐š๐ญ๐ข๐จ๐ง = ๐Ÿ๐Ÿ’.๐Ÿ–๐ŸŽยฐ๐, ๐Ÿ๐Ÿ๐Ÿ.๐Ÿ“๐Ÿ•ยฐ๐„ โ€“ ๐ŸŽ๐Ÿ๐ŸŽ ๐ค๐ฆ ๐ ๐Ÿ“๐Ÿ”ยฐ ๐– ๐จ๐Ÿ ๐ˆ๐ง๐Ÿ๐š๐ง๐ญ๐š (๐๐ฎ๐ž๐ณ๐จ๐ง)

Source: Quezon PDRRMO

Coordination Meeting with DOH-Health Promotion Bureau & Health Facilities Enhancement Program | May 30, 2023

Coordination Meeting with DOH-Health Promotion Bureau & Health Facilities Enhancement Program | May 30, 2023

Nakipagpulong si Gov. Doktora Helen Tan sa pamunuan ng Department of Health para isang Consultative Meeting kasama sina DOH Assistant Secretaries Dr. Leonita Gorgolon at Dr. Beverly Ho ngayong araw, Mayo 30.

Alinsunod pa rin sa pagpapalakas ng serbisyong medikal sa ating lalawigan, napag-usapan sa pagpupulong ang ilang mga proyekto at programa na makatutulong mapabuti ang serbisyong pangkalusugan, tulad ng Health Public Open Spaces Program, pagsasaayos at pagtatayo ng mga rural health units, super health centers, at public hospitals.

Source: Quezon PIO

Coordination Meeting para sa Niyogyugan Festival 2023 | May 29, 2023

Coordination Meeting para sa Niyogyugan Festival 2023 | May 29, 2023

Isinagawa kahapon, ika-29 ng Mayo ang Coordination Meeting para sa Niyogyugan Festival 2023 sa pangunguna ni Governor Doktora Helen Tan, Provincial Tourism Officer Nesler Louise Almagro, SP Committee on Tourism Hon. John Joseph Aquivido, Provincial Agriculturist Dr. Clarissa mariano at Provincial Information Officer Jun Lubid na ginanap sa Queen Margaret Hotel, Brgy. Domoit, Lucena City.

Pinagusapan sa pagpupulong na ito ang mga magiging gawain sa paparating na pagdiriwang ng nasabing festival sa buwan ng Agosto upang mas maging makabuluhan at makahulugan ito para sa mga magsasaka.

Aktibong nakiisa at nagbigay ng buong suporta ang mga Municipal Mayors, Municipal Tourism Officers, Municipal Agriculturists, Designers, Engineers at iba pang mga organisasyon para mas maganda at kapanapanapik na Niyogyugan Festival.

Source: Quezon PIO

Distribution of AID to Barangay & BP Apparatus for Barangay Health Workers | May 29, 2023

Distribution of AID to Barangay & BP Apparatus for Barangay Health Workers | May 29, 2023

Matapos ang labing dalawang taon, unti-unti muling naipamahagi sa mga barangay sa lalawigan ng Quezon ang Aid to Barangay na lubos na magagamit na pondo upang makatugon sa pangangailangan ng ating mga kababayan.

Ngayong araw, Mayo 29, sunod na naibigay ang nasabing tulong sa mga barangay na nasasakupan ng mga bayan ng San Antonio, Tiaong, Dolores, Tayabas, Pagbilao, at Candelaria.

Personal namang dumalo si Gov. Doktora Helen Tan upang magbigay mensahe sa mga barangay captain, barangay tresurer, at barangay health workers na kaniyang patuloy na pagsusumikapan ang tuloy-tuloy na pag-aabot ng tulong.

Samantala,kasabay ring naipamahagi ang mga high quality BP Apparatus na tiyak na mapapakinabangan upang matugunan ang pangkalusugan na pangangailangan ng mga mamamayang may karamdaman.

Source: Quezon PIO

Integration of the Local Health System โ€“ Konsulta Network Contracting & Special Health Fund | May 29, 2023

Integration of the Local Health System โ€“ Konsulta Network Contracting & Special Health Fund | May 29, 2023

Nagsagawa ng pagpupulong ang Pamahalaang Panlalawigan sa pangunguna ni Gov. Doktora Helen Tan at Philhealth Regional Office IV-A sa pamamagitan ni Philhealth Regional Vice President, Danilo M. Reynes ngayong araw, Mayo 29.

Layunin nitong matalakay ang mga bagong programa sa ilalim ng Universal Health Care na siya ring pangunahing akda ng Ina ng lalawigan, tulad ng KONSULTA na ipinaliwang ni Philhealth Fund Mgt Sector Senior Vice President, Renato L. Limsiaco, Jr. na makatutulong sa pagpapatupad ng Province-Wide Health System Integration sa probinsya upang maabot ng tamang serbisyong medikal ang bawat Quezonian.

Source: Quezon PIO

Ika-46 Pangkaraniwang Pulong ng Sangguniang Panlalawigan ng Quezon | May 29, 2023

Ika-46 Pangkaraniwang Pulong ng Sangguniang Panlalawigan ng Quezon | May 29, 2023

Ika-46 na Pangkaraniwang Pulong ng Sangguniang Panlalawigan ng Quezon | Mayo 29, 2023

Humarap sa sesyon ngayong araw si Pagbilao Police Chief PMAJ Charlotte Fiesta B Zahid upang magkortesiya at talakayin ang ilang sitwasyon na kinahaharap sa kanilang bayan, tulad na lamang ng kalagayan ng trapiko at krimen.

Napagtibay naman ngayong araw ilang mga sulat, ordinansa, resolusyon at executive orders na layong mas mapabuti ang kalagayan ng Lalawigan ng Quezon.

Samantala, nagbigay paalala ang sanggunian na ang lahat na magtutungo sa kalilayan hall ay kinakailangan makipag-ugnayan sa tagapamahala upang mapanatili ang kaayusan at matiyak na narerespeto ang simbolo at otoridad nito.

Source: Quezon PIO

Pasayahan Festival 2023 Grand Parade | May 28, 2023

Pasayahan Festival 2023 Grand Parade | May 28, 2023

Napuno ng ngiti ang lungsod ng Lucena sa idinaos na Pasayahan Festival 2023 Grand Parade ngayong araw, Mayo 28.

Bumida sa parada ang makukulay at naglalakihang float sakay ang mga artista at ibaโ€™t ibang personalidad. Gayundin ang malikhaing Pandong contest at taunang Carnival Queen kung saan rumampa ang mga LGBTQ.

TAra Na, makisaya sa Pasayahan sa Lucena!

Source: Quezon PIO

MPBL 2023 Regular Session โ€“ Eliminations

MPBL 2023 Regular Session โ€“ Eliminations

Panalo tayo mga Quezonians ๐ŸŽ‰

#QuezonHuskers

Source: Quezon PIO

Isinagawa ang Dalawang Araw na โ€œHeritage Tourโ€ sa Ilang Lugar sa Quezon | May 27, 2023

Isinagawa ang Dalawang Araw na โ€œHeritage Tourโ€ sa Ilang Lugar sa Quezon | May 27, 2023

Bilang bahagi ng selebrasyon ng National Heritage Month ngayong taon, sa inisyatibo ng Provincial Tourism Office na pinamumunuan ni Mr. Nesler Louies C. Almagro ay isinagawa ang dalawang araw na โ€œHeritage Tourโ€ sa ilang lugar sa Quezon.

Sa paglalayong maisulong at mas mapalakas ang turismo ng probinsya, kasamang naglibot sa Kapitolyo, Sariaya, at Tayabas ang mga local Quezonian vloggers upang tuklasin ang mga makasaysayang lugar at kultura ng ating lalawigan.

Hangarin din ng nasabing aktibidad na sa pamamagitan nito ay maibabahagi ang kamalayan, ganda, at kwento sa ating mga kababayan kung gaano kahalaga ito sa paghulma sa kung anong meron tayo ngayon.

Source: Quezon PIO