Groundbreaking of 4-Storey Education Center for Division of Quezon (Phase 1) | July 13, 2023
Isa sa tinututukan ng pamahalaang panlalawigan ay maipagkaloob ang mga matitibay na imprastraktura para sa maayos na edukasyon ng mga kabataang Quezonian, kung kaya’t ngayong araw ng Huwebes, Hulyo 13 pinangunahan ni Governor Doktora Helen Tan ang Groundbreaking Ceremony ng 4-Storey Education Center for Division of Quezon (Phase 1) na ginanap sa Brgy. Talipan, Pagbilao, Quezon.
Ang school division office building na may kabuuang sukat na 3,079 square meters ay layong magbigay ng mas maayos na pasilidad para sa mga empleyado ng DepEd sa lalawigan, at nagkakahalaga ng P50 million na magmumula sa Special Education Funds (SEF). Mayroon ding fire protection system, solar panel system, water tank, CCTV, bagong transformer, public address system, bagong furnitures, at modular partition.
Sa unang palapag ay mayroong parking space para sa mga service vehicle ng DepEd Quezon at sa mga bisita. Mas magiging organisado at mabilis naman ang operasyon ng tanggapan sapagkat magkakasama na sa ikalawa at ikatlong palapag ang iba’t ibang sections and units. Magsisilbi namang training center ang ika-apat na palapag na magagamit ng mahigit 19K empleyado ng DepEd Quezon. Magiging mas maayos din ang kanilang pagsasanay sapagkat magiging dormitory din ang bahagi ng 4th floor para sa mga dadalo sa mga pagsasanay.
Samantala, pinasalamantan naman sina Provincial Engineer Johnny Pasatiempo at Consultant Engineer Cely Francia para sa kanilang masusing pagplaplano sa nasabing proyekto. Dumalo rin sa isinagawa seremonya si Mayor Gigi Fortez upang ipakita ang kanyang suporta.
Source: Quezon PIO