NEWS AND UPDATE

Pagbisita sa Sampaloc Medicare Center at Candelaria Municipal Hospital | August 15, 2023

Pagbisita sa Sampaloc Medicare Center at Candelaria Municipal Hospital | August 15, 2023

Sa pagsusumikap ng pamahalaang panlalawigan na makapaghatid ng magandang serbisyo medikal, binisita ni Governor Doktora Helen Tan ngayong Martes, Agosto 15 ang Sampaloc Medicare Center at Candelaria Municipal Hospital upang personal na inspeksyonin at malaman ang mga kinakailangang ayusin sa mga nasabing ospital.

Ang Sampaloc Medicare Center ay mayroong dalawang palapag at matatagpuan sa unang palapag ang Emergency Room, Administrative Office, Doctor’s Quarter, Wards and Laboratory. Mayroon ring Mobile X-Ray na ilalagay sa harapan ng ospital mula sa IPHO.

Samantala, ang Candelaria Municipal Hospital naman ay mayroong dalawang gusali, ang Phase 1 na may tatlong palapag at ang Phase 2 na may dalawang palapag.

Sa ngayon ay under construction pa rin ang mga ito ngunit tinitiyak ng pamahalaang panlalawigan katuwang ang Integrated Provincial Health Office (IPHO) at Provincial Engineering Office (PEO) na matatapos ang mga bagong pasilidad sa lalong madaling panahon upang higit pang mapagsilbihan ang mga nangangailangan ng serbisyo medikal sa nasasakupan nito.

Source: Quezon PIO

Congratulations, Polillo Dragonboat Team!!

Congratulations, Polillo Dragonboat Team!!

Pagbati at pagpupugay sa Polillo Dragonboat Association na nag-uwi ng apat na Bronze Medals mula sa ginanap na 16th IDBF World Dragon Boat Racing Championships sa Thailand nitong Agosto 16 hanggang 13.

Isang malaking karangalan para sa lalawigan at sa bawat Quezonian ang inyong tagumpay!

Source: Quezon PIO

Kalusugan sa Niyogyugan | August 15, 2023

Kalusugan sa Niyogyugan | August 15, 2023

Kaalinsabay sa pagdiriwang ng Niyogyugan Festival 2023, nagsagawa ngayong araw ng Martes, Agosto 15 ng libreng serbisyong medikal para sa ating mga Quezonian na ginanap sa Quezon Convention Center.

Sa pakikipagtulungan ng pamahalaang panlalawigan sa tanggapan ng Provincial Health Office (PHO) matagumpay na nabigyang pagkakataon na magpa-chest xray at magpaturok ng HPV (human papillovirus) vaccine, anti-pneumonia vaccine, at anti-covid 19 vaccine. Mayroon ding voluntary blood donation na makatutulong magdugtong ng buhay ng lubos na nangangailangan.

Personal naman nagbigay suporta na ginanap na aktibidad si Govermor Doktora Helen Tan kasama sina IPHO Head Dr. Kristin Mae-Jean Villaseñor, at Quezon Provincial DOH Development Management Officer IV Dr. Fatima Ocampo bilang kinatawan ni Quezon Provincial DOH Officer Dr. Juvy Paz Purino.

Lubos na pinasalamatan ng gobernadora ang Cullion Foundation Inc., Mount Carmel Diocesan General Hospital, Quezon Medical Center, Phil. Red Cross Lucena Chapter, Department of Health (DOH), Department of Health Development Regional Office 4-A, at iba pang ahensya na naging katuwang upang maisakatuparan ang aktibidad na ito.

#TaraNaSaQuezon

#NiyogyuganFestival2023

Source: Quezon PIO

Grand Parade Route – Float, Street Dancing Competition & Dance Showdown – August 19, 2023

Grand Parade Route – Float, Street Dancing Competition & Dance Showdown – August 19, 2023

Handa ka na ba para mapanood at mamangha sa mga nag-gagandahang Karosa at naggagalingang Street Dancers ng iba’t-ibang bayan ng lalawigan ng Quezon?

Saksihan ang Grand Parade ng #NiyogyuganFestival2023 sa darating na Sabado, ika-19 ng Agosto, 2023, ganap na ika-4 ng hapon.

Ang ruta ng parada ay magsisimula sa Kapitolyo, babaybayin ang Quezon Avenue, kakaliwa sa kalye ng M.L. Tagarao, at magtatapos sa Alcala Sports Complex kung saan naman gaganapin ang Sayaw ng Niyog Dance Showdown.

Samantala, ang mga Karosa naman ay maaaring makita ng publiko sa Pacific Mall mula 6:30 hanggang 8:00 ng gabi.

Tara na sa Quezon, Tara na sa Niyogyugan! 🌴🌴🌴

#TAraNasaQuezon

Source: Quezon PIO

MPBL 2023 Regular Season | August 14, 2023

MPBL 2023 Regular Season | August 14, 2023

Makapigil-hiningang panalo para sa ating koponan!!!

Source: Quezon PIO

Niyogyugan Job and Business Fair – August 16, 2023

Niyogyugan Job and Business Fair – August 16, 2023

Provincial Government of Quezon in Partnership with

Department of Labor and Employment presents

🔶🔷“2023 NIYOGYUGAN JOB AND BUSINESS FAIR”🔷🔶

August 16, 2023

📍Quezon Convention Center, Lucena City

BRING YOUR RESUME and a PEN.

For inquiries, you may call PESO landline (042) 373-4805 or 0933-868-5524

Source: Quezon Provincial PESO

Ika-57 Pangkaraniwang Pulong ng Sangguniang Panlalawigan ng Quezon | August 14, 2023

Ika-57 Pangkaraniwang Pulong ng Sangguniang Panlalawigan ng Quezon | August 14, 2023

Ginanap ngayong araw ng Lunes, Agosto 17 ang ika- 57 pangkaraniwang pulong sa Sangguniang Panlalawigan ng Quezon.

Nagtipon ang mga katutubong mamamayan, mga miyembro ng Non-Government Organisation, ilang mga kasamahan ng simbahan, at mga residente ng REINA sa pangunguna ni Conrado Vargas sa sesyon para sa usapin ukol sa Kaliwa Dam. Hiling ng mga ito ang suporta ng Sanggunian na mabigyan ng cease and desist order ang nasa likod ng ginagawang access road na bahagi ng proyektong itinatayo sa General Nakar at Infanta.

Binigyan ring pagkilala at parangal sa sesyon ang mga Philippine Councilor’s League ng apat na distrito na sina Kgg. Eduardo N. Alamo ng Lucban, Kgg. Demia P. Manghirang ng Sariaya, Kgg. Danilo P. Ilao ng Macalelon at Kgg. Prescilla Gina D. Magbuhos ng Gumaca para sa kanilang kahanga-hangang paglilingkod sa ating mga kalalawigan.

Samantala, para sa ikauunlad ng lalawigan ay inaprubahan ang mga ordinansa, resolusyon at executive orders ng mga bayan at munisipalidad.

Hindi hihinto ang sanggunian upang mabigyang katuparan ang lahat ng sinusumite ng mga lokal na pamahalaan para sa ikabubuti ng ating mga kababayan.

Source: Quezon PIO

Kalusugan sa Niyogyugan – August 15, 2023

Kalusugan sa Niyogyugan – August 15, 2023

Free Screening and Chest X-ray para sa ating mga kalalawigan sa Agosto 15, 2023, mula 8:00 ng umaga sa Quezon Convention Center, Lucena City.

Magregister lamang sa link na ito

https://tinyurl.com/Free-Screening-and-Chest-X-Ray

Hinihikayat ang lahat ng may 15 taong gulang pataas na:

1. Drivers ng Jeepney, Tricycle, at iba pa.

2. Kasama sa bahay na may sakit na TB

3. Dating may sakit na TB

4. Naninigarilyo at gumagamit ng vape

5. May sakit na diabetes

6. Mga taong may mahihinang resistensya

#TaraNaSaQuezon

#NiyogyuganFestival2023

Source: Quezon PIO

Coco Zumba Dance Contest | August 13, 2023

Coco Zumba Dance Contest | August 13, 2023

Bigay todo sa paggiling at pagkembot ang mga kababaihang kalahok sa isinagawang kauna-unahang Coco Zumba Dance Contest na ginanap kahapon, Agosto 13 sa Perez Park, Lucena City.

Ang apat na grupong kalahok sa kompetisyon ay mula sa apat na distrito ng Quezon at mga miyembro ng 4K, kung saan sila’y nagtagisan upang masungkit ang pagiging kampeon.

Nakiisa at nakisaya din sa nasabing kompetisyon si Governor Doktora Helen Tan kasama sina Board Member John Joseph Aquivido, 4K Provincial President Glenda Alpuerto, may bahay ni 3rd District Cong. Reynan Arogancia – Agnes Arogancia, at ilang municipal mayors.

Sa huli, ang mga nagwagi ay nakatanggap ng tropeo at cash prizes;

*Champion & Best in Costume – District 4

*1st runner up – District 2

*2nd runner up – District 3

*3rd runner up – District 1

Congratulations sa lahat ng mga nanalo!

#TaraNaSaQuezon

#NiyogyuganFestival2023

Source: Quezon PIO