NEWS AND UPDATE

62nd Regular Session of the Sangguniang Panlalawigan ng Quezon | September 19, 2023

62nd Regular Session of the Sangguniang Panlalawigan ng Quezon | September 19, 2023

Ginanap ngayong araw ng Lunes, Setyembre 19 ang ika- 62 pangkaraniwang pulong ng Sangguniang Panlalawigan ng Quezon.

Inaprubahan ang mga resolusyon, ordinansa at executive orders na makakatulong sa pagpapaunlad sa lalawigan ng Quezon.

Pagdating sa usaping pangkalusugan, isinulong sa pangatlong pagbasa ang ordinansa na makapagtatag ng isang komprehensibong programa sa kalusugan ng mata. Kinilala ang Quezon sa buong mundo sa International Eye Forum kamakailan ng Fred Hallows Foundation kaya naman masusing pinag aaralan ang usaping ito na layong makatulong sa ating mga kalalawigan. Bukod dito binanggit din ni Board Member John Joseph Aquivido ang planong makapagpatayo ng Provincial Eye Center sa Quezon Medical Center upang sa gayon ay matugunan na ang hinaing ng ibang mga mamamayan na walang sapat na kakayanan na makapagpatingin ng libre at at makapagpagawa ng kanilang mga mata.

Masusing tinalakay rin ang proyekto hingil sa transportasyon at ang kahilingan ng Pamahalaang Panlalawigan na makapagpasa ng resolusyon na nag aapruba sa South Luzon Expressway Toll Road 5 Project. Hangad naman ni Board Member Bong Talabong na mapag usapan pa ang proyektong ito.

Samantala aprubado rin sa sesyon ang sulat mula sa pamahalaang panlalawigan na makapag pasa ng resolusyon na nagbibigay pahintulot sa iminungkahing aktibidad ng Alternergy Tanay Wind Corporation na makapagpatupad ng wind farm project sa isla ng Alabat, Quezon at Perez.

Bumisita rin sa Sangguniang Panlalawigan si Quezon Province’s Official Candidate for Mrs. Queen of the World Philippines 2023 Mrs. Azel Delizo Lascano.

Source: Quezon PIO

Congratulations, Mrs. Ria Marelle A. Timbal – 2023 Outstanding Librarian of Quezon Province

Congratulations, Mrs. Ria Marelle A. Timbal – 2023 Outstanding Librarian of Quezon Province

Binabati ka namin Ginang Ria Marelle A. Timbal mula sa Quezon Provincial Library sa iyong pagiging 2023 Outstanding Librarian sa lalawigan ng Quezon na iginawad ng Librarians Association of Quezon Province-Lucena Inc. ( LAQueP-LInc.) kasabay ng pagdiriwang ika-17 anibersayo ng nasabing samahan nitong Setyembre 15 sa St. Joseph Academy Sariaya, Quezon.

Ikinararangal ka ng lalawigan ng Quezon! ✨

Source: Quezon PIO

Service Award for Retirees | September 18, 2023

Service Award for Retirees | September 18, 2023

“Hindi nyo na mararanasan ang pagiging strikto ko” ito ang pabirong pahayag ni Governor Doktora Helen Tan sa mga retiradong kawani ng kapitolyo ngayong araw ng Lunes, Setyembre 18.
Pinasalamatan ng gobernadora ang mga nagsipag retirong kawani para sa kanilang serbisyong ibinigay sa pamahalaang panlalawigan. Hinihiling at ipinagdadasal niya na mas magiging produktibo pa rin ang mga ito at nawa’y ang mga naipon na kaalaman at kasanayan ay magagamit pa rin.
Tatlumpo ang ginawaran ng service award na may kaakibat na cash prize na iginawad sa mga empleyado na naglingkot ng tuloy tuloy bilang permanent employees. Isa sa PG ENRO, tatlo sa Provincial Accounting, isa sa Provincial Agriculture’s Office, lima sa Engineering Office, isa General Services Office, isa sa Provincial Governors Office, isa sa Provincial Veterenary Office, dalawa sa Secretary to the Sangguniang Panlalawigan, isa sa chief of hospital alabat island district hospital, isa sa Bondoc Peninsula District Hospital, isa sa Claro M. Recto Memorial District Hospital, isa sa Dona Maria District Hospital, isa sa Guinyangan Medicare Hospital, isa sa Gumaca District Hospital, isa sa Pollilo Medicare Hospital, lima sa Integrated Provincial Health Office, isa sa San Francisco Municipal Hospital at isa San Narciso Municipal Hospital.
Mula sa Pamahalaang Panlalawigan ng Quezon maraming salamat sa inyong tapat na paglilingkod.

Source: Quezon PIO

3rd Quarter 2023 RPOC Meeting | September 15, 2023

3rd Quarter 2023 RPOC Meeting | September 15, 2023

Mainit na sinalubong si Regional Peace and Order Council CALABARZON Chairperson Governor Doktora Helen Tan sa kanyang pagbisita sa Camp BGen Vicente P Lim, Brgy. Mayapa, Calamba City, Laguna para sa isang mahalagang pagpupulong ngayong araw, Setyembre 15.

Idinaos sa Camp BGen Vicente P Lim ang RPOC 3rd Quarter Meeting, kung saan natalakay ang mga accomplishments nitong nagdaang quarter ng taon, mga programang makapagpapababa sa krimen, at mga kaparaanan upang patuloy na matiyak ang kaayusan, kaligtasan, at kapayaan sa buong Rehiyon.

Dumalo rin sa pagpupulong sina AFP-2ID Commander and RPOC Vice Chairman MGEN Roberto S Capulong, Deputy Regional Director for Administration PBGEN Gregory B Bogñalbal, DILG IV-A Regional Director Ariel O. Iglesia, Cavite Governor Jonvic Remulla, at iba pang kasapi ng konseho.

Source: Quezon PIO

Pormal na Pagbukas ng Kauna-unahang Mini Science Centrum sa Lalawigan ng Quezon | September 12, 2023

Pormal na Pagbukas ng Kauna-unahang Mini Science Centrum sa Lalawigan ng Quezon | September 12, 2023

Pormal nang binuksan ngayong araw, Setyembre 12 ang kauna-unahang Mini Science Centrum sa lalawigan ng Quezon.

Sa pagtutulungan ng Pamahalaang Panlalawigan sa pamumuno ni Governor Doktora Helen Tan, Department of Science and Technology (DOST), Lokal na pamahalaan ng Polillo, Philippine Foundation for Science and Technology (PFST) at Department of Education (DepEd), naisakatuparan na ang pagkakaroon ng Mini Science Centrum sa Polillo Central Elementary School.

Ang nasabing Science Centrum ay malaking tulong sa mga mag-aaral ng Polillo Group of Islands (Polillo, Burdeos, Panukulan, Patnanungan, Jomalig) upang mapa-unlad pa ang kaalaman ng mga kabataan sa Siyensya at Teknolohiya.

Ang isinagawang programa ay dinaluhan nina DOST Regional Director Emelita P. Bagsit, Mayor Angelique Bosque, Philippine Foundation for Science and Technology (PFST) founder and former DOST Sec. Fortunato T. Dela Peña, at DepEd CID Chief Lorena Walangsumbat.

Sa panahon ngayon na laganap na ang mga makabagong teknolohiya at paraan ng pagbibigay ng bagong kaalaman, hindi dapat napag-iiwanan ang mga nasa malalayong lugar gaya ng mga isla, dahil ang edukasyon ay isa pa rin sa matibay na pundasyon para sa tunay na pag-unlad ng mga kabataang Quezonian.

Source: Quezon PIO

61st Sangguniang Panlalawigan Regular Session | September 12, 2023

61st Sangguniang Panlalawigan Regular Session | September 12, 2023

Ginanap ngayong araw ng Martes, Setyembre 12 ang ika-61 pangkaraniwang pulong ng Sangguniang Panlalawigan ng Quezon.

Dahil sa pagnanais ng Sangguniang Panlalawigan na mapabuti ang mga mamamayan, inaprubahan ngayong araw ang mga ordinansa, resolusyon at atas tagapag paganap para sa ikauunlad ng lalawigan.

Aprubado ang liham ni Governor Doktora Helen Tan na makapasok sa isang negosasyon ng Pamahalaang Panlalawigan sa CALABARZON Center for Health Development (CHD) para sa Oplan Kalusugan sa DepEd (OKD) program.

Ngayong araw din inaprubahan ng Sanggunian na gawing special non working holiday ang November 4, 2023 bilang paggunita ng taon ng kamatayan ni Apolinario Dela Cruz o Hermano Puli.

Samantala bumisita sa sesyon si Jail Chief Inspector, Warden- Female Dorm Elaine D. Toledo upang ibahagi ang paksa patungkol sa jail services, ang kanilang mga ginagawang pagpapabuti at programa para sa mga taong pinagkaitan ng kalayaan sa loob ng piitan. Isa na rito ang Aftercare Program na sinusulong ng Bureau of jail Management para sa mga person deprived of liberty.

Pinakilala rin sa nasabing session ang mga bagong talagang Provincial Government Assistant Department Head for Administration and Legislation ng Sangguniang Panlalawigan na sina Maria Gracia B. Sorezon at Atty. Sunshine Abcede-Llaga (dating Lucena City Councilor).

Source: Quezon PIO

Pagbisita ng United Private Educational Institution of Quezon Inc. (UPEIQ) sa tanggapin ni Governor Doktora Helen Tan | September 11, 2023

Pagbisita ng United Private Educational Institution of Quezon Inc. (UPEIQ) sa tanggapin ni Governor Doktora Helen Tan | September 11, 2023

Ngayong araw ng Lunes, Setyembre 11, bumisita sa tanggapan ni Governor Doktora Helen Tan sa Pamahalaang Panlalawigan ang United Private Educational Institution of Quezon Inc. (UPEIQ).

Sila ay mayroong isang daan at walumpu’t dalawang miyembro (182) mula sa limang libong bilang ng mga guro sa pribadong paaralan. Sa mga kahilingan ng mga pribadong guro, sisikapin ng pamahalaan na ang mga ito ay matugunan upang maipadama na walang gurong maiiwan dahil lahat ay bibigyan ng importansya.

Sa susunod na taon (2024), magbibigay ng Masteral Scholarship Program ang Pamahalaang Panlalawigan para sa ilang mga pampubliko at pampribadong mga guro ng Lalawigan ng Quezon.

Source: Quezon PIO

Pagbisita ni Civil Defense Regional Director Carlos E, Alvares III sa tanggapan ni Governor Doktora Helen Tan | September 11, 2023

Pagbisita ni Civil Defense Regional Director Carlos E, Alvares III sa tanggapan ni Governor Doktora Helen Tan | September 11, 2023

Bumisita sa tanggapan ni Governor Doktota Helen Tan si Civil Defense Regional Director Carlos E. Alvares III at ang ilang mga kasamahan nito ngayong araw ng Lunes, September 11.

Para sa kaligtasan ng mga mamamayan, napag-usapan sa pulong ang pagpapatayo ng Evacuation Centers sa ilang mga bayan sa lalawigan ng Quezon partikular na ang bayan ng Patnanungan.

Sa pagbabalikatan ng Pamahalaang Panlalawigan at ng Office of the Civil Defense tiyak ang seguridad at proteksyon ng bawat Quezonian.

Source: Quezon PIO

Pagpugay at Pag-alala ng Sangguniang Panlalawigan ng Quezon si Namayapang Dating Board Member Hermilando J. Alcala Jr. ng Ikalawang Distrito | September 11, 2023

Pagpugay at Pag-alala ng Sangguniang Panlalawigan ng Quezon si Namayapang Dating Board Member Hermilando J. Alcala Jr. ng Ikalawang Distrito | September 11, 2023

Binigyang pugay at pag-alala ng Sangguniang Panlalawigan ng Quezon si namayapang dating Board Member Hermilando J. Alcala Jr. ng ikalawang distrito ngayong araw ng Lunes, September 11.

Si dating Board Member na mas kilala sa tawag na Ka-Eming ay nagserbisyo bilang Kabataang Barangay Chairman sa Brgy. Cotta noong 1975, naging Kabataang Barangay President sa lungsod ng Lucena noong 1978, Punong Barangay ng Cotta noong 2007- 2016, Presidente ng City Liga ng mga Barangay noong December 2013- June 2016 at naging miyembro ng Sangguniang Panlalawigan noong July 2016- June 2019.

Lubos na nakikiramay ang buong Pamahalaang Panlalawigan ng Quezon sa paglisan ni Kgg. Hermilando J. Alcala Jr.

Maraming Salamat sa katapatan at dedikasyon sa serbisyong iyong hatid para sa ating mga kalalawigan.

Source: Quezon PIO

3rd Quarterly meeting ng Provincial Development Council Via Zoom Video Conference | September 11, 2023

3rd Quarterly meeting ng Provincial Development Council Via Zoom Video Conference | September 11, 2023

Ginanap ngayong araw ng Lunes, September 11 ang 3rd Quarterly meeting ng Provincial Development Council Via Zoom Video Conference.

Pinangunahan ni Governor Doktora Helen Tan ang pulong na dinaluhan ng mga miyembro ng konseho mula sa iba’t ibang tanggapan at ahensya ng gobyerno ng lalawigan ng Quezon.

Isa sa mga tinalakay sa pulong ay ang ALQUEREZ Wind Power Project. Isang proyekto ng Alternergy Tanay Wind Corporation na nagkakahalaga ng tatlong bilyong piso na ang layunin ay mabigyan ng magandang serbisyo ang mga mamamayan sa isla ng Alabat, Quezon, at Perez.

Magkakaroon naman ng pagbabahagi ang Sectoral Committee sa mga usapin ukol sa social, economic, infrastructure, environmental, disaster risk reduction at development administration ng Pamahalaang Panlalawigan sa mga susunod na araw.

Source: Quezon PIO