NEWS AND UPDATE

Blessing of New Service Vehicles & Mobile Dental Clinic | January 22, 2024

Blessing of New Service Vehicles & Mobile Dental Clinic | January 22, 2024

TINGNAN: Isinagawa ngayong araw, Enero 22 ang pormal na pagbabasbas ng mga bagong sasakyan na magagamit ng iba’t ibang tanggpan sa pamahalaang panlalawigan upang masiguro na maihahatid ang mga serbisyong tutugon sa mga nangangailangang mamamayan ng Quezon.

Source: Quezon PIO

Distribution of Armchairs & Monoblock Chairs | January 22, 2024

Distribution of Armchairs & Monoblock Chairs | January 22, 2024

TINGNAN: Pinangunahan ni Governor Doktora Helen ang pamamahagi ng 10,000 armchairs at 5,000 monoblocks para sa mga paaralan ng iba’t-ibang bayan ng apat na distrito ng lalawigan ng Quezon.

Layon nitong makatulong upang mas maging komportable ang pag-aaral ng bawat estudyanteng hinahangad na makapagtapos para sa maayos na kinabukasan.

Source: Quezon PIO

Barangay Tanod Workers Convention 2024 | January 19, 2024

Barangay Tanod Workers Convention 2024 | January 19, 2024

“Kasunduan natin ngayong araw na ito na magiging aktibo kayo sa mga gawain upang maiwasan natin ang krimen sa inyong mga lugar”

Ito ang sinabi ni Governor Doktora Helen Tan sa ikalawang pagtitipon ng mga Barangay Tanod na ginanap ngayong araw ng Biyernes, Enero 19 sa Quezon Convention Center, Lucena City.

Dinaluhan ng 2,703 barangay tanod mula sa bayan ng Tayabas, Lucban, Sampaloc, Mauban, Pagbilao, Padre Burgos, Agdangan at Unisan ang aktibidad na inilaan bilang pagkilala at pagpapahalaga sa kanilang mga ginagampanang tungkulin at responsibilidad na mas maging maayos at mapayapa ang kanilang mga nasasakupang barangay.

Nakibahagi rin sa aktibidad na ito sina Vice Governor Third Alcala, Board Member Jerry Talaga, Board Member JJ Aquivido, Board Member Jacky Delimos, kinatawan ng Provincial Legal Office Atty. Angelica Naca, PLTCol Alexis Nava, at QPPO Legal Officer PLTCol Ric Colinio.

Sa huli, nagkaroon ng pagbabahagi ng kaalaman ukol sa basic peace keeping responsibility gayundin ng duties and functions and orientation of citizen’s arrest na tiyak na makakatulong para sa pagpapaunlad ng kanilang mga gampanin para sa ating mga kalalawigan.

Source: Quezon PIO

103rd National Executive Board Meeting of the Union of Local Authorities of the Philippines (ULAP) | January 18, 2024

103rd National Executive Board Meeting of the Union of Local Authorities of the Philippines (ULAP) | January 18, 2024

Dumalo si Governor Doktora Helen Tan sa 103rd National Executive Board Meeting of the Union of Local Authorities of the Philippines (ULAP) ngayong araw, Enero 18 sa Makati City, Metro Manila.

Ang ULAP ay isang organisasyon na binubuo ng mga pinuno ng Local Government Unit sa buong bansa upang patuloy na maisulong ang pagpapalakas sa kapasidad ng bawat LGU tungo sa mas maayos at epektibong pamamahala.

Source: Quezon PIO

Service Award for Retirees | January 17, 2024

Service Award for Retirees | January 17, 2024

Isang pagpupugay para sa ating mga nagretirong kawani ng Pamahalaang Panlalawigan ng Quezon!

Upang mabigyan ng pagkilala ang husay at dedikasyon ng kanilang mahabang panahon na paglilingkod para sa kagalingan ng lalawigan, ginawaran ng plake at insentibo ang 42 retirees mula sa iba’t-ibang tanggapan ng pamahalaang panlalawigan sa isinagawang programa ngayong araw, Enero 17.

Dinaluhan ito ni Governor Doktora Helen Tan kasama sina Provincial Administrator Manuel Butardo, Board Member Harold Butardo, HRMO Head Rowell Napeñas, PPDC Head Engr. Russel Narte, Provincial Treasurer Rosario Marilou Uy, at ibang pang punong tanggapan.

Hangad naman ng gobernadora na ang kanilang mga bitbit na kaalaman sa serbisyo ay maibabahagi at magsilbing inspirasyon sa mga kasalukuyang kawani.

Source: Quezon PIO

Quezon Tourism Planning and Development Committee Meeting | January 17, 2024

Quezon Tourism Planning and Development Committee Meeting | January 17, 2024

Sa paglalayon na makapagbuo at makapagsulong ng pangmatagalang mga programang pangturismo sa lalawigan, ginanap ang Quezon Tourism Planning and Development Committee Meeting ngayong araw ng Miyerkules, Enero 17.

Target ng nasabing komitiba na mas mapaganda, maisakatuparan ang tourism development plan na magpapakilala sa komunidad, kaugalian, kultura at sining ng lalawigan. Kasama ring napag-usapan na makilala ang lalawigan bilang agri-tourism destination sa taong 2034.

Binubuo ang QTPDC nina Governor Doktora Helen Tan, Provincial Tourism Officer Mr. Nesler Louies Almagro, at mga miyembro mula sa iba’t-ibang tanggapan ng pamahalaang panlalawigan, pribadong sektor, civil society unit, non-government organization, at mga kinatawan mula sa sektor ng edukasyon.

Source: Quezon PIO

Provincial Engineer’s Officer 56th Anniversary | January 17, 2024

Provincial Engineer’s Officer 56th Anniversary | January 17, 2024

TINGNAN: Pinasinayahan ni Gobernor Doktora Helen Tan ang pagdiriwang ng ika-56 Anibersaryo ng Provincial Engineer’s Office na may temang “Building Bridges Together: Fostering Unity Through Service, Empathy and Cooperation” sa Vista Verde Tayabas Homeowners Association, Inc. ngayong araw ng Miyerkules, Enero 17.

Nagbigay ng mensahe ng pagsuporta ang Gobernadora at nagpasalamat sa mahusay na paggampan sa tungkulin sa paghahatid ng mabilis, maayos at de-kalidad na serbisyo para sa mamamayan ng Quezon.

Source: Quezon PIO

Barangay Tanod Workers Convention 2024 | January 17, 2024

Barangay Tanod Workers Convention 2024 | January 17, 2024

Sa kauna-unahang pagkakataon, isinagawa ngayong araw ng Miyerkules, Enero 17 ang pagtitipon ng Barangay Tanod Workers na ginanap sa Quezon Convention Center, Lucena City.

Nagmula sa ikalawang distrito ng lalawigan ang 2,689 Barangay Tanod na dumalo at nakisaya sa ginanap na programang layon na mabigyang kilala ang kahalagahan ng kanilang ginagampanan tungkulin sa pagpapanatili ng maayos at mapayapang pamumuhay ng mga Quezonian.

Binigyang diin ni Governor Doktora Helen Tan na mahalagang makipagtulungan ang bawat Barangay Tanod sa mga law enforcement agencies upang maisakatuparan ang hinahangad na katiwasayan sa buong lalawigan, kung kaya’t pinalalahanan ng gobernadora na dapat nilang seryosohin ang kanilang tungkulin.

Nakiisa naman sa nasabing programa sina Vice Governor Third Alcala, 2nd District Board Member Vinnette Alcala-Naca, at nagpaabot din ng mensahe ng pagsuporta si QPPO Provincial Director PCOL Ledon Monte na kinatawanan ni Deputy Provincial Director Admin PLTCOL Alexis Oliver Nava.

Samantala, nagkaroon ng lektura ukol sa iba’t-ibang paksang mapakikinabangan ng mga Barangay Tanod pagdating sa paggampan ng kanilang tungkulin at nagbigay saya din sa lahat ang isinagawang raffle draw.

Source: Quezon PIO

Visitation of LTO District Office, Northern Quezon Auditorium & Total Care Dialysis Center | January 16, 2024

Visitation of LTO District Office, Northern Quezon Auditorium & Total Care Dialysis Center | January 16, 2024

Nagkaroon ng site visitation si Governor Doktora Helen Tan sa ipinatayong Land Transportation District Office, Northern Quezon Auditorium at Total Care Dialysis Center sa bayan ng Infanta ngayong araw ng Martes, January 16.

Ito’y upang masiguro na mananatili ang kaayusan at kalidad ng mga gusali na lubos na mapakikinabangan ng ating mga kalalawigan.

Asahan naman isa sa patuloy na tutukan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Quezon ang mga proyektong pang-imprakstura sa pamamagitan na rin ng pakikipagbalikatan sa nasyunal at lokal na pamahalaan.

Source: Quezon PIO

Awarding Ceremony and Signing of USUFRUCT Agreement & Groundbreaking of BALIKATAN Village | January 16, 2024

Awarding Ceremony and Signing of USUFRUCT Agreement & Groundbreaking of BALIKATAN Village | January 16, 2024

“Ang aming tungkulin ay patunayan sa inyo na hindi kayo nagkamali sa inyong desisyon.”

Ito ang sinabi ni Governor Doktora Helen Tan sa ginanap na Signing of Usufruct Agreement, Groundbreaking of Balikatan Village and Distribution of Assistance to ECLIP Beneficiaries sa bayan ng General Nakar ngayong araw ng Martes, January 16.

Sa inisyatibo ng Pamahalaang Panlalawigan ng Quezon katuwang ang Department of Internal Labor Group (DILG), ang nasabing itatayong BALIKATAN Village (BAhay at Lingap para sa KAbabayang Tumugon At Nagbalik-loob sa Pamahalaan) ay layong magbigay ng maayos at mapayapang pamumuhay para sa ating mga kababayang nagbabalik loob sa pamahalaan.

Nakapaloob din sa proyektong ito ang Phase 1 ng Half-Way House facility na may sukat na 150 square meter, at nagkakahalaga ng limang milyong piso mula sa trust fund ng DILG.

Dinaluhan naman ang isigawang aktibidad nina Mayor Eliseo “Esee” R. Ruzol, QPPO Provincial Director PCOL. Ledon Monte, DOLE Quezon Provincial Director Edwin Hernandez, DILG IV-A Regional Director Ariel Iglesia, DILG Quezon Provincial Director Abigail Andres, at Philippine Army 2ID Commander MGEN Roberto Capulong.

Samantala, sa parehong araw ay ibinahagi sa dalawampu’t pitong ECLIP beneficiaries ng DILG ang financial assistance, at mga karagdagang gamot mula sa Pamahalaang Panlalawigan ng Quezon.

Source: Quezon PIO