Training on Value Formation and Parliamentary Procedure | June 20, 2025
Pagsasanay sa Value Formation at Parliamentary Procedure, Inilunsad para sa mga Magniniyog sa Quezon
Sa pangunguna ng Office of the Provincial Agriculturist – Coconut Development Division ay matagumpay na inilunsad ang isang makabuluhang pagsasanay ukol sa Value Formation at Parliamentary Procedure para sa 20 farm leaders mula sa Pederasyon ng Samahan ng mga Magniniyog sa Quezon (PSMQ), nitong ika-11 ng Hunyo 2025 sa Cortijo de Palsabangan Resort, Pagbilao, Quezon.
Ang layunin ng programa ay malinaw: maisulong ang maayos at sistematikong daloy ng pagpupulong, mapanatili ang kaayusan at disiplina sa loob ng samahan, at maisakatuparan ang demokratikong proseso ng pagpapasya. At higit sa lahat, palalimin ang kanilang kaalaman sa mga pagpapahalagang dapat isabuhay ng isang tunay na pinuno – integridad, malasakit, respeto, at pagiging huwaran sa komunidad.
Sa pamamagitan ng serye ng mga talakayan, workshops, at aktwal na pagsasanay, mas naunawaan ng mga kalahok ang kahalagahan ng parliamentary procedure bilang pundasyon ng isang maayos at makatarungang organisasyon. Bukod dito, naging sentro rin ng diskusyon ang kahalagahan ng pagkakaroon ng disiplina, pagkakaisa at pananagutan—mga katangiang kailangang-kailangan ng mga lider sa panahon ngayon.
Marami sa mga dumalo ang nagpahayag ng kanilang pasasalamat at inspirasyon matapos ang pagsasanay. Para sa kanila, hindi lamang ito isang seminar kundi isang paalala ng kanilang misyon bilang mga lider na ang kanilang pamumuno ay may kakambal na responsibilidad na magsilbing ilaw at gabay sa kanilang mga miyembro.
#coconutproduction #capacitybuilding #OPAQuezon
Quezon PIO / Prov. Agri