
Local Recruitment Activity katuwang ang Philippine Seven Corporation (7-Eleven) | May 5, 2025
Matagumpay na naisagawa ng Quezon Provincial PESO ang Local Recruitment Activity katuwang ang Philippine Seven Corporation (7-Eleven) noong ika-23 ng Abril, 2025 na ginanap sa Bulwagang Kalilayan, Governor’s Mansion Grounds, Lucena City, Quezon Province. Ang nasabing aktibidad ay dinaluhan ng mga aplikante na nagmula sa mga bayan at munisipalidad sa lalawigan gaya ng Lucena, Tayabas, Mauban, Pagbilao at Sariaya.
Sa kabuuan ay mayroong dalawampu’t walong (28) registered applicants na kinabibilangan ng labing-isang (11) lalaki at labingpitong (17) babaeng aplikante na nakibahagi sa aktibidad. Nakapagtala ng labing-isang (11) Hired-on-the-Spot Jobseekers para sa posisyong Operations Management Trainees. Ang mga kwalipikadong aplikante ay sasailalim sa pagsasanay upang mas mahasa at maihanda sila sa aktuwal na pagtatrabaho at pamamahala sa operasyon.
Patuloy ang Pamahalaang Panlalawigan ng Quezon sa pamamagitan ng Quezon Provincia PESO sa pagsasakatuparan ng mga makabuluhang programa at aktibidad na mag-uugnay sa mga job opportunities at
jobseekers.
For more details, visit this link: https://www.facebook.com/share/p/15RiV5qf1J/
#QuezonProvince
Quezon PIO