NEWS AND UPDATE

New Year’s Call with Quezon Police Provincial Office | January 15, 2023

New Year’s Call with Quezon Police Provincial Office | January 15, 2023

Ginanap ngayong araw ng Lunes, Enero 15 ang New Year’s Call kay Gobernor Doktora Helen Tan ng mga kapulisan ng Quezon Police Provincial Office sa pangunguna ni Provincial Director PCOL Ledon Monte.

Kabilang din sa dumalo sa maikling programa sina Training Center, RTC CALABARZON Chief PCOL Marlon Rufo at NAPOLCOM CALABARZON Regional Director Atty. Owen De Luna.

Ibinahagi ng Quezon PPO ang kanilang Annual Accomplishments para sa taong 2023, kabilang dito ang laban kontra terorismo, ilegal na droga, krimen, gambling, ilegal na pangangahoy at pangingisda at ang mga hakbang na naisagawa sa pagpapanatili ng kaayusan at katahimikan sa lalawigan.

Nais ng Gobernadora na mas paigtingin pa ng mga kapulisan ang seguridad at pagpapatupad ng mga batas sa bawat bayan sa lalawigan upang mas mapababa pa ang bilang ng mga krimen at mga hindi inaasahang insidente.

Sa huli, pinangunahan ni Gobernor Doktora Helen Tan ang Ceremonial Toast bilang simbolo ng mas pinatibay na paghahatid ng maayos na serbisyo para sa ligtas at payapang lalawigan ng Quezon.

Source: Quezon PIO

Quezon’s Assessment & Strategic Planning 2024 | January 11, 2024

Quezon’s Assessment & Strategic Planning 2024 | January 11, 2024

Nagtipon-tipon ang lahat ng punong tanggapan ng Pamahalaang Panlalawigan ngayong araw ng Huwebes, Enero 11 upang isagawa ang assessment ukol sa mga matatagumpay na serbisyo, programa at proyektong naisakatuparan nitong taong 2023.

Masusi ring inilatag ang mga planong serbisyong handog ng bawat tanggapan ngayong taong 2024 na layong makatulong upang mas maiangat at mas maging maayos ang kalagayan ng pamumuhay ng mga mamamayan sa lalawigan ng Quezon.

Source: Quezon PIO

NGCP Advisory – January 11, 2924

NGCP Advisory – January 11, 2924

Scheduled power interruption in parts of Laguna and Quezon province on Thursday, January 11, 2024.

Schedule: 05:00AM to 07:00AM and 04:00PM to 06:00PM

Affected: FLECO and QUEZELCO II

Reason: Shutdown of Lumban-Famy-Comon 69kV Line requested by FLECO to replace and energize power circuit break at its Pakil Substation

Specific affected areas are determined by the Electric Cooperative.

LAB FOR ALL – Laboratoryo, Konsulta at Gamot Para sa Lahat | January 09, 2024

LAB FOR ALL – Laboratoryo, Konsulta at Gamot Para sa Lahat | January 09, 2024

Makabuluhang sinimulan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Quezon ang panibagong taon ng paglilingkod, matapos ilunsad ngayong araw, Enero 9 sa Quezon Convention Center, Lucena City ang “Lab for All: Labaratoryo, Konsulta, at Gamot Para sa Lahat” program sa pangunguna ni First Lady Liza Araneta-Marcos.

Ang nasabing programa ay bahagi ng pagkilala ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa kahalagahan ng pagbibigay prayoridad sa karapatang pangkalusugan ng bawat Pilpino upang makamit ang isang matatag na bansa.

Tinatayang 3,000 Quezonian ang nabigyan ng mga libreng serbisyong medikal gaya ng pisikal at medikal na eksaminasyon, libreng gamot, libreng konsultasyon, at mga pangunahing pagsusuri sa laboratoryo tulad ng ultrasound, blood chemistry, ECG, at digital x-ray.

Lubos ang pasasalamat ni Governor Doktora Helen Tan sapagkat malaki ang kapakinabangan ng Lab for All project para sa implementasyon ng Universal Health Care Act na patuloy na pinatutunan ng pansin upang maibigay ang dekalidad at abot-kayang serbisyong pangkalusugan sa kanyang mga kalalawigan na nangangailangan.

Samantala, nakasama sa ginanap na programa upang magbigay suporta sina PhilHealth President and CEO Emmanuel Ledesma Jr., DOH Secretary Teodoro Herbosa, Public Attorneys Office (PAO) Chief Persida Rueda Acosta, DSWD Secretary Rex Gatchalian, FDA Director General Samuel Zacate, TESDA Secretary Suharto Mangudadatu, Vice Governor Third Alcala, 4th District Congressman Atorni Mike Tan, at 3rd District Congressman Reynan Arrogancia.

Dumalo rin sina Batangas Governor Hermilando Mandanas, Pampanga Vice Governor Lilia Pineda, at mga opisyales ng lokal na pamahalaan ng Quezon.

Source: Quezon PIO

Flag Raising Ceremony Hosted by the Provincial Government Department Heads | January 08, 2023

Flag Raising Ceremony Hosted by the Provincial Government Department Heads | January 08, 2023

Sa pagpasok ng panibagong taon ng pagseserbisyo, pinangunahan ng mga punong tanggapan ang ginanap na regular na pagtataas ng watawat ng Pilipinas ngayong araw ng Lunes, Enero 8.

Ibinahagi na target ng Pamahalaang Panlalawigan na maging progresibo at malusog na lalawigan ang Quezon upang maging pangunahing agri-tourism destination sa CALABARZON, at target itong makamit sa taong 2030.

Naihayag ni Governor Doktora Helen Tan na kanyang hangad na mas paigtingin pa ang pakikipag-ugnayan ng bawat empleyado sa bawat isa, at sa mga mamamayang pinaglilingkuran ng mga ito upang mas mapaganda at maging epektibo ang klase ng pamamaran ng serbisyong handog para sa taong ito. Kanya namang pinasalamatan ang mga department heads at Sangguniang Panlalawigan sa kahanga-hangang paglilingkod.

Sa huli, ginawaran ang Pamahalaang Panlalawigan ng Regional Gawad Parangal NTFL Cup award ng National Task Force Group para sa maunlad na pagbabago at mahusay na serbisyo nito para sa ating mga kalalawigan.

Source: Quezon PIO

Pagbisita ni DOH Secretary, Dr. Teodoro “Ted” Herbosa sa pamunuan ng Quezon Provincial Hospital Network – Quezon Medical Center | January 08, 2024

Pagbisita ni DOH Secretary, Dr. Teodoro “Ted” Herbosa sa pamunuan ng Quezon Provincial Hospital Network – Quezon Medical Center | January 08, 2024

Binisita ni DOH Secretary, Dr. Teodoro “Ted” Herbosa ang pamunuan ng Quezon Provincial Hospital Network – Quezon Medical Center (QPHN-QMC) ngayong araw, Enero 8 kung saan kanyang binigyang pugay ang kanilang pagkamit bilang kaunahang Provincial Hospital sa Pilipinas na DOH Level III at ISO Certificitation.

Malugod namang pinaunlakan ni Governor Doktora Helen Tan ang pagdating ni DOH Sec sa lalawigan ng Quezon kasama sina QPHN-QMC Chief of Hospital Dr. Jeff Villanueva, PHO Head Dr. Kristin Mae-Jean Villaseñor, mga doktor, nurses, at ilang kawani ng nasabing ospital.

Source: Quezon PIO

1st Quarter PPOC Meeting | January 08, 2024

1st Quarter PPOC Meeting | January 08, 2024

Ginanap ngayong araw ng Lunes, Enero 8 ang first quarter meeting ng Provincial Peace and Order Council (PPOC) para sa taong 2024 sa pangunguna ni Governor Doktora Helen Tan.

Dinaluhan ang nasabing pagpupulong via zoom ng mga kawani mula sa iba’t-ibang tanggapan sa buong lalawigan na may kaugnayan sa kaayusan at katahimikan.

Tinalakay ang ilang mga ulat patungkol sa Anti-Criminality, Anti-Insurgency, Public Safety at ang mga planong nais na magawa pa ng naturang konseho para sa taong 2024.

Patuloy ang pakikipagbalikatan at pagsisikap ng Pamahalaang Panlalawigan upang mapanatili ang ligtas at maayos na komunidad para sa buong lalawigan ng Quezon.

Source: Quezon PIO

Ika-77 Pangkaraniwang Pulong ng Sangguniang Panlalawigan ng Quezon | January 03, 2024

Ika-77 Pangkaraniwang Pulong ng Sangguniang Panlalawigan ng Quezon | January 03, 2024

Ginanap ngayong araw ng Miyerkules, Enero 3 ang kauna-unahang sesyon ng taon, ang ika- 77 Pangkaraniwang Pulong ng Sangguniang Panlalawigan ng Quezon.

Isinangguni at pinasyahan sa pagpupulong ang mga liham kabatiran ng kapulungan, mga ordinansang bayan, resolusyon at mga atas tagapag paganap kung saan iniligay ang mga ito sa wastong komitiba upang maaprubahan at maging kapakipakinabang para sa bawat mamamayan ng lalawigan ng Quezon.

Aprubado naman sa pangalawang pagbasa ang ordinansang bayan ng Infanta na nagtatatag at nagpapatupad ng pagpaparehistro ng mga nagmamay-ari ng makinarya at kagamitan sa agrikultura at pangisdaan.

Samantala, masusing napag-usapan ang saklaw na benepisyo ng PhilHealth matapos ang naging karanasan ni Board Member Roderick Magbuhos sa natanggap nitong claim kamakailan, at humiling ng kapaliwanagan mula sa mga opisyal nito upang magkaroon ng mas matibay na sandigan ang bawat mamamayan at tamang benepisyo na dapat matanggap ng mga miyembro.

Source: Quezon PIO

Rizal Day | December 30, 2023

Rizal Day | December 30, 2023

Ngayong araw, Disyembre 30, ay ating ginugunita ang ika-127 taong kamatayan ng ating pambansang bayani na si Dr. Dr. Jose’ Protacio Rizal Mercado y Alonso Realonda o mas kilala bilang Dr. Jose Rizal.

Ating pahalagahan ang legasiyang kanyang iniwan at patuloy nating gawing inspirasyon ang kanyang kaalaman, pagkamakabayan, at ang kalayaan na kanyang ipinaglaban para sa mga susunod pang henerasyon ng mga Pilipino.

Source: Quezon PIO