NEWS AND UPDATE

Women’s Month Celebration 2024 | March 10, 2024

Women’s Month Celebration 2024 | March 10, 2024

Kaugnay pa rin sa pagdiriwang ngayong taon ng Women’s Month, masiglang nagsama-sama ngayong araw, Marso 10 sa bayan ng Gumaca ang 4,100 na kababaihan na nagmula sa Bondoc Peninsula.

Nakiisa sa ginanap na programa si Governor Doktora Helen Tan kasama sina Vice Governor Third Alcala, 3rd District Congressman Reynan Arrogancia, Board Member John Joseph Aquivido, PSWDO Head Sonia Leyson, at ilang punong bayan ng ikatlong distrito.

Naibahagi naman ng gobernadora ang hangarin na mawakasan ang pang-aabuso sa mga kababaihan gayundin sa mga bata, kung kaya’t patuloy ang kanyang pagsisikap sa pagsulong ng mga polisiya at programa na magbibigay proteksyon sa mga ito.

Upang mas magbigyang inspirasyon at kaalaman ang mga kababaihan na dumalo, nakasama rin bilang motivational speaker Mr. Chinkee Tan, at nagkaroon din ng raffle draw kung kanilang masayang naiuwi ang iba’t-ibang papremyo.

Source: Quezon PIO

Medalya ng Karangalan 2024

Medalya ng Karangalan 2024

Mga Kalalawigan, muling nagbabalik ang pinaka-prestihiyosong parangal para sa natatanging anak ng lalawigan ng Quezon, ang “QUEZON MEDALYA NG KARANGALAN.”

Ang QMK ay iginagawad upang gunitain ang buhay ng dating pangulong Manuel L. Quezon at ipinagkakaloob sa mga indibidwal na nagpamalas ng angking galing at kontribusyon sa mga larangan ng;

• Public Service

• Health and Science

• Humanities and Philanthropy

• Agriculture

• Environment

• Education

• Sports

• Culture, Music, and the Arts

Nahahati sa dalawang katekorya ang nasabing parangal:

1. Quezon Gintong Medalya ng Karangalan Life Achievement Award – iginagawad sa Quezonian na nagpamalas ng katangi-tanging husay na kinikilala sa national at international field sa kanilang larangan dahil sa mahalagang kontribusyon nito.

2. Quezon Medalya ng Karangalan Special Achievement Award – iginagawad sa mga Quezonian na nagpamalas ng katangi-tanging kontribusyon na kinikilala sa local at provincial field ng kanilang larangan.

Kung ikaw ay isa sa kwalipikadong Quezonian na nabanggit, bukas na ang nominasyon para sa parangal hanggang Mayo 31, 2024.

Magfill-up lamang sa sumusunod na link: https://bit.ly/3IctXsj

Para naman sa ibang katanungan at impormasyon, makipag-ugnayan sa Quezon Provincial Tourism Office.

Source: Quezon PIO

Palarong Quezon 2024 | March 08-09, 2024

Palarong Quezon 2024 | March 08-09, 2024

TINGNAN: Mga kaganapan sa una at ikalawang araw ng PALARONG QUEZON 2024 na ginanap sa bayan ng Atimonan, kung saan kanya-kanyang pagpupursigi at diskarte ang ipinamalas ng mga atletang Quezonian upang maiuwi ang tagumpay sa larangan ng iba’t-ibang isports.

Abangan naman ang opisyal na pag-aanunsyo ng mga nanalong manlalaro o koponan sa bawat isports mamayang alas tres ng hapon, Marso 10 sa Atimonan Central Elementary School Grounds.

Women’s Month Celebration 2024 | March 09, 2024

Women’s Month Celebration 2024 | March 09, 2024

Bilang pakikisa ng Pamahalaang Panlalawigan ng Quezon sa pagdiriwang ng Women’s Month ngayong taon, sunod na nagsagawa ng programang nagbigay saya sa 6,174 kababaihan na mga nagmula sa ika-apat na distrito ngayong araw, Marso 9 na ginanap sa bayan ng Gumaca.

Masayang binigyang-pugay ni Governor Doktora Helen Tan ang kahalagahan ng ginagampanang papel ng mga kababaihan sa lipunan na nagpapatunay ng kanilang kakayahan at kagalingan na makipagsabayan sa ano mang uri ng larangan.

Kasama namang nagbigay suporta sa nasabing progama sina Vice Governor Third Alcala, 4th District Congressman Atorni Mike Tan, Board Member Angelo Eduarte, Board Member Derick Magbuhos, at ilang punong bayan ng ika-apat na distrito ng lalawigan ng Quezon.

Samantala, handog din sa mga kababaihan ang talakayan na tiyak na kanilang mapakikinabangan na ibinahagi ni Mr. Chinkee Tan, at umuwing may mga ngiti sa labi dahil sa mga pampremyo sa isinagawang raffle draw.

Source: Quezon PIO

On-Job-Training (Work Immersion) of Quezon National High School Grade 12 Students | February 26 – March 08, 2024

On-Job-Training (Work Immersion) of Quezon National High School Grade 12 Students | February 26 – March 08, 2024

Sa pamamagitan ng Quezon Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office ay natapos ng mga Grade 12 students mula sa Quezon National High School ang kanilang Work Immersion (80 oras).

Nabigyan ng mga kaalaman ang mga estudyante tungkol sa DRRM at naturuan ng paunang lunas bilang kahandaan sa anumang uri ng sakuna.

Ang pasasalamat ng aming tanggapan sa kanilang dedikasyon at kooperasyon sa mga gawaing itinalaga sa kanila.

Source: Quezon PDRRMO

First Aid Protocol for University Drivers | March 09, 2024

First Aid Protocol for University Drivers | March 09, 2024

Sa pamamagitan ng Quezon Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office ay nagsagawa ng pagsasanay tungkol sa paunang lunas para sa mga University Drivers ng MSEUF (Manuel S. Enverga University)

Layunin nito na matuto at madagdagan ng kanilang kaalaman at kahandaan sa pamamagitan ng pagbibigay ng paunang lunas bilang pagtugon sa anumang uri ng sakuna sa kanilang eskwelahan at komunidad.

Source: Quezon PDRRMO

Palarong Quezon 2024 – 2024 Division Marching Lyre Band Competition | March 08, 2024

Palarong Quezon 2024 – 2024 Division Marching Lyre Band Competition | March 08, 2024

Sa opisyal na pag-uumpisa ng tunggalian ng mga atletang Quezonian sa iba’t-ibang larangan ng isports sa Palarong Quezon 2024, kitang-kita ang nag-aalab na determinasyon ng bawat isa upang manalo.

Kabilang sa naging patimpalak nitong araw ng Marso 8 ay ang ginanap na Marching Lyre Band Competition kung saan nahati sa dalawang kategoryo (Elementary at Secondary) ang pitong grupo mula sa iba’t-ibang paaralan ng apat na distrito ng lalawigan ng Quezon.

Narito ang mga nanalo na nagpakitang gilas sa pagtutug ng mga instrumento:

ELEMENTARY CATEGORY

* Champion – Tagkawayan Central Elementary School

* 1st runner-up – Paaralang Elementariya ng Lucban I

* 2nd runner-up – San Narciso Central Elementary School

* 3rd runner-up – Bulakin Elementary School

SECONDARY CATEGORY

* Champion – Malinao National High School

* 1st runner-up – Adela S. Torres National High School

* 2nd runner-up – Elias A. Salvador National High School

Congratulations sa bawat kabataang patuloy na namamayagpag ang husay sa iba’t-ibang larangan ng pampalakasan!

Source: Quezon PIO

Evacuation Drill and Fire Drill for Quezon Science High School | March 08, 2024

Evacuation Drill and Fire Drill for Quezon Science High School | March 08, 2024

Sa pamamagitan ng Quezon Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office ay nagsagawa ng Evacuation Drill at Fire Drill na ginanap sa Quezon Science High School (QSHS Disaster Risk Reduction Management Team)

Layunin ng nasabing aktibidad na matuto, madagdagan ng kaalaman, at masiguro ang kaligtasan ng mga mag-aaral at guro ng eskwelehan bilang kahandaan sa anumang uri ng sakuna tulad ng lindol at sunog.

Source: Quezon PDRRMO

Palarong Quezon 2024 – Grand Opening Ceremonies | March 08, 2024

Palarong Quezon 2024 – Grand Opening Ceremonies | March 08, 2024

Mabuhay ang mga Atletang Quezonian!

Umarangkada na ngayong araw, Marso 8 ang opisyal na pagsisimula ng PALARONG QUEZON 2024 na may temang “Pinasiglang Isports at Pinalakas na Atletang Quezonian para sa Matatag na Bayan” na ginanap sa Atimonan Central Elementary School.

Sa pangunguna ng DepEd Quezon Division Office, masayang nakiisa si Governor Doktora Helen Tan sa nasabing pagbubukas ng kompetisyon na kung saan ay magbabakbakan sa iba’t-ibang larangan ng isports ang mga batang manlalaro mula sa mga bayan ng apat na distrito ng lalawigan ng Quezon.

Naging parte ng isinagawang seremonya ang parada at presentasyon ng mga delegado kada athletic units, at sinundan din ng pagsindi ng torch of unity.

Suportahan natin ang bawat atletang Quezonian na makikipagtungalian sa larangan ng pampalakasan hanggang Marso 10 na gaganapin sa iba’t-ibang pasilidad sa bayan ng Atimonan, Quezon.

Source: Quezon PIO