
Blessing of Chapel & Multi-purpose Covered Court | February 02, 2024
Mapagpala ang araw na ito sapagkat magkasunod na pinasinayaan ang mga pagawaing imprastraktura sa bayan ng San Antonio ngayong ika-2 ng Pebrero.
Pinangunahan ni Governor Doktora Helan Tan ang pagpapasinaya sa bagong Chapel sa Barangay Pulo sa bayan ng San Antonio at magagamit na ng mga residente nito upang taimtim na manalangin at mapagdausan ng misa.
Gayundin ang bagong covered court sa Barangay Buliran na malaking pakinabang upang magamit sa iba’t ibang aktibidad.
Nakasama ng ina ng lalawigan si Mayor Ariel M. Wagan Jr. at mga myembro ng Sangguniang Bayan at Barangay.
Ang mga nasabing gusali ay mula sa Sariling Sikap Program ng ina ng lalawigan na patuloy na gumagawa ng paraan upang mailapit ang serbisyo saan mang sulok ng barangay sa ating lalawigan.
Source: Quezon PIO