NEWS AND UPDATE

PCPC Quarterly Meeting – Provincial Council for the Protection of Children | December 07, 2023

PCPC Quarterly Meeting – Provincial Council for the Protection of Children | December 07, 2023

Isinagawa ngayong araw, December 7 sa Kalilayan Hall, Lucena City ang 4th Quarter Meeting ng Provincial Council for the Protection of Children (PCPC) sa pangunguna ni Chairperson of Committee on Social Services & 2nd District Board Member Vinnette Alcala-Naca.

Tinalakay sa pagpupulong ang pagpasa ng resolution 2023-04 na naglalayong matulungan ang mga kabataang Badjao na sumasakay ng jeep sa lungsod ng Lucena at Tayabas. Gayundin, ang iba pang usapin upang maisaayos at bigyang proteksyon ang mga kabataan sa Lalawigan ng Quezon.

Source: Quezon PIO

Kapihan sa PIA 7th Anniversary | December 06, 2023

Kapihan sa PIA 7th Anniversary | December 06, 2023

Ngayong araw ng Miyerkules, Disyembre 6 ipinagdiwang ng Philippine Information Agency – Quezon ang ika-7 Anibersaryo ng Kapihan sa PIA kung saan naimbitahan si Governor Doktora Helen Tan na siya namang kinatawan ni Provincial Information Officer Jun Lubid upang ihatid ang mensahe para sa mga mamamahayag sa lalawigan.

Ayon sa mensaheng ipinarating ng Gobernadora, mahalaga ang paghahatid ng totoo at tamang impormasyon upang magkaroon ng maayos at epektibong pamamahala, kung kaya’t nagpasalamat ang Ina ng lalawigan sa PIA – Quezon sa pagiging matibay na kabalikatan ng Pamahalaang Panlalawigan sa pagbibigay ng tama at napapanahong impormasyon para sa mga mamamayan sa Quezon.

Dinaluhan ang maikling programa na ginanap sa 3F Pacific Mall, Lucena City nina Information Communications Manager of PIA – Quezon Lito Giron, BJMP Quezon District Warden (Kapihan sa Piitan) JSUPT Jack Lord Carino, PIA – Calabarzon Public Information Officer I Mark Bryan Lito, Radyo Pilipinas Lucena Station Manager Mayette Balquiedra, Lucena Public Information Officer Mignon Tan at ang ilang mga Media Partners sa buong lalawigan ng Quezon.

Source: Quezon PIO

Lingkod Parangal sa Paghahayupan Awarding Ceremony | December 06, 2023

Lingkod Parangal sa Paghahayupan Awarding Ceremony | December 06, 2023

Matagumpay na pinangasiwaan ng Office of the Provincial Veterinarian ang isinagawang launching ng aktibidad na “Lingkod Parangal sa Paghahayupan” Awarding Ceremony na ginanap nitong ika-6 ng Disyembre sa Queen Margarette Hotel, Lucena City. Ito ay upang bigyang pugay at parangal ang mga LGUs at kanilang mga Offices of the Municipal/City Agriculturist/Veterinarian sa patuloy na pagsuporta sa tanggapan para mapaunlad pa ang industriya ng paghahayupan sa lalawigan ng Quezon.

Bilang pasimula ng programa, ay nagbigay ng nakapagpapasiglang mensahe si Provincial Veterinarian, Dr. Flomella A. Caguicla, kung saan pinasalamatan niya ang pagsisikap ng mga LGUs upang magampanan ang kanilang mga responsibilidad na may kaugnayan sa paghahayupan. Pagkatapos ay ipinaliwanag din niya ang konsepto ng nasabing aktibidad. Samantala, nagpa-abot rin ng pagbati ang napakasipag na ina ng lalawigan, si Gov. Angelina “Doktora Helen” Tan, sa pamamagitan ng isang video message.

Sa unang bahagi ng programa, ay nakatanggap ng Sertipiko ng Pagpapahalaga ang mga LGUs na active sa pagbibigay ng Price Monitoring List, may active Checkpoint Operation, may AA Slaughterhouse, at ang mga bayan na kabilang sa ASF -Free Zones.

Sa ikalawang bahagi ay pinagkalooban naman ng Sertipiko ng Pagkilala ang mga napiling indibidwal bilang Most Outstanding Meat Inspector at Livestock Coordinator, Most Active Focal Person in Price Monitoring, at Top 5 Best AI Technicians.

Pagkatapos nito ay kinilala rin ng tanggapan ang mga natatanging LGUs bilang Best Implementer of Ruminant Genetic Improvement Program, Most Active Animal Quarantine Checkpoint, at Most Outstanding Animal Rabies Prevention and Control Program Implementer.

Bilang highlight ng programa, ay ginawaran ng Sertipiko ng Pagkilala ang mga bayan na napabilang sa Top 4-10 na Best LGU Implementer of Livestock and Poultry. Samantala ginawaran naman ng Plaque ng Pagkilala ang mga nagwaging Top 3 LGUs, kung saan hinirang na Top 3 ang bayan ng Tagkawayan, Top 2 ang bayan ng Lopez, at Top 1 ang bayan ng Guinayangan.

Dinaluhan ito ng mga Municipal Agriculturists, LGU Veterinarians, Livestock Inspectors, Meat Inspectors, at AI Technicians mula sa iba’t ibang bayan ng Quezon. Naging matagumpay ang aktibidad na ito sa pangunguna ni Provincial Veterinarian, Dra. Flomella A. Caguicla, katuwang ang mga beterinaryo at mga kawani ng tanggapan mula sa Animal Health and Welfare Division, Veterinary Regulatory Division, Livestock and Poultry Development Division, at Administrative Support Division ng OPV.

Source: Quezon ProVet

Lingkod Parangal sa Paghahayupan | December 06, 2023

Lingkod Parangal sa Paghahayupan | December 06, 2023

Ginanap nitong Diyembre 6 ang Lingkod Parangal sa Paghahayupan na pinangunahan ng Quezon Provincial Veterinarian Office na pinamumunuan ni Dr. Flomella A. Caguicia sa Queen Margarette Hotel, Lucena City.

Pinarangalan ang mga munisipalidad sa lalawigan ng Quezon na masinop na sumusunod sa tamang proseso at pag implementa ng mga programa pagdating sa paghahayupan.

Sa huli, pinarangalan ang Top 10 best performing Local Government Unit sa paghahayupan.

Top 1 – Guinayangan
Top 2 – Lopez
Top 3 – Tagkawayan
Top 4 – Sampaloc
Top 5 – Sariaya
Top 6 – Tayabas City
Top 7 – San Antonio
Top 8 – Polillo
Top 9 – Lucban
Top 10 – Alabat

Source: Quezon PIO

Quezon Health Summit 2023 | December 06, 2023

Quezon Health Summit 2023 | December 06, 2023

KALUSUGAN KASAMA ANG LAHAT

Sa patuloy na pagtugon ng Pamahalaang Panlalawigan sa pagpapalawig ng Universal Health Care na kabilang sa layunin ni Governor Doktora Helen Tan, isinagawa ang Quezon Health Summit 2023 kahapon ng Disyembre 6 na ginanap sa Luxent Hotel, Quezon City.

Dinaluhan ito ni Senator Imee Marcos bilang keynote speaker, kung saan ibinahagi niya ang buong suporta sa Primary Health Care Programs ng lalawigan.

Naging makabuluhan naman ang ibinalita ni DOH Undersecretary of Special Concerns Team (STC) Dr. Maria Francia Laxaman sapagkat nangunguna na ang lalawigan ng Quezon sa Local Health System Maturity Level kung kaya’t binigyang pugay niya na patuloy na nagbubunga ang mga programa at proyektong handog para sa maayos na kalusugan ng mga Quezonian.

Ayon kay Governor Tan, malayo pa ang lalakbayin at marami pang kinakailangang isaayos sa sistema at serbisyong pangkalusugan na ibinibigay, ngunit patuloy ang mga ginawagang estratehiya at pagplaplano upang masolusyonan ang mga kakaharaping hamon sa pamamagitan na rin ng pakikipagbalikatan sa nasyunal, rehiyonal, at lokal na pamahalaan.

Samantala, binigyang kilala at ginawaran ang mga bayan at lungsod na nagpakita ng mahusay na pamamahala pagdating sa kalusugan. Gayundin ang mga kawani nagbigay dedikasyon sa paghahatid ng serbisyong pangkalusugan para sa mga mamamayan ng Quezon.

Source: Quezon PIO

Congratulations!! Provincial Government of Quezon

Congratulations!! Provincial Government of Quezon

TINGNAN: Pamahalaang Panlalawigan ng Quezon, ginawaran ng Regional Gawad Parangal sa ginanap na ika-5 anibersaryo ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) nitong Disyembre 4.

Ang nasabing parangal ay iginawad bilang pagkilala sa maayos na pamamalakad ng lalawigan sa pamumuno ni Govenor Doktora Helen Tan upang mapanatili ang kapayapaan, kaayusan, at mawakasan ang insurhensiya sa Quezon.

Congratulations!

Source: Quezon PIO

NGCP ADVISORY | December 05, 2023

NGCP ADVISORY | December 05, 2023

Power transmission services remain stable despite the 5.9 magnitude earthquake that occurred 7 kilometers northeast of Lubang, Occidental Mindoro at 4:23PM today, 05 December 2023.

The grid remains intact as there had been no reported cases of power interruptions and damaged transmission facilities in areas where the earthquake was felt.

Source: Quezon PIO

Orientation & Ceremonial Turnover of Listahanan Data | December 05, 2023

Orientation & Ceremonial Turnover of Listahanan Data | December 05, 2023

Ngayong araw ng Martes, Disyembre 5 bumisita sa tanggapan ni Governor Doktora Helen Tan ang DSWD Regional Office Listahanan kasama si DSWD Regional Field Coordinator Jhohanna Acebes, upang isagawa ang Orientation at Ceremonial Turn Over of Listahanan Data.

Ang naturang data turn over ay bahagi ng data sharing agreement ng DSWD at Pamahalaang Panlalawigan kung saan ang nasabing datos ay naglalaman ng listahan ng mahihirap na pamilya sa bawat rehiyon, lalawigan, bayan at barangay na maaaring gamitin upang malaman kung sino ang mga potensyal na benepisyaryo ng social assistance programs.

Siniguro naman na ang bawat datos ay protektado ng Memorandum of Agreement at Data Privacy Act of 2012.

Asahan na patuloy ang pakikipagbalikatan ng Pamahalaang Panlalawigan sa iba’t-ibang lokal at nasyonal na ahensya sa paglalayon na matugunan ng maayos ang pangangailangan ng bawat mamamayan sa Quezon upang sila’y magkaroon ng maunlad na kinabukasan.

Source: Quezon PIO

Meeting with Quezon Provincial Tourism Council | December 05, 2023

Meeting with Quezon Provincial Tourism Council | December 05, 2023

Ginanap ngayong araw, Disyembre 5 ang pagpupulong ng Quezon Provincial Tourism Council sa pangunguna ni Governor Doktora Helen Tan upang mapag-usapan ang patungkol sa isinusulong na Provincial Culture, Arts, and Tourism Code of 2023.

Masusing tinalakay ang mga nakapaloob sa nasabing ordinansa kung saan inimungkahi ng ilang miyembro ng konseho ang karagdagang detalye at polisiya sa ordinansa. Isa na rito ang pagsasagawa ng pagdiriwang ng History Month at IPs Month, gayundin ang pagbibigay halaga sa mga intangible heritages tulad ng Tagayan Ritual Dance na nais maipamana sa mga susunod na henerasyon.

Hangad naman ng bawat miyembro ng konseho na mapapangalagaan ang bawat makasaysayang kultura at tradisyon na meron ang lalawigan ng Quezon upang patuloy na mapalakas pa ang turismo, sa tulong na rin ng pagpapatibay sa isinusulong na ordinansa.

Source: Quezon PIO

Oathtaking of Quezon Local Planners Association | December 05, 2023

Oathtaking of Quezon Local Planners Association | December 05, 2023

TINGNAN: Pinangunahan ni Governor Doktora Helen Tan ang panunumpa ng mga bagong opisyal ng Quezon League of Planners Association ngayong araw ng Martes, Disyembre 5.

Source: Quezon PIO