
Vice Mayors’ League of the Philippines Regional Meeting | January 30, 2024
Ginanap sa Provincial Government of Quezon ang 5th Regional Meeting ng Vice Mayor’s League of the Philppines Region IV-A CALABARZON Chapter ngayon araw ng Martes, Enero 30.
Nakiisa si Governor Doktora Helen Tan sa isang makasaysayang pulong panglehislatura kasama ang apat na pu’t isang (41) mga ikalawang punong bayan ng VMLP Quezon Chapter. Ito din ang ika-walong pulong ng mga namumuno sa sangguniang bayan ng lalawigan ng Quezon na layong mas mapaigting pa ang matatag na serbisyo at mas mapagtibay ang kahusayan pagdating sa mga usaping panglehislatura.
Binubuo ang lupon ng mga miyembro mula sa probinsya ng Cavite, Laguna, Batangas, Rizal at Quezon.
Source: Quezon PIO