
Blessing of Sea Ambulance and Patrol Boat | May 17, 2024
Sa inisyatibo ni Governor Doktora Helen Tan, isinagawa ngayong araw ng Biyernes, Mayo 17 ang pagbabasbas ng bagong Sea Ambulance at Patrol Boat para sa islang bayan ng Polillo na mapapakinabangan din ng iba pang island municipalities sa POGI Area.
Ayon sa gobernadora, ang pondo ng Sea Ambulance ay nagmula sa 20% Development Fund na magsisilbing daan para sa mas mabilis na pagtatawid ng mga pasyente patungo sa main land ng lalawigan, habang ang pondo ng Patrol Boat naman ay galing sa General Fund na napagdesisyonang may outrigger upang agarang makaresponde sa anumang ilegal na pangingisda at gawain sa Lamon Bay.
Target din na mabigyan ng Sea Ambulance ang bawat islang bayan sa POGI area, upang masigurong matutugunan ng mas maagap ang medikal na pangangailangan ng mga mamamayan nito.
Samantala, magbibigay naman ng rescue boat para sa bayan ng Burdeos na handog ng PDRMMO na magagamit sa pagtugon sa anumang sakunang maaaring mangyari sa karagatan
Source: Quezon PIO