
1st Quarter Provincial Development Council (PDC) Meeting | March 11, 2024
Pinangunahan ni Governor Doktora Helen Tan ang 1st Quarter Meeting ng Provincial Planning and Development Council nitong araw ng Lunes, Marso 11.
Dinaluhan ng mga myembro ng konseho ang naturang pagpupulong via Zoom Conference.
Ilan sa tinalakay ay ang Supplemental Annual Investment Plan (SAIP) No. 1 CY 2024 na ibinahagi ni Project Development Officer IV EnP Myra Rojas, FY 2025 Proposed National Infrastructure Projects ng Department of Public Works and Highways (DPWH) Quezon na iniulat naman ng mga Inhinyero ng bawat Distrito ng Lalawigan, gayundin ang mga ulat ng iba’t-ibang Sectoral Committee na kabilang sa naturang konseho.
Patuloy ang pakikipagbalikatan ng Pamahalaang Panlalawigan upang masiguro ang maayos na pagpaplano ng mga proyekto at imprastraktura para sa kapakinabangan ng mga Quezonian.
Source: Quezon PIO