NEWS AND UPDATE

Blessing of Barangay Hall – Poblacion Cuatro, Calauag, Quezon | April 13, 2024

Blessing of Barangay Hall – Poblacion Cuatro, Calauag, Quezon | April 13, 2024

Malugod na ipinaabot ng Brgy. Poblacion Cuatro, Calauag, Quezon ang kanilang pasasalamat sa pamumuno ni Brgy. Captain Razel Barrera kay Governor Doktora Helen Tan matapos isagawa ang pagbabasbas sa kanilang bagong bihis na Barangay Hall ngayong araw ng Sabado, ika-13 ng Abril.

Ayon kay Brgy. Captain Razel Barrera, lubos ang kanilang tuwa sa mabilis na pagtugon ng gobernadora sa kanilang kahilingan na pagpapaganda at pagpapaayos ng kanilang Barangay Hall.

Pinangako naman ng punong barangay na sa pamamagitan ng proyektong ito, mas mapapabilis at mas mararamdaman ang epektibong pagseserbisyo para sa kanilang nasasakupang Barangay.

Source: Quezon PIO

Blessing of Academic Building – Southern Luzon State University (SLSU) – Gumaca, Quezon | April 12, 2024

Blessing of Academic Building – Southern Luzon State University (SLSU) – Gumaca, Quezon | April 12, 2024

Para sa hangarin na maitaas ang kalagayan ng edukasyon sa lalawigan ng Quezon, ang pagdaragdag ng silid-aralan ang isa sa mga proyektong isinasakatuparan ni Governor Doktora Helen Tan para mas malawak at komportableng pag-aaral ng mga estudyanteng Quezonian.

Nitong Biyernes, Abril 12 masayang pinangunahan ni Governor Doktora Helen Tan ang pormal na pagbabasbas ng bagong Academic Building na matatagpuan sa Southern Luzon State University – Gumaca Campus.

Inaasahang magsisilbing daan ang nasabing gusali upang ma-establish ang College of Nursing sa bayan ng Gumaca gayundin ang other allied medicine courses para sa mas malawak na pangarap na malusog na kinabukasan ng mga mag-aaral at lalawigan.

Nakasama naman sa ginanap na maikling prorgama sina 4th District Congressman Atorni Mike Tan, SLSU Gumaca OIC Campus Director Dr. Nilo Dator, DPWH 4th District Engr. Rodel Florido, SLSU President Frederick Villa, at ang mga residente at kawani ng Brgy. Villa Nava.

Source: Quezon PIO

Barangay Health Workers Convention 2024 | April 12, 2024

Barangay Health Workers Convention 2024 | April 12, 2024

Bilang pagkilala sa pagiging kasungga ng Pamahalaang Panlalawigan sa paghahatid ng mga serbisyong pangkalusugan, masayang nakiisa si Governor Doktora Helen Tan sa isinagawang Barangay Health Workers Convention na ginanap sa bayan ng Gumaca ngayong araw ng Biyernes, Abril 12.

Dumalo sa pagtitipon ang 3,922 BHWs na mga nagmula sa ikatlo at ikaapat na distrito ng lalawigan ng Quezon, kung saan hinarap at dininig ng ina ng lalawigan ang ilang sa mga hinaing dinaranas ng mga ito sa pagseserbisyo.

Siniguro namang bibigyang proteksyon ang bawat Barangay Health Workers sa pamamagitan ng isinusulong na ordinansang lubos na makatutulong para sa kanilang maayos na karapatan at benepisyo.

Kasamang nabigay ng suporta sa ginanap na programa sina Vice Governor Third Alcala, 3rd District Congressman Reynan Arrogancia, 4th District Congressman Atorni Mike Tan, Board Member John Joseph Aquivido, Board Member Harold Butardo, at Board Member Derick Magbuhos.

Samantala, upang bigyang pugay ang mga Barangay Health Workers na 40 years na sa serbisyo’y ginawaran sila ng tinatawag na Ruby Service Award para sa ipinakita nilang dedikasyon at kagalingan sa pagpapanatili ng maayos na kalusugan sa kanilang kapwa Quezonian.

Nagkaroon din ng tagisan ng kaalaman o quiz challenge, lecture, at raffle draw na ikinatuwa ng mga dumalong BHWs.

Source: Quezon PIO

Lingap sa Mamamaya Libreng Gamutan – April 13, 2024

Lingap sa Mamamaya Libreng Gamutan – April 13, 2024

Mga kalalawigan, magkakaroon ng libreng serbisyong gamutan na gaganapin sa bayan ng Calauag (April 13), at Lopez (April 14), kung saan maaaring makapagpatingin o magpakonsulta ng kalagayan ng kanilang kalusugan ang mga residente ng nasabing mga bayan.

Ilan sa mga hatid na serbisyo ng Medical Team ang libreng Medical Check-up (Adult and Pedia), Derma Check-Up, ENT Check-up, Eye Check-up, Orthopedic Check-up, OB Gyne, Dental Extraction, Ultrasound, X-Ray, ECG, FBS/RBS, Urinalysis, CBC, Lipid Profile, Creatinine, PCV 23 Vaccination, HPV Vaccination, Surgical Screening, Minor Surgery, Tuli, HIV Counseling and Testing, Cervical Cancer Screening, Family Planning Implant, at Physical Therapy.

NGCP Update

NGCP Update

Scheduled power interruption in parts of Quezon Province on Saturday, 13 April 2024.

Time: 06:00AM-11:59PM

Affected: QUEZELCO I

Reasons: Oil leak correction at Pitogo 5MVA Transformer

Specific areas affected shall be determined by the electric coop. NGCP shall exert all efforts to restore power earlier or as scheduled.

Source: Quezon PIO

Groundbreaking of 2-Storey 8-Classroom Building | April 11, 2024

Groundbreaking of 2-Storey 8-Classroom Building | April 11, 2024

Magkakaroon na ng katuparan ang maluwag, matibay, at naayon sa komportableng silid-aralan ang mga estudyante at guro ng Lucena City National High School, Mayao Crossing Extension sapagkat isinagawa na ang Groundbreaking Ceremony sa itatayong 2-Storey 8-Classroom sa nasabing paaralan ngayong araw, Abril 11.

Masayang pinangunahan ni Governor Doktora Helen Tan ang nasabing aktibidad na ikinatuwa ng mga guro, mag-aaral at residente ng barangay sapagkat malaking tulong ito sa pagpapabuti ng kalagayan ng sektor ng edukasyon lalo na sa mga kabataan.

Dinaluhan ang nasabing aktibidad nina Vice Governor Third Alcala, 2nd District Board Member Yna Liwanag, School Division Superinented Susan D.L Oribiana at Lucena City Nationhal High School Mayao Crossing Extension School Head Rebecca L. Recto.

Ang proyektong ito ay climate resilient, solar powered, may automatic fire protection and fire alarm system, rain water collector, may water pump and tank, kumpletong mga lamesa at upuan para sa mga guro at estudyante, mga silid-aralan na may kanya-kanyang palikuran at installed wall fans.

Kinokonsidera na ito’y pinakamalaking proyektong pang-edukasyon ng Pamahalaang Panlalawigan ng Quezon na nagkakahalaga ng P24.5 million pesos mula sa Special Education Funds na sisimulan sa buwan ng Mayo o Hunyo ngayong taon.

Source: Quezon PIO

Panunumpa ng mga Bagong Opisyal ng Quezon Federation of Public and Private Schools Retired Teachers and Employees Association, Inc. | April 11, 2024

Panunumpa ng mga Bagong Opisyal ng Quezon Federation of Public and Private Schools Retired Teachers and Employees Association, Inc. | April 11, 2024

TINGNAN: Pinangunahan ni Governor Doktora Helen Tan ang panunumpa ng mga bagong opisyal ng Quezon Federation of Public and Private Schools Retired Teachers and Employees Association, Inc. ngayong araw ng Huwebes, Abril 11.

Lubos ang pagpupugay ng Pamahalaang Panlalawigan sa hindi matatawarang serbisyo ng mga kaguruan sa buong Lalawigan!

Source: Quezon PIO

Signing ng Agreements at Donation sa Pagitan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Quezon at Lokal na Pamahalaan ng Lungsod ng Tayabas | April 11, 2024

Signing ng Agreements at Donation sa Pagitan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Quezon at Lokal na Pamahalaan ng Lungsod ng Tayabas | April 11, 2024

TINGNAN: Ginanap ngayong araw ng Huwebes, Abril 11 ang unang bahagi ng Signing ng Agreements at Donation sa pagitan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Quezon at Lokal na Pamahalaan ng Lungsod ng Tayabas para sa itatayong Quezon Complex sa pangunguna ni Governor Doktora Helen Tan kasama si Tayabas Mayor Maria Lourdes Pontioso.

Nakiisa rin sa nasabing seremonya sina Vice Governor Third Alcala, 1st District Board Members Hon. Julius Luces at Hon. Jerry Talaga gayundin ang mga miyembro ng Sangguniang Bayan ng nasabing lungsod.

Source: Quezon PIO

Eid Mubarak – Eid’l Fitr | April 10, 2024

Eid Mubarak – Eid’l Fitr | April 10, 2024

Nakikiisa ang Pamahalaang Panlalawigan ng Quezon sa pagdiriwang ng Eid’l Fitr. Nawa ay maging masagana at mapuno ng biyaya ang araw na ito.

Eid Mubarak sa ating mga kapatid sa Islam!

Source: Quezon PIO

Ika-82 Araw ng Kagitingan | April 09, 2024

Ika-82 Araw ng Kagitingan | April 09, 2024

Pagpupugay sa mga bayaning nag-alay ng kanilang buhay para sa kalayaan ng ating bansa.

Maligayang Araw ng Kagitingan sa ating lahat! ????????

Source: Quezon PIO