
Fisherfolks Consultation & Distribution of Agricultural Inputs | March 18, 2024
Dahil sa ang pangunahing hanap-buhay ng mga naninirahan sa islang bayan ng Jomalig ay pagsasaka at pangingisda, minabuti ni Governor Doktora Helen Tan na madinig ang mga kinahaharap na suliranin ng mga ito sa ginanap na pagtitipon nitong nakaraang ng Lunes, Marso 18.
Ito’y bahagi pa rin sa hangarin ng Pamahalaang Panlalawigan ng Quezon na maibibigay ang sapat na solusyon at tulong upang mas maingat ang mga nasabing sektor, lalo’t itong ang lubos na inaasahan at pinagkukunan nilang sa pang araw-araw na buhay.
Kasabay nito ay naipamahagi ang 100 helmets para sa mga mamamayan ng Jomalig na ang pangunahing transportasyon sa buong isla ay motorsiklo, kung kaya’t mahalagang tulong ito upang masigurong ligtas ang nagmomotorsiklo sa nasabing bayan at kabilang na rin ang mga turista.
Samantala, kasabay namang isinagawa sa parehong araw ang oryentasyon para sa mga kasama sa programang TUPAD ng DOLE.
Source: Quezon PIO