NEWS AND UPDATE

Panunumpa ng mga Bagong Opisyal ng Quezon Federation of Public and Private Schools Retired Teachers and Employees Association, Inc. | April 11, 2024

Panunumpa ng mga Bagong Opisyal ng Quezon Federation of Public and Private Schools Retired Teachers and Employees Association, Inc. | April 11, 2024

TINGNAN: Pinangunahan ni Governor Doktora Helen Tan ang panunumpa ng mga bagong opisyal ng Quezon Federation of Public and Private Schools Retired Teachers and Employees Association, Inc. ngayong araw ng Huwebes, Abril 11.

Lubos ang pagpupugay ng Pamahalaang Panlalawigan sa hindi matatawarang serbisyo ng mga kaguruan sa buong Lalawigan!

Source: Quezon PIO

Signing ng Agreements at Donation sa Pagitan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Quezon at Lokal na Pamahalaan ng Lungsod ng Tayabas | April 11, 2024

Signing ng Agreements at Donation sa Pagitan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Quezon at Lokal na Pamahalaan ng Lungsod ng Tayabas | April 11, 2024

TINGNAN: Ginanap ngayong araw ng Huwebes, Abril 11 ang unang bahagi ng Signing ng Agreements at Donation sa pagitan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Quezon at Lokal na Pamahalaan ng Lungsod ng Tayabas para sa itatayong Quezon Complex sa pangunguna ni Governor Doktora Helen Tan kasama si Tayabas Mayor Maria Lourdes Pontioso.

Nakiisa rin sa nasabing seremonya sina Vice Governor Third Alcala, 1st District Board Members Hon. Julius Luces at Hon. Jerry Talaga gayundin ang mga miyembro ng Sangguniang Bayan ng nasabing lungsod.

Source: Quezon PIO

Eid Mubarak – Eid’l Fitr | April 10, 2024

Eid Mubarak – Eid’l Fitr | April 10, 2024

Nakikiisa ang Pamahalaang Panlalawigan ng Quezon sa pagdiriwang ng Eid’l Fitr. Nawa ay maging masagana at mapuno ng biyaya ang araw na ito.

Eid Mubarak sa ating mga kapatid sa Islam!

Source: Quezon PIO

Ika-82 Araw ng Kagitingan | April 09, 2024

Ika-82 Araw ng Kagitingan | April 09, 2024

Pagpupugay sa mga bayaning nag-alay ng kanilang buhay para sa kalayaan ng ating bansa.

Maligayang Araw ng Kagitingan sa ating lahat! ????????

Source: Quezon PIO

Provincial Government Employees Unity Games 2024 Opening Ceremony | April 08, 2024

Provincial Government Employees Unity Games 2024 Opening Ceremony | April 08, 2024

Pormal ng binuksan ng Pamahalaang Panlalawigan ang Provincial Employees Unity Game 2024 na pinangunahan ni Governor Doktora Helen Tan ngayong araw, Abril 8.

Bukod sa pagiging epektibong mangagawa, nais din ng palaro na mapalakas ang pagkakaibigan, pwersa at pagkakaisa bilang isang kawani ng pamahalaang panlalawigan upang makamit ang minimithing layunin sa mga proyekto at serbisyo.

Magtutunggali ang anim na Cluster sa iba’t ibang larangan ng sports na pangagasiwaan ng Provincial Sports Office sa pamumuno ni Coach Aris Mercene.

Samantala, nagpaabot ng mensahe at suporta si Provincial Administrator Manny Butardo at mga pinuno ng bawat tanggapan.

Source: Quezon PIO

Ika-91 Pangkaraniwang Pulong ng Sangguniang Panlalawigan ng Quezon | April 08, 2024

Ika-91 Pangkaraniwang Pulong ng Sangguniang Panlalawigan ng Quezon | April 08, 2024

Tuloy-tuloy ang pag-apruba ng mga ordinansa at resolusyon ng Sanguniang Panlalawigan sa ginanap na ika-91 Pangkaraniwang Pulong nito ngayong araw ng Lunes, Abril 8.

Kabilang sa naaprubahan sa pagpupulong ang mga liham mula sa tanggapan ni Governor Doktora Helen Tan na nagpapahintulot na pumasok sa iba’t-ibang kasunduan upang masiguro ang mas maayos na kalagayan ng buong lalawigan.

Wala namang humpay na pinagtutuunan ng pansin ng Sanggunian ang paghahatid ng panglehisturang serbisyo para sa mas maunlad na pamumuhay ng bawat mamamayang Quezonian.

Source: Quezon PIO

Turnover of Medical Equipment for QPHN-QMC | April 08, 2024

Turnover of Medical Equipment for QPHN-QMC | April 08, 2024

Isinagawa ang Turn-Over Ceremony ng mga bagong Medical Equipment para sa Quezon Provincial Hospital Network ngayong araw, Abril 8 sa QPHN – Quezon Medical Center.

Ikinatuwa ni Governor Doktora Helen Tan ang pagbibigay ng TeaM Energy Corporation ng Bagong Anesthesia Machine na ilalagay sa QPHN-Quezon Medical Center at bagong 15 na digital ECG machine para sa labing limang ospital na pinapatakbo ng QPHN.

Nagkakahalaga ang mga bagong medical equipment ng mahigit 7 milyong piso na malaking tulong upang mapabuti pa ang pagbibigay ng serbisyong medikal sa ating mga kalalawigan.

Inanunsyo naman ang mga bagong Clinical Department sa nasabing ospital gaya ng Opthalmology, ENT, Orthopedic, at Rehabilitation na makapagbibigay ng mas malawak na serbisyo sa mga pasyente.

Samantala, nagkaroon din ng signing of contract ang mga bagong resident doctor ng QPHN at binigyang pagkilala ang 3 Doktor na pumasa sa Philippine Specialty Board of Internal Medicine.

Source: Quezon PIO

Management Committee Meeting | April 08, 2024

Management Committee Meeting | April 08, 2024

Sa pagsisiguro na patuloy ang paghahatid ng kalidad at kapakipakinabang na mga programa at serbisyo sa Lalawigan ng Quezon, pinulong ni Governor Doktora Helen Tan ang mga puno ng tanggapan ng Pamahalaang Panlalawigan ngayong araw ng Lunes ika-8 ng Abril.

Inisa-isa ng Gobernadora ang kasalukuyang estado ng mga programang hinahatid ng bawat tanggapan sa Pamahaalang Panlalawigan upang malaman kung paano pa mapagbubuti ang pagseserbisyo ng mga opisina at masiguro na nailalapit ang kapitolyo sa bawat mamamayang Quezonian na nangangailangan.

Source: Quezon PIO

AICS Payout – Perez, Quezon | April 07, 2024

AICS Payout – Perez, Quezon | April 07, 2024

Kalakip ng pagtugon sa kinakailangang tulong ng mga residente mula sa AlQueRez Islands nitong nakaraang Abril 7 ay namahagi rin ng tulong pinanysal para bawat Quezonian mula sa nasabing mga isla.

Umabot sa 358 ang naging benepisyaryo mula sa programang AICS, kung saan ay 198 ay educational assistance habang ang 160 ay subsistence assistance para sa mga indibidwal na lubos na kinakailangan tulong upang mabawasan ang kanilang mga pasanin.

Siniguro naman ni Governor Doktora Helen Tan na hindi titigil ang Pamahalaang Panlalawigan upang maibaba at maibibigay ang mga programa at serbisyong mapakikinabangan ng bawat Quezonian lalo na sa mga nainirahan sa pinakamalalayong lugar sa Quezon.

Source: Quezon PIO

Lingap sa Mamamayan Libreng Gamutan – Perez, Quezon | April 07, 2024

Lingap sa Mamamayan Libreng Gamutan – Perez, Quezon | April 07, 2024

Sa huling araw ng paghahatid ng Libreng Serbisyong Gamutan para sa mga naninirahan sa AlQueRez Islands, masayang nagtungo ang Medical Team sa bayan ng Perez nitong nakaraang araw ng Linggo, Abril 7 sa pangunguna ni Governor Doktora Helen Tan.

Handog ang iba’t-ibang serbisyong medikal para sa mga mamamayan ng nasabing bayan ay nakapagtala ng 2,417 ang naging benepisyaryo na labis na nakatugon sa pangkalusugan nilang pangangailangan.

Kabilang sa mga naihatid na serbisyo ang libreng medical check-up, tuli, family planning implant and consultation, cervical cancer screening, breast screening exam, physical therapy, eye check-up, ENT, ob-gyne, ultrasound, X-ray, minor surgery, PCV 23 Vaccination, CBC, FBS/RBS, Urinalysis, at Blood Uric Acid.

Para naman sa mga hindi available ang gamot na iniresetang ng doktor, sa pamamagitan ng Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO) ay nakatanggap sila ng medical assistance.

Samantala, handog ng Office of the Provincial Veterenarian ang libreng konsultasyon, deworming, at pagbabakuna ng anti-rabies para sa mga may alagang hayop.

Namahagi rin sa ginanap na maikling programa ang 55,000 worth of essential medicines para sa bawat barangay ng isla ng Perez.

Nakasama naman sa paghahatid ng serbisyo sina Vice Governor Third Alcala, 4th District Congressman Atorni Mike Tan, Board Member Angelo Eduarte, Board Member Harold Butardo , Board Member Derick Magbuhos, Mayor Charizze Escalona, Vice Mayor Ryan Panol, at mga doktor na mula sa iba’t-ibang lokal at nasyonal na ospital.

Asahan na sa mga susunod na buwan ay magpapatuloy ang pagdaloy at paghahatid ng mga serbisyong medikal para sa mga mamamayan ng Quezon tungo sa mas malusog na pamumuhay sa lalawigan.

Source: Quezon PIO