NEWS AND UPDATE

Pagbisita sa Tanggapan ni Governor Doktora Helen Tan ang Waltermart Regional Office | May 20, 2024

Pagbisita sa Tanggapan ni Governor Doktora Helen Tan ang Waltermart Regional Office | May 20, 2024

Bumisita sa tanggapan ni Governor Doktora Helen Tan ang Waltermart Regional Office sa pangunguna ng kanilang Regional Office Manager na si Ms. Seann M. Villapando kasama ang iba pang kawani nitong araw ng Lunes, Mayo 20.
Layon ng nasabing kortesiya na maipakilala sa Gobernadora ang Waltermart at makabuo ng maayos na ugnayan sa Pamahalaang Panlalawigan, kung kaya’t ibinahagi ni Ms. Villapando ang layunin ng Waltermart at kung paano nito hangad na makatulong sa komunidad sa lalawigan.
Patuloy ang pakikipagbalikatan ng Gobernadora sa mga nais mamuhunan sa lalawigan na magbibigay rin ng maraming oportunidad para sa bawat mamamayang Quezonian.
Source: Quezon PIO

Congratulations, Provincial Government of Quezon!

Congratulations, Provincial Government of Quezon!

CONGRATULATIONS!🎉
Natanggap ng Pamahalaang Panlalawigan ng Quezon ang “2024 PHALGA Excellence Award” sa ginanap na 19th Annual National Conference of the Philippine Association of Local Government Accountants (PhALGA) nitong nakaraang Mayo 15 sa CAP-John Hay Trade and Cultural Center, Baguio City.
Ang nasabing parangal ay ibinibigay para sa mga LGU na may Unmodified o Unqualified Audit Opinion na nakabase sa 2022 Annual Audit Report ng Commission on Audit. Ito ang pinakamataas na rating mula sa COA na nagpapatunay ng tapat, patas at responsableng pagamit ng pondo.
Sa pamumuno ni Governor Doktora Helen at pakikipagtulungan sa Provincial Accounting Office sa pangunguna ni Alberto Bay Jr., asahan pa ang mas mahusay na pamamahala at pangangasiwa ng pondo para sa mas maunlad na lalawigan ng Quezon.
Samantala, ipinapaabot din ang pagbati sa mga sumusunod na bayan na nakatanggap ng nasabing parangal:
*Agdangan
*Alabat
*Atimonan
*Buenavista
*Calauag
*Catanauan
*Dolores
*General Luna
*Gumaca
*Lopez
*Lucban
*Macalelon
*Mulanay
*Pagbilao
*Panukulan,
*Perez
*Plaridel
*Polillo
*Quezon, Quezon
*Sampaloc
*San Narciso
*Tagkawayan
*Tiaong
*Lucena City
Source: Quezon PIO

Ika-97 Pangkaraniwang Pulong ng Sangguniang Panlalawigan ng Quezon | May 20, 2024

Ika-97 Pangkaraniwang Pulong ng Sangguniang Panlalawigan ng Quezon | May 20, 2024

Sunod-sunod na inaaprubahan ni Vice Governor Third Alcala ang mga resolusyon, ordinansang bayan at atas tagapagpaganap na makakatulong sa pagpapaunlad at pagpapatibay ng lehislaturang panlalawigan at batas pampamayanan sa ginanap na ika-97 Pangkaraniwang Pulong ng Sangguniang Panlalawigan ngayong araw ng Lunes, Mayo 20.
Matapos maisagawa ang medical mission sa Brgy. Umiray sa bayan ng General Nakar, Quezon, ipinadinig ni Committee on Health Chairperson and 3rd District Board Member John Joseph Aquivido sa sesyon ang kahilingan ng mga katutubo mula sa nasabing pinakalamayong Barangay na magkaroon ng eskwelahan sa kanilang komunidad at access sa mga pangunahing pagamutan.
Ayon din kay BM Aquivido, pinagsusumikapan na ng Pamahalaang Panlalawigan ng Quezon ang pakikipag-ugnayan sa ospital ng Dingalan at Cabanatuan upang magkaroon ng sapat na kakayahan ang ating mga kababayan mula sa Brgy. Umiray na maabot ang maayos na serbisyong medikal.
Asahan pa ang tuloy-tuloy na pagpapatibay ng mga batas na magbibigay seguridad at kagalingan sa ating lalawigan.
Source: Quezon PIO

Management Committee Meeting | May 20, 2024

Management Committee Meeting | May 20, 2024

Sinimulan ni Governor Doktora Helen Tan ang panibagong linggo ng pagseserbisyo sa pakikipagpulong sa mga pinuno ng bawat tanggapan sa Pamahalaang Panlalawigan ngayong araw ng Lunes, Mayo 20.
Layunin ng regular na pagpupulong na ito na malaman ng Gobernadora ang mahahalagang ulat ng bawat tanggapan upang agaran din na mabigyang pansin kung may mga suliranin para sa patuloy na paghahatid ng epektibong pagseserbisyo sa bawat mamamayan ng Quezon.
Source: Quezon PIO

Quezon Sports Camp 2024 – San Francisco

Quezon Sports Camp 2024 – San Francisco

Isa ka ba sa mga kabataang Quezonian na manlalaro ng anumang larangan sa isports?
Nagsimula noong May 17-20, 2024 ang QUEZON SPORTS CAMP 2024 na tumagal ng 4 araw sa bayan ng San Francisco, Quezon. Layon ng Pamahalaang Panlalawigan sa Pamagitan ng Provincial Sports Office na pinamumunuan ni Coach Aris Mercene na makapagbigay dagdag kaalaman at upang muling mabalikan ang mga dapat tandaan sa paglalaro ng iyong piniling larangan ng isports.
Pwedeng-pwede makilahok ang mga kabataang may edad 9 hanggang 18, babae man o lalaki, basta’t may nag-aalab na puso at nais mas mapalawak ang kanilang kagalingan.
Narito ang mga laro na pwedeng lahukan.
– Basketball
– Taekwondo
– Boxing
– Chess
– Badminton
– Swimming
– Athletics
– Table Tennis
Tandaan lamang ang mga sumusunod na lugar at petsa kung saan gaganapin ang nasabing sports camp:
Plaridel, Quezon : June 7-29, 2024
Mauban, Quezon : June 10-16, 2024
Source: Quezon PIO

Kasama sa Ibinabang Programa ng Pamahalaang Panlalawigan sa Pagpunta sa Brgy. Umiray, General Nakar | May 19, 2024

Kasama sa Ibinabang Programa ng Pamahalaang Panlalawigan sa Pagpunta sa Brgy. Umiray, General Nakar | May 19, 2024

Kasama sa ibinabang programa ng Pamahalaang Panlalawigan sa pagpunta sa Brgy. Umiray, General Nakar kahapon, Mayo 18 ay ang serbisyong pang-agrikultura.
Pinangunahan ni Vice Governor Third Alcala ang turn-over ng agricultural inputs para sa Samahan ng Mangingisda sa Umiray Nakar, Inc. (SMUN) at Samahang Pangkabuhayan ng mga Magsasaka ng Sitio Puting Bato na karagdagang kagamitan at pananim sa kanila na malaking tulong sa pang araw-araw na hanapbuhay.
Samantala, nagkaroon din ng konsultasyon ang mga magsasaka at mangingisda sa nasabing bayan upang lalo pang alamin ang kinakaharap nilang problema.
Source: Quezon PIO

STANd UPPPP Quezon – QSHS – DRRM Youth Camp | May 18, 2024

STANd UPPPP Quezon – QSHS – DRRM Youth Camp | May 18, 2024

“QSHS-DRRMT Youth Camp”
Tayabas City | Mayo 18, 2024
Sa inisyatiba ng QSHS Disaster Risk Reduction Management Team katuwang ang Quezon Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office at DRRM Offices ng iba’t ibang bayan ng Quezon kasama ang 404th Army Reservist ay matagumpay na naisagawa ang nasabing aktibidad na ginanap sa Quezon Science High School, Brgy. Isabang, Tayabas City.
Layunin nito na ang mga mag-aaral at guro ay matuto, madagdagan ng kaalaman at malaman ang mga basic skills patungkol sa DRRM tulad ng rappeling, knot tying, immobilization & spineboard management, emergency transportation, map navigation, bandaging, at hands-only CPR. Ito ay upang masiguro ang kaligtasan ng lahat at bilang kahandaan na din sa anumang uri ng sakuna na posibleng mangyari sa kanilang eskwelahan.
Source: Quezon PIO

Lingap sa Mamamayan Libreng Gamutan | May 18, 2024

Lingap sa Mamamayan Libreng Gamutan | May 18, 2024

Sa kabila ng mahigit sampung oras na paglalakbay at kinakailangan pang dumaan sa iba’t ibang probinsya, hindi ito naging hadlang sa medical team ng Pamahalaang Panlalawigan sa pangunguna ni Governor Doktora Helen Tan katuwang si Vice Governor Third Alcala na maabot ng libreng serbisyong medikal ang mga kalalawigan nating nakatira sa Geographically Isolated and Disadvantage Area o GIDA sa Brgy. Umiray sa bayan ng General Nakar nitong araw ng Sabado, Mayo 18.
Libreng naibigay sa 2,694 na residente ng nasabing Barangay ang mga serbisyong medikal gaya ng Medical Check-up, Dental Extraction, Minor Surgery, Tuli, Eye Check-up UTZ, X-ray, ECG, FBS/RBS, at PCV vaccine, Cholesterol, Uric Acid, Urinalysis, at CBC testing.
Kasama rin sa pagbibigay ng tulong ang Provincial Veterinarian para sa may mga alagang hayop, gayundin ang Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO) at Provincial Treasurer’s Office (PTO) upang magbigay ng financial/medical assistance sa mga pasyenteng hindi naka-avail ng ibang gamot at laboratories.
Magpapatuloy naman ang Lingap sa Mamamayan, Libreng Gamutan sa iba pang bahagi ng lalawigan sa mga susunod na araw.
Source: Quezon PIO

Turn-Over of Ambulance | May 18, 2024

Turn-Over of Ambulance | May 18, 2024

Masayang tinanggap ng mga mamamayan ng Barangay Umiray sa bayan ng General Nakar ang pinagkaloob na bagong Ambulance Vehicle mula sa Sariling Sikap Program ni Governor Doktora Helen Tan ngayong araw, Mayo 18.
Malaking bagay para sa nasabing barangay ang magkaroon ng sariling ambulansya dahil mapapabilis nito ang pagdadala sa mga pasyente patungo sa mga pagamutan, sapagkat ang kanilang lugar ay malayo sa mga ospital at kinakailangan pang maggugol ng ilang oras upang makarating sa mga pagamutan.
Pinangunahan naman ni Vice Governor Third Alcala ang turn-over ng bagong ambulansya upang tuluyan ng mapakinabangan ng mga residente dito.
Source: Quezon PIO

Distribution of Medicine to Barangay Health Workers of Brgy. Umiray | May 18, 2024

Distribution of Medicine to Barangay Health Workers of Brgy. Umiray | May 18, 2024

Kasabay ng isinagawang medical mission, ipinamahagi din ang food packs para sa 1,500 families ng mga residente ng Brgy. Umiray sa bayan ng General Nakar dahil sa pakikipagbalikatan ni Governor Doktora Helen Tan sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) ngayong araw, Mayo 18.
Pinangunahan din ni Vice Governor Third Alcala ang Distribution of Medicine na mapupunta sa pangangalaga ng mga Barangay Health Workers para sa mga residenteng kinakailangan ng pantawid medisina.
Naipamahagi din ang kagamitan ng mga Barangay Tanod tulad ng flashlight at uniporme.
Lubos na nagpapasalamat ang buong kominidad ng Brgy. Umiray dahil sa mga tulong na kanilang natanggap ngayong araw.
Source: Quezon PIO