Panel Interview with Shortlisted 2024 Outstanding SK Chairperson & Local Youth Development Officers | August 23, 2024
Kasama sa paghahanda para sa nalalapit na selebrasyon ng Linggo ng Kabataan 2024, isinagawa ngayong araw, ika-22 ng Agosto, ang Panel Interview para sa mga napiling nominado sa Outstanding Local Youth Development Officers (LYDOs) at Outstanding SK Chairperson sa Lalawigan ng Quezon.
Ang panel interview ay pinangunahan nina Mark Ryan D. Talajuron, Hon. Iris H. Armando, at Rhyn Anthony Nique Escolona. Ang mga nominado ay masusing sinuri batay sa kanilang kahusayan sa Leadership and Governance, Programs and Projects, Community Involvement and Participation, Leadership and Vision, Personal and Professional Development, at Communication Skills.
Ang pormal na pagagawad ng mga parangal ay gaganapin sa darating na Agosto 29, 2024, sa Quezon Convention Center, Lucena City.
Quezon PIO