NEWS AND UPDATE

Governor Doktora Helen Tan visits QPHN – Guinayangan | July 7, 2025

Governor Doktora Helen Tan visits QPHN – Guinayangan | July 7, 2025

‎Kasabay ang paghahatid ng serbisyong medikal, binisita rin ni Governor Doktora Helen Tan ang QPHN – Guinayangan nitong araw ng Hulyo 6, sa Brgy. Calimpak Guinayangan, Quezon

‎Ang nasabing pagbisita ay layuning alamin at kumustahin ang kalagayan ng mga pasyente. Gayundin, ang pag-iikot sa mga pasilidad upang makita at maplano kung ano pa ang dapat ayusin at baguhin sa nasabing ospital.

‎Sa panunungkulan ni Governor Tan, sinisigurado nito na maisasaayos ang mga serbisyo at imprastraktura ng mga pampublikong ospital sa lalawigan ng Quezon.

‎Kaya asahan ang patuloy na pagsuporta ng Pamahalaang Panlalawigan sa kalusugan at pangangailangan ng mamamayang Quezonian.

‎#SerbisyongTunayAtNatural
‎#HEALINGQuezon
‎#QuezonProvince


Quezon PIO

Mid-Year Assessment Cum Team Building & Benchmarking Activity of Quezon Provincial Tourism Office | July 7, 2025

Mid-Year Assessment Cum Team Building & Benchmarking Activity of Quezon Provincial Tourism Office | July 7, 2025

Matagumpay na naisagawa ang MID-YEAR ASSESSMENT CUM TEAM BUILDING & BENCHMARKING ACTIVITY ng QUEZON PROVINCIAL TOURISM OFFICE nitong July 2-5, 2025 sa Bicol Region.

Layunin ng Quezon Provincial Tourism ng mas mahusay, masaya at maayos na serbisyo sa loob man o sa labas ng tanggapan. Ganoon din, sa tulong ng isinagawang benchmarking sa tanggapanan ng Provincial Tourism Office of Camarines Sur at sa City Tourism Office of Naga City, nagkaroon ng produktibo at makaturismong usapin na nagdulot pa ng mas malawak na kaalaman patungkol sa industriya ng turismo nang sa ganoon ay mapaunlad at maipagpatuloy pa ang mga gawain na may kinalaman sa pagpapaangat at pagpapakilala sa mga ipinagmamalaking destinasyon at atraksyon ng Lalawigan ng Quezon.

𝘗𝘢𝘳𝘢 𝘮𝘢𝘨𝘪𝘯𝘨 𝘶𝘱𝘥𝘢𝘵𝘦𝘥 𝘴𝘢 𝘮𝘨𝘢 𝘴𝘶𝘴𝘶𝘯𝘰𝘥 𝘱𝘢𝘯𝘨 𝘬𝘢𝘨𝘢𝘯𝘢𝘱𝘢𝘯, 𝘮𝘢𝘯𝘨𝘺𝘢𝘳𝘪 𝘭𝘢𝘮𝘢𝘯𝘨 𝘯𝘢 𝘪𝘭𝘪𝘬𝘦 𝘰 𝘪𝘧𝘰𝘭𝘭𝘰𝘸 𝘢𝘯𝘨 Tourism Quezon Province

#ExcitingBicol
#NagaYon
#VisitCamSur
#TourismBenchmarking
#TaraNasaQuezon


Quezon Tourism

Inaugural Session of the 20th Sangguniang Panlalawigan of Quezon | July 7, 2025

Inaugural Session of the 20th Sangguniang Panlalawigan of Quezon | July 7, 2025

PAGBUBUKAS NG UNANG SESYON NG 20TH SANGGUNIANG PANLALAWIGAN NG QUEZON

Isinagawa ngayong araw ng Lunes, Hulyo 07, ang makasaysayang Inaugural Session ng 20th Sangguniang Panlalawigan ng Quezon, na ginanap sa Sangguniang Panlalawigan Session Hall, Lucena City.
Sa nasabing sesyon, pormal na kinilala ang bagong hanay ng mga Board Member na magsisilbing kinatawan ng apat na distrito ng lalawigan at magiging katuwang sa pagsusulong ng mga makabuluhang batas, programa, at polisiya para sa kapakanan ng mga mamamayan.

Sa paunang mensahe ni Governor Doktora Helen Tan, kanyang pinasalamatan ang dedikasyon at serbisyo ng 19th Sangguniang Panlalawigan. Kanya ring ipinahayag ang mataas na pag-asa na ang bagong Sanggunian ay magiging kaagapay ng Pamahalaang Panlalawigan sa pagtataguyod ng lideratong tapat, mahusay, at may malasakit na inuuna ang kabutihan at kapakanan ng bawat Quezonian.
Kasabay nito ay isinagawa rin ang nominasyon at pagtatalaga ng mga bagong opisyal ng Sanggunian, kabilang ang mga tagapangulo ng iba’t ibang komite na magsusulong ng mga adhikaing tumutugon sa pangunahing pangangailangan ng lalawigan.

Binigyang-daan din ang mga miyembro ng Sanggunian upang magbigay ng mensahe, kung saan kanilang inilahad ang kani-kanilang mga plano, prayoridad, at mga adhikain para sa distrito at komiteng kanilang pamumunuan.

Samantala, ibinahagi ni Vice Governor Third Alcala ang mga mahahalagang nagawa ng Ika-19 Sangguniang Panlalawigan na nakaangkla sa HEALING Agenda ni Governor Tan. Kabilang dito ang mga inisyatibo sa larangan ng basic social services, economic recovery, pagpapaunlad ng sektor ng agrikultura, at pagsusulong ng good governance. At sa bagong yugto ng pagseserbisyo, binigyang-diin niya ang kahalagahan ng dedikasyon, integridad, at transparent na serbisyo publiko bilang pundasyon ng epektibong pamumuno.
Ang inagural na sesyon ay isang makabuluhang paalala ng walang humpay na paglilingkod at matibay na paninindigan ng mga halal na opisyal para sa lalawigan ng Quezon. Isa itong panibagong yugto ng pagtutulungan at isang hakbang tungo sa isang mas maunlad, makatarungan, at progresibong kinabukasan para sa bawat mamamayan ng Quezon.

#20thSangguniangPanlalawigan
#SerbisyongTunayAtNatural
#HEALINGQuezon
#QuezonProvince


Quezon PIO

National Disaster Resilience Month 2025 ngayong buwan ng Hulyo | July 7, 2025

National Disaster Resilience Month 2025 ngayong buwan ng Hulyo | July 7, 2025

Bilang pakikiisa ng Pamahalaang Panlalawigan ng Quezon sa pagdiriwang ng National Disaster Resilience Month 2025 ngayong buwan ng Hulyo na may temang “KUMIKILOS” (Kayang Umaksyon ng Mamamayan na Isabuhay ang Kahandaan ng bawat Isa para maging Ligtas sa Oras ng Sakuna) isinagawa ang isang makabuluhang Motorcade ngayong ika-7 ng Hulyo sa Tayabas City, Tiaong, Talipan, Lucban at Candelaria Quezon.

Layunin nito ang pagbibigay paalala sa bawat isa na ang pagiging resilient ay hindi lamang tungkulin ng pamahalaan kundi pananagutan ng buong mamamayan mula sa simpleng pagsunod sa mga disaster drills, hanggang sa aktibong partisipasyon sa mga programang pangkaligtasan.

Ayon kay PDRRMO Head Dr. Melchor Avenilla Jr. isa sa tinututukan ni Governor Doktora Helen Tan ngayong taon ay ang DRM institutionalization at DRRM orientation and trainings sa lahat ng sektor ng ating lipunan kabilang ang PDL (Persons Deprived of Liberty), LGBTQ+, Person with Special Needs, Kabataan, Kababaihan, Transport Sectors ay may inihandang trainings para sa kanila ngayong buwan ng Hulyo.

Dagdag pa niya “sa ating mga kalalawigan ipinapabatid ni Governor Doktora Helen Tan na tayo dapat ay sama-sama na magsiguro ng ating kaligtasan habang sinisiguro ng pamahalaang panlalawigan, mga lokal na pamahalaan ang inyong kaligtasan sa pamamagitan ng pagpapatupad ng apat na thematic areas DRRM mula sa paghahanda, pagtugon pagbangon, pag-iwas at pagbawas sa mga epekto ng sakuna kailangan ang pamayanan din naman ay may ginagawang aksyon.”

Samantala, ang naturang aktibidad ay pinangunahan ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) kung saan nakiisa ang iba’t ibang sektor at ahensya kabilang ang Bureau of Fire Protection (BFP), Philippine Coast Guard, Quezon Provincial Police Office (QPPO), Bureau of Jail Management and Penology (BJMP), Department of Education (DepEd) at Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) ng iba’t ibang bayan sa Quezon.

#NationalDisasterResilienceMonth2025
#PDRRMO
#SerbisyongTunayAtNatural
#HEALINGQuezon
#QuezonProvince


Quezon PIO

Kalinga sa Mamamayan, Libreng Gamutan (Medical Mission) sa Guinayangan, Quezon | July 6, 2025

Kalinga sa Mamamayan, Libreng Gamutan (Medical Mission) sa Guinayangan, Quezon | July 6, 2025

TINGNAN: Ang mga naging kaganapan sa isinagawang “Kalinga sa Mamamayan, Libreng Gamutan” o Medical Mission sa Brgy. Mabini, Guinayangan, Quezon ngayong araw ng Linggo, Hulyo 6.

‎Ang serbisyong pangkalusugan na ito ay inisyatibo ni Governor Doktora Helen Tan sa pagtutulungan ng mga doktor, espisyalista, nurse, sundalo at mga kawani ng Pamahalaang Panlalawigan upang makapaghatid ng LIBRENG serbisyong medikal.

‎#SerbisyongTunayAtNatural
‎#HEALINGQuezon
‎#KalingaSaMamamayanLibrengGamutan
‎#MedicalMission2025


Quezon PIO

Kalinga sa Mamamayan, Libreng Gamutan (Medical Mission) sa Calauag, Quezon | July 6, 2025

Kalinga sa Mamamayan, Libreng Gamutan (Medical Mission) sa Calauag, Quezon | July 6, 2025

Sa pagsisimula ng bagong termino sa panunungkulan ni Governor Doktora Helen Tan, kaagad na pinasimulan ang “Kalinga sa Mamamayan Libreng Gamutan o Medical Mission” nitong araw ng Sabado, Hulyo 5 sa Brgy. Tiniguiban Calauag, Quezon.

‎Ang pagkakaisa ng mga doktor, ispesyalista, nurse, sundalo at mga kawani ng Pamahalaang Panlalawigan ay nakapaghatid sa 2,301 benepisyaro mula sa nasabing bayan ng libreng serbisyong medikal gaya ng Medical Consultation, Dental Extraction, Tuli, Minor Surgery, Bukol screening, Optical service, OB ultrasound, ECG, X-Ray, FBS, Cholesterol, Uric Acid, UACR, CBC, Blood Typing, Urinalysis, HIV Test, Family Planning, Cervical Screening at Breast Screening.

‎Taos-pusong nagpasalamat si 4th District Congressman Atty. Mike Tan bilang kinatawan ni Governor Tan sa dedikasyon at hindi matatawarang malasakit ng mga nagbalikatan upang maging matagumpay ang medical mission.

‎Samantala, sa tuloy-tuloy na serbisyo, isinasagawa rin ngayong araw, Hulyo 6 ang Medical Mission sa Guinayangan Quezon

‎#KalingasaMamamayanLibrengGamutan
‎#MedicalMission2025
‎#SerbisyongTunayAtNatural
‎#HEALINGQuezon


Quezon PIO

Quezon Provincial Information Office Mid-Year Assessment & Capability Enhancement Workshop | July 5, 2025

Quezon Provincial Information Office Mid-Year Assessment & Capability Enhancement Workshop | July 5, 2025

Upang higit pang mapatatag ang ugnayan at matuto mula sa isa’t isa, matagumpay na isinagawa ng Quezon Provincial Information Office (QPIO) ang kanilang Mid-Year Assessment noong Hulyo 3 hanggang 5 sa bayan ng Real, Quezon.

Naimbitahan naman sa pagsasanay ang ilang kinatawan mula sa Radio Television Malacañang (RTVM)—na sina Mr. Jan Carlo Isleta at Engr. Mark Vincent Quiambao na nagturo ng mga praktikal na pamamaraan sa wastong paggamit ng lighting at audio system, upang mapaunlad ang kalidad ng media output ng tanggapan.

Samantala, bumisita rin si Hon. Lord Arnel “LA” Ruanto upang magbahagi ng kanyang karanasan at kaalaman sa Social Media Management.
Sa pagtatapos ng tatlong araw na aktibidad, hindi lamang kaalaman ang naiuwi ng bawat kalahok, kundi mas matibay na samahan, inspirasyon, at panibagong sigla upang mas paghusayin pa ang kanilang serbisyo sa publiko.

#SerbisyongTunayAtNatural
#HEALINGQuezon
#QuezonProvince


Quezon PIO

1st National Orthopedic & Rehabilitation Medicine Summit | July 5, 2025

1st National Orthopedic & Rehabilitation Medicine Summit | July 5, 2025

TINGNAN: Dinaluhan ni Governor Doktora Helen Tan bilang isa sa mga panauhing tagapagsalita ang ginanap na 1st National Orthopedic and Rehabilitation Medicine Summit ngayong araw ng Hulyo 5 sa Pasig City.

Makabuluhang ibinahagi ng gobernadora ang patungkol sa Referral Network System at Telemedicine na ipinapatupad sa buong lalawigan ng Quezon na bahagi rin sa mga programa at proyektong tumutugon para sa mas maayos na kalusugan ng mga Quezonian.

Bukod dito’y binigyang-diin din ang mga pinalawak na plano tungo sa mas malusog na lalawigan, tulad na lamang ng pagtatatag ng Provincial Health Navigators.
Samantala, nananatili ang hangarin ni Governor Tan na mapabuti ang Health System sa lalawigan ng Quezon kung kaya’t patuloy ang kanyang pagsusumikap na matugunan ng sapat ang kinakailangan ayusin sa tulong na rin ng mga nasyonal na pamahalan.

#SerbisyongTunayAtNatural
#HEALINGQuezon
#QuezonProvince


Quezon PIO