
Pagkortesiya sa Tanggapan ni Governor Doktora Helen Tan ng Development Bank of the Philippines (DBP) | July 02, 2024
Nagkortesiya sa tanggapan ni Governor Doktora Helen Tan ang Development Bank of the Philippines (DBP) sa pangunguna ng kanilang Pangulo at Chief Executive Officer na si Mr. Michael O. De Jesus ngayong araw ng Martes, Hulyo 2.
Tinalakay at ibinahagi ng kawani ng DBP ang nilalaman ng programang DBP Forest na handog ng naturang bangko sa ilalim ng Corporate Social Responsibility (CSR) program kung saan magmumula ang pondo sa Green Climate Fund (GCF).
Ang programang ito ay naglalayong suportahan ang layunin ng Nasyonal na Pamahalaan na mapanumbalik ang sakop ng kagubatan ng bansa kabilang ang mga lugar sa baybayin, itaguyod ang pakikipagtulungan sa mga pampubliko at pribadong organisasyon na may parehong pananaw, mag-ambag ng 7,500 ektarya sa konserbasyon ng kagubatan sa taong 2030, mapagaan ang epekto ng Climate Change alinsunod sa UN Sustainable Development goal no. 13 – Climate action at makapagtanim ng mga puno sa kagubatan, mga prutas na may mataas na halaga at ilang mga kapaki-pakinabang na species tulad ng kawayan, ilang-ilang at bakawan.
Samantala, kasama rin na dumalo sa talakayan ang mga kinatawan mula sa tanggapan ng Environment and National Resources ng Lalawigan.
Source: Quezon PIO