
Health Advisory β Mag-ingat sa Leptospirosis!
MAG-INGAT SA LEPTOSPIROSIS!
Ang lalawigan ng Quezon ay nakaranas ng malakas na hangin at pag-ulan na dala ng Severe Tropical Storm Aghon. Ito ay nagdulot ng pagbaha sa maraming lugar na maaaring pagmulan ng mga sakit gaya ng Leptospirosis.
Ang leptospirosis ay sakit na galing sa ihi ng mga infected na hayop na maaaring maka-kontamina sa lupa at tubig. Maaaring makahawa ang Leptospirosis sa pamamagitan ng mga sumusunod:
π Pagtalsik ng kontimadong tubig o ihi sa mata, ilong at bibig;
π Pagkain at paginom ng maduming pagkain at tubig; at
π Paglusong sa maruming tubig habang may bukas na sugat.
Kung ikaw ay na-expose sa baha, may sugat man o wala, agad na komunsulta sa inyong doktor o magtungo sa pinaka malapit na health center upang mabigyan ng prophylaxis.
Source: Quezon PHO