
2nd Quarter Provincial MSME Development Council Meeting | July 01, 2024
Ginanap ngayong araw ng Lunes, Hulyo 1 ang 2nd Quezon Provincial Micro, Small, and Medium Enterprise Development (PMSMED) Council Meeting sa pangunguna ni Acting Provincial Administrator PGDH-ENRO John Francis Luzano bilang kinatawan ni Governor Doktora Helen Tan sa nasabing pagpupulong.
Dinaluhan ito ng iba’t-ibang tanggapan ng Pamahalaan kabilang ang Philippine Chamber of Commerce and Industry – Quezon Province, Inc, Department of Trade and Industry – Quezon (DTI), Department of Science and Technology – Quezon (DICT) at iba pang mga sangay ng lokal at nasyonal na ahensya sa Lalawigan na myembro ng naturang konseho.
Ilan sa naging adyenda sa pagpupulong ay ang resulta patungkol sa pag-update ng listahan ng mga establisyemento sa Lalawigan noong nakaraang taong 2023, pagpapanatili at pagrerehistro ng negosyo sa Lalawigan, ease of paying taxes act at iba pang mga concerns na may kinalaman sa MSM enterprise sa lalawigan.
Hangad ng Pamahalaang Panlalawigan na mas mapabuti pa ang kalagayan ng mga mamamayan sa Quezon kung kaya’t lubos ang suporta sa mga kababayang mayroong maliit o malaking negosyo sa Lalawigan na magbibigay daan upang maiangat pa ang antas ng pagsusulong ng mga lokal na produktong mula sa Quezon.
Source: Quezon PIO