NEWS AND UPDATE

Association of Local Government Accounts in Quezon (ALGAZON) | August 16, 2024

Association of Local Government Accounts in Quezon (ALGAZON) | August 16, 2024

TINGNAN: Sa pangunguna ng Office of the Provincial Accountant, isinagawa noting araw ng Biyernes, Agosto 16 ang pagpupulong ng Association of Local Government Accountants in Quezon (ALGAZON). Malugod na binigyang pagkilala at pugay ni Governor Doktora Helen Tan ang 26 munisipalidad sa lalawigan ng Quezon na nakakuha ng Unmodified Opinion F.Y. 2023 mula sa Commission of Audit (COA). Hangad namang mananatili ang dedikasyon at pagsusumikap ng bawat Local Government Unit para sa malinis at responsableng pamamahala ng kani-kanilang mga pondo.


Quezon PIO

BIYAHERONG MAY PEKENG ANIMAL SHIPPING DOCUMENTS “SINAMPAHAN NG KASO” | August 16, 2024

BIYAHERONG MAY PEKENG ANIMAL SHIPPING DOCUMENTS “SINAMPAHAN NG KASO” | August 16, 2024

Dumulog sa Pulisya ng Tiaong, Quezon si Provincial Veterinarian, Dr. Flomella Caguicla, para pormal na ireklamo ang biyaherong nasabat nila sa Provincial Animal Checkpoint sa Tiaong, Quezon. Ang nasabing biyahero ng baboy ay nagprisinta ng mga pekeng dokumento ng veterinary health certificate, veterinary shipping permit, animal inspection certificate at certificate of free status for ASF. Habang nasa proseso pa ng imbestigasyon ang checkpoint officer kasama si Dra. Caguicla ay biglang itinakas ng driver ang truck lulan ang mga baboy. Kaninang alas 4:00 ng hapon ay isinumite na ang nasabing reklamo sa piskalya ng Regional Trial Court sa Lucena.


Office of the Provincial Veterinarian – Quezon

Tagayan Dance Ritual Contest | August 16, 2024

Tagayan Dance Ritual Contest | August 16, 2024

Pagpapakita ng tradisyon at kulturang Quezonian sa pamamagitan ng sayaw dala ang ipinagmamalaking lambanog, Ito ang Tagayan Dance Ritual Contest na ginanap nitong gabi ng Biyernes, Agosto 16 sa Niyogyugan Festival Stage- Perez Park, Lucena City. Tampok ang iba’t- ibang pamamaraan ng pagpapadama sa mga manunuod ang 28 na kalahok mula sa iba’t- ibang bayan ng Lalawigan ng Quezon ng kanilang mga pinaghandaang performances gamit ang puso at pangarap na maiangat ang kanilang bayang sinilangan. Narito ang mga nagwagi sa nasabing kompetisyon: Grand Winner- Calauag 1st Runner Up- Lucena 2nd Runner Up- Mauban #TAraNasaQuezon #NiyogyuganFestival2024


Quezon PIO

Tagayan Dance Ritual Contest | August 16, 2024

Tagayan Dance Ritual Contest | August 16, 2024

HAPPENING NOW : Tagayan Dance Ritual Contest August 16, 2024 | Provincial Capitol Grounds, Lucena City Livestream – Provincial Government of Quezon


Quezon PIO

HAPPENING NOW : Niyogyugan 2024 | August 16, 2024

HAPPENING NOW : Niyogyugan 2024 | August 16, 2024

HAPPENING NOW : Niyogyugan 2024 August 16, 2024 | Provincial Capitol, Lucena City Livestream – Provincial Government of Quezon


Quezon PIO

HAPPENING NOW : Niyogyugan 2024 | August 16, 2024

HAPPENING NOW : Niyogyugan 2024 | August 16, 2024

HAPPENING NOW : Niyogyugan 2024
August 16, 2024 | Provincial Capitol, Lucena City

Livestream – Provincial Government of Quezon

Government Internship Program (GIP) Orientation | August 16, 2024

Government Internship Program (GIP) Orientation | August 16, 2024

Kabilang sa hangarin ni Governor Doktora Helen Tan ang mabigyan ng oportunidad na trabaho ang mga mamamayan ng lalawigan ng Quezon, at isa sa mga programang tumutugon dito ay ang GIP o Government Internship Program.

Sa pamamagitan ng Public Employment Service Office (PESO) sa pangunguna ni Assistant Department Head and PESO Manager Genecille Aguirre katuwang ang DOLE, isinagawa ngayong araw ng Biyernes, Agosto 16 ang GIP Orientation and Life Skills Training ng 593 Quezonian na benepisyaryo ng nasabing programa.

Malaking tulong ang programa upang malinang ang kasanayan sa pagtatrabaho ng mga benepisyaryo lalo’t karamihan sa kanila ay katatapos lamang sa kolehiyo. Nagkaroon din ng talakayan o life skills training na magagamit ng mga benepisyaryo sa kanilang pagtatrabaho.

Samantala, madedeploy naman ang mga ito sa iba’t-ibang opisana sa kapitolyo, satellite offices, DepEd, at Negosyo Centers.


Quezon PIO

2024 Cocolympics Provincial Level | August 15, 2024

2024 Cocolympics Provincial Level | August 15, 2024

Diskarte ang ipinakita ng mga kalahok mula sa apat na distrito ng Lalawigan ng Quezon sa ginanap na Cocolympics 2024 ngayong araw ng Huwebes, Agosto 15 sa Quezon Convention Center.

Limang palaro kagaya ng Lambanog Relay, Bangus Deboning, Panlazang Gen Z, Coconut Relay at Quezon, Game Ka Na Ba ang pinaglaanan ng mga kalahok ng kanilang husay at bilis, utak at puso upang ipamalas ang kanilang angking galing sa bawat kompetisyon.

Narito ang mga nagwagi sa mga sumusunod na palaro:

LAMBANOG RELAY:

1st Place- LUCBAN (DISTRICT I)

2nd Place- SAN ANTONIO (DISTRICT II)

3rd Place- BUENAVISTA (DISTRICT III)

4th Place- LOPEZ (DISTRICT IV)

BANGUS DEBONING:

1st Place- LUCBAN (DISTRICT I)

2nd Place- LUCENA (DISTRICT II)

3rd Place- QUEZON (DISTRICT IV)

4th Place- AGDANGAN (DISTRICT III)

PANLASANG GEN Z:

1st Place- TAGKAWAYAN (DISTRICT IV)

2nd Place- BURDEOS (DISTRICT I)

3rd Place- BUENAVISTA (DISTRICT III)

4th Place- CANDELARIA (DISTRICT II)

COCONUT RELAY:

1st Place- MAUBAN (DISTRICT I)

2nd Place- CALAUAG (DISTRICT IV)

3rd Place- UNISAN (DISTRICT III)

4th Place- DOLORES (DISTRICT II)

QUEZON, GAME KA NA BA?:

1st Place- DOLORES (DISTRICT II)

2nd Place- PITOGO (DISTRICT III)

3rd Place- POLILLO AT PLARIDEL (DISTRICT I & II)


Quezon PIO